Promise//21

1 0 0
                                    

Dale

Kasalukuyang ginagamot ni Mich ang mga sugat ni Gemini habang kami ni Ron naman ay nililigpit ang mga kalat sa apartment.

"Aray, dahan dahan, Mich," rinig kong reklamo ni Gemini.

"Aray aray ka ngayon, ano bang nangyari at ang dami mong pasa at sugat?" tanong ni Mich.

Napatahimik si Gemini nang tanungin siya ni Mich. Nagkatinginan lang kaming tatlo at bumuntong hininga.

"Dito muna kami nagsstay hanggang sa tingin naman ay okay ka na," wika ko. Nilingon ako ni Gemini tska umiling.

"Hindi na."

"Whether you like it or not, dito muna kami.Kaya bumalik kana sa kwarto mo at magpahinga ang laki na ng eyebags mo oh," saad ni Mich.

Wala namang nagawa si Gemini kundi sumunod. Dala na din siguro ng pagod kaya hindi na siya nakipagtalo. Pinanood namin siya pumunta sa kwarto at ng masigurong nakapasok na siya ay nakahinga kami ng maluwag.

We already lost Aries and we can't afford to lose another friend. Alam naming malapit ang dalawa sa isa't isa kaya naman naawa kami kay Gemini dahil sa aming lahat, alam ko na siya ang pinaka naapektuhan.

"So, dito nalang tayo sa sala?" tanong ko. Tumango ang dalawa kaya inayos na namin ang hihigaan namin. Si Mich sa sofa samantalang kami ni Ron sa carpet.

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ingay. Iminulat ko ang mga mata ko tska tumayo para alamin kung anong nangyayari.

Sinundan ko ang pinagmumulan ng ingay at dinala ako noon sa banyo. Nakabukas ang ilaw at pinto kaya naman sinilip ko kung sino ang tao sa loob at nakita ko si Gemini.

Nakatalikod siya sa akin kaya akmang lalapit ako sakanya ng may maapakan akong malapot. Nanlaki ang mga mata ko ng dugo iyon.

Dahan dahan kong nilingon si Gemini. Doon ko napansin na bukas ang gripo at umaapaw ito. Naghahalo ang sariwang dugo na galing kay Gemini at ang tubig na umaagos.

"P-pre..."

Kita ko ang paghinto ni Gemini sa ginagawa
at dahan dahang humarap sakin. Napasandal ako sa hambana ng pinto sa nakita.

Hawak ni Gemini ang kutsilyo at nakabaon yon sa braso niya. May laslas din ang pulso niya at halata na ang pamumutla sa mukha ni Gemini.

"Tangina! Gemini!" nagmamadaling hinablot ko ang twalya na nasa sink tska siya nilapitan. Ipinulupot ko sa braso niya iyon.

"Ayoko na, Dale. Hindi ko na kaya. Ayoko ng mabuhay. Wala na si Aries. Wala na..."hinang hina na saad ni Gemini.

Hindi ko sinagot at inalalayan ko siyang tumayo," Pre dadalhin ka namin sa Hospital kumapit ka, "ani ko.

Nang makalabas kami sa banyo ay namataan ko sa sala sina Mich at Ron. May mga picture silang hawak at tila napakalalim ng mga iniisip.

" Mich! Ron! Si Gemini dalhin natin sa hospital! "sigaw ko.

Pero nilingon nila ako gamit ang malalamig nilang mga mata.

" Guys? "

Anong nangyayari?

" Bitawan mo 'yan, Dale! "sigaw ni Ron na ikinagulat ko.

" Ron! Pre! Kailangan nating dalhin sa Hospital si Gemini!" tugon ko pero hindi niya ako pinakinggan. Bigla siyang lumapit sa amin at pinaghiwalay kami tska niya kinuwelyuhan si Gemini at sinuntok ito sa mukha.

" Pre! Pre!" agad akong inawat si Ron ng akmang susuntukin niya uli si Gemini.

" Tangina ka Gemini! Hayop ka! Mamatay ka!" sigaw ni Ron.

"Hindi... Si Aries wala na...."rinig kong binubulong ni Gemini habang pilit na sinasabunutan ang ulo.

" Ron! Pre! Ano ba!"

" Bitawan mo ako Dale! Iyang hayop na 'yan! Siya ang pumatay kay Aries!"nabitawan ko si Ron ng marinig ang sinabi niya.

Tama ba ang rinig ko? Si Gemini?

Nagsimulang mangilid ang luha ko at nilingon si Gemini na umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon