Puno ng kasayahan ang pusong lumulan siya sa tren kasama ang amain at tuloy sa pantalan. namangha ang kanyang mga mata sa nakita---nagtataasang mga building at lumilipad na eroplano sa himpapawid na tila kaya nang abutin. Tama nga ang kanyang mga kalaro, maganda nga dito sa Maynila. Naway magtagal pa kami dito aniya.
Sumakay sila ng taxi ng kanyang amain papunta sa bahay ng kanilang kamag-anak doon, hindi pa sila nagtatagal sa loob ng sasakyan nang bumagal ang usad nito. Pakiramdam naman niya ay sadyang pinagbibigyan siya ng tadhana na matanaw ang animo paraiso sa kanyang mata na naglalakihang gusali at mga fly over kung kaya ninais na rin niya na mabagal ang usad ng kanilang sinasakyan. Hindi nagtagal at nagtanong ang kaniyang amain sa drayber na halatang naiinip na, “mukhang mas mahaba ang trapik ngayon, ano ho? “ wika niya sa drayber. “Ay oo, dangan kasi na mayroon daw nagaganap na rally diyan sa may mendiola” anang drayber. “Ay talaga palang hindi tumitigil ang mga iyan, ano?” kung bakit kaya at panay ang pagkakalat nila sa kalsada eh wala naman silang napapala diyan salot laang “mahabang tugon ng kaniyang tiyuhin. “Hindi mo sila masisisi sir, tinututulan nila ang pagpasa ng batas na naglalayon daw manghuli ng mga pinaghihinalaang tulisan” hindi pa man natatapos ang drayber sa pagkukuwento nang may makita silang naghahabulan sa kalsada. Ilan marahil dito ay kasama sa rally at pinipilit pusasan ng mga pulis, ang ilan din sa kanila ay duguan na. Mahahalata ang tensyon sa pagitan ng dalwang grupo.
Takot na takot ang batang si Angelo sa nakita, ito lamang ang unang beses na nakakita siya nang nag-aaway at kasama pa ang mga pulis. Malaki ang respeto niya sa mga pulis dahil sa kanilang baryo wala siyang nababalitaan na katulad ng ginagawa ng nasa kanyang harapan sa mga oras na iyon. Napansin naman siya ng kanyang amain at pinayuhang matulog sapagkat aniya matagal pa ang kanilang biyahe dahil sa trapiko, ngunit alam ng batang si Angelo na sinabi lamang iyon ng amain upang pukawin ang takot na halatang halata sa kanyang mukha dulot ng nasaksihan. Magkagayunman, pinasiya na rin niya na sundin ang amain at natulog kahit hindi maalis sa baliwtataw ang katatapos lamang na tagpong nasaksihan.
Hapon na nang siya ay magising at sinabi ng tiyuhin na malapit na sila kung kaya hindi na niya muli ipinikit ang mata. Sa wakas nakarating na rin sila sa pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Ang isang araw sa buhay ng batang si Angelo
General FictionMga istoryang 'di mo nanaising malaman