Chapter 1 (The Past)

87 2 0
                                    

Chapter I:

Karenina POV:

“WAla na bang katapusan to !” Pag kausap ko sa aking sarili.

Nakakaloka naman kasi, itong Alupihan kong tiyahin ke aga eh paglampasuhin ba ako ng bahay nila. Mahirap linisin to ah ang laki laki kaya , sa aking tantya kasya dito ang isang balyena.

Hindi naman sa nag rereklamo ko ah, Pero konsiderasyon naman! May pasok kaya ang maganda nyong bida !

Oo yes estudyante ako ! Estudyante ako ng HAshtag University.

Mahirap ang ginagawa ko dito sa mansion, dahil umagang umaga palang ay ginigising na ako ng alupihan kong tiyahen para lang maglinis, Tinitiis ko na lang dahil malaki rin naman ang utang na loob ko sa kan'ya , siya na rin kasi ang kumopkop sa akin simula noong nangyari ang Trahedya noong maliit pa ako.

Flashback:

“Ren-Ren! G-gising gising !” Pang gigising sa akin ni Ate belle sa kalagitnaan ng gabi madilim noon at tanging liwanag ng buwan lang nagbibigay liwanag sa kwarto ko.

“Bakit ate , ano pong meron?” tanong ko sa kanya.

“Ssshh, 'wag k-kang m-maingay Ren, mag tago ka muna doon sa loob ng cabinet , at wag na wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi naiintindihan mo ba?” PAgkatapos ay niyakap niya ko ng mahigpit.

NAririnig ko rin ang patak na ulan at dagundong ng mga kidlat, tila nag babayda ang isang malaking unos.

“Ate ano ba ang nang yaya- -   Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tuluyan na syang nakalabas ng pinto.

Bakas sa mukha ni ate Belle ang kaba,gusto kong magtanong kung ano ang nangyayari pero sumunod nalang ako sa gusto nyang mangyari , nag tago ako sa cabinet.

Habang nasa loob ako ng cabinet, rinig ko ang mga kalabog mula sa labas ng aking kwarto.

“AAAAHHHH! A-ANONG GAGAWIN NYO SA ASAWA KO?! AAHHHHHHHHH!” Hiyaw yoon ng aking ina.

Hindi ko alam kung ano ang nagyayari, kung ano anong tunog at kalabog ang naririnig ko.

“Wag po, maawa po kayo sa mama't Papa ko” Rinig kong humihikbi si ate Belle.

Tinakpan ko ang aking tenga pero rinig ko pa rin ang mga ungol,mga ungol na tila hindi magagawa ng mga ordinaryong tao.

Sinuway ko ang sinabi ni ate, lumabas ako sa cabinet at lumapit sa pintuan at saka sumilip sa maliit na butas.

Nanlaki ang aking mata at napatakip ng kamay sa aking bibig kasabay noon ay ang pagtuo ng aking mga luha dahil aking nakita kung paano pinagpipiraso at ginugutay gutay ng isang halimaw na hugis tao ang bangkay na katawan ni Mama gamit ang kanyang kamay at bibig, at si ate pilit syang dinadala ng mga lalaking nakamaskara at nakaitim na roba palabas ng aming bahay.

Nang tuluyan silang makalabas ng pintuan, nakita ko ang isang lalaking naka robang itim na nag labas ng apoy sa kaliwa nyang kamay at saka iyon ibinato sa ding-ding ng bahay.

Dragons Den AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon