Chapter 2

25 0 1
                                    

Ariel's POV

Nakakaasar talaga ang nilalang na yun! Balak pa atang biktimahin ang Baby Karen ko!

Muntik pa tuloy akong madulas, muntik ko ng masabi sa kanya ng wala sa panahon.

"Bwisit ka talaga Arievel ! Alam mong hindi pa panahon eh ! Aissst!" Usal ni Christine.

Okay Sermon time na naman ito, pero bago pa man ako masermonan nitong si Christine, binuhat ko na si Karen ng pa bridal style para dalhin sa School clinic.

Bakit ba kasi sa lahat ng magugustuhan ni Karen ang lalaking yun pa, Karen kung alam mo lang sana kung anong uri ang lalaking yoon.

Habang nag lalakad kami sa Hallway, nakita kami ng isa sa mga professor dito sa School.

"Iho anong nangyari sa kanya?" PAgtatanong nito.

" nawalan po ng malay,." SAgot ko naman.

"Nalipasan po kasi ng gutom Ma'am" Singit ni Chrisitne.

Napansin ko ang pag bigat ng pakiramdam sa paligid, at napansin ko rin na titig na titig ang Propesorang ito kay Karen na halos hindi maalis ang paningin nito.

"Ako na ang magdadala sa kanya sa Clinic, bumalik na kayo sa mga klase nyo."

Akmang aagawin na sana niya sakin si Karen ng biglang tabigin ni Chrisitne ang mga Kamay nito.

"Hindi po Ma'am, pasensya na pero sa tingin ko po kayo ang dapat bumalik sa klase nyo." Sabi ni Chrisitine.

"Christine ikaw na ang bahala dito" Sabi ko at saka tumakbo palayo sa Propesorang iyon.

Alam ko kung anong klaseng nilalang ang propesorang yun, hindi sya ordinaryo.

Kailangang mailayo ko sa kanya si Karen, espesyal siya, hindi lang sa puso ko, kundi sa buong lahi namin.

Habang papalayo ako sa kanila ay rinig ko ang mga kalabog, napangiti na lang ako.

Mukhang alam ko na ang nagyayari. Pasaway na Christine.

Ginamit ko ang abilidad ko,tumalon ako ng pagkataas taas sa ere to the point na naabot ko ang bubong ng eskwelahan namin.

Kailangang mag madali. Imbis na sa Clinic ko sya dinala, ibang lugar ang pumasok sa isip ko na pag dalhan sa kanya.

Kay Master Redon.

Talon, Padyak, talon ulit ng mataas, ilang sandali pa, narinig ko si Karen na umuungol,

"Hmmmm, WAAAAAAHHHH! Anong nangyayare ! Hoy Hoy Hoy Anong ginagawa mo! KYYAAAHH! Sino ka ba?!!"

Karen's POV

Nakakahilo uugghh ! Feeling ko nakasakay ako sa isang Roller Coaster.

Minulat ko ang mata ko at,hindi nga ko nag kakamali , nakasakay nga ako ! Sa isang lalaki na lang.

"Hmmmm, WAAAAAAHHHH! Anong nangyayare ! Hoy Hoy Hoy Anong ginagawa mo! KYYAAAHH! Sino ka ba?!!"

Hindi naman sa may fear of heights ako pero bakit ang taas taas ng talon nya?

"HOY LALAKE SINO KA BA HA?!" SAbi ko

"Gising ka na pala Baby! Kapit ka lang maiigi ah?" sabi ng lalaki---wait?! Isa lang naman ang tumatawag sakin ng baby walang iba kundi si "ARIEL?! Ikaw yan?!"

"Ako nga baby." Sabi nito ng hindi tumitingin sakin. "Kiss mo naman ako pampagana tumalon." Dugtong nya. Binatukan ko nga.

"Aray ko naman baby pag tayo na lag lag kasalanan mo ah."

Dragons Den AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon