Ginoong Lauriert, binibining Finesse. Ipinatatawag ho kayo ng kamahalan. May mga alagad ng kadiliman na namang sumasalakay sa ating bayan ng Elvandar. Salubong sa amin ng isang guwardya habang papasok pa lamang kami ng aking kabiyak sa tarangkahan ng Elvandar, ang aming bayang pinagsisilbihan. Ako bilang pack master ng mga anak ng kagubatan, children of the wild, na ngayon ay tinatawag na nilang Rangers. At ang aking asawang isa sa pinakamagagaling na mersenaryo ng Elvandar. Bumalatay sa aking mukha ang matinding kaba nang lingunin ko ang aking asawang si Lauriert na nakasakay sa kanyang puting kabayo. Marahan kong tinanggal ang aking maskarang nagtatakip sa aking ulo at mukha at hinarap siya. Kasunod niya kasi ang aking kabayo. Pauwi na sana kami sa aming tahanan. Agad kong kinuha ang aking singsing sa aking leather bag na nakasukbit lamang sa aking balikat at inalerto ang mga rangers na nasasakupan ko. Maging ang unang pack master na si binibining Arielle ay malamang nagising sa aking pagsigaw.Binalingan ko ng tingin ang aking asawa, at kausap pala nito ang kanyang anak na si Lauriana sa isip. Tinanguan muna ako nito bago kami tumuloy sa palasyo ng reyna. Nakasalubong ko pa si Lanshea, ang mga kumukuha ng mga bounties na tila ba nagmamadali, bitbit ang kanyang mga gamit. Hinarang ko ito upang tanungin. Patawad, binibini. Ngunit nagkakagulo na sa palasyo. Pinatakas na ho ako ng reyna. Nakarinig na ako ng mga yabag ng kabayo, at paglingon ko sina Arielle lang pala at ang kanyang grupo. Sinaluduhan ko muna ito bago iniwan ang aming mga kabayo sa bakuran ng palasyo. Inabutan namin ang mga guwardyang nakatalaga rito na nagpapambuno sa mga tauhan ni, ni Taniel?Tila ba isang bombang sumabog sa isip ko nang mapagtanto ko kung anong nagaganap. Namataan ko ang archbishap na si Brand, na siya pang nangunguna sa pagwasak sa Elvandar. Halos madurog ang puso ko sa mga nangyayari, kahit na inaasahan na namin ito. Katabi niyang nakikipaglaban ang kanyang asawang si Ceinna. Itinaas ko ang hawak kong composit bow, at nilagyan ko ito ng nag aapoy na palasong galing pa sa anak ng aking asawang isang magi. Niyakap ko muna ang aking asawa bago ko pinuntahan ang aking mga hawak na grupo ng mga rangers, at saka sila binigyan ng maikling briefing. Children of the wild! Sigaw ko. Makinig kayo ng mabuti. Lalaban tayo para sa ating bayan! Mamatay man, iniaalay natin ang ating puso't kaluluwa para sa ating Elvandar! Uhaa! Sigaw naman ni Arielle kasabay ng pagtaas nito ng kanyang panang hawak. Lumingon naman sa amin ang mga priests ni Taniel, at tila ba mga naaaliw na mga ekspresyon ang nakikita namin sa kanilang mga pagmumukha. Gigil kong hinawakan ang dulo ng aking pana, hinihintay ang tamang panahon upang sumugod. Pack master! Pabulong na sambit ni Arielle sa akin. Pack master. Tugon ko rin sa kanya. Dearest, lalaban kami kasama ka. Nagulat ako sa narinig. Tinig ng isang pamilyar na boses na gustong gusto ko nang naririnig noon pa. Lord marshil Meilin. Sambit ko sa isip na narinig pala ng huli. Ako nga! Kami ng mga kapwa ko crusaders ay lalaban sa iyong tabi. Huwag ka nang mangamba. Malumanay nitong sabi sa akin. Paglingon ko sa kanan ay ang pilak nitong mga mata ang nakita ko. Lumakas ang kanina ko pang nanghihinang loob. Pero, paano nga ba umabot sa ganito? Paano nga ba naging ganito kagulo ang Elvandar? Paano nga ba naging kalaban ni Taniel ang bayang, kanyang biniyayaan? Dahil ba sa mga taong sakim? O sa mga taong akala mo'y santo ngunit isa pala sa mga nagpapakalat ng kasamaan at kasakiman sa mundo??
BINABASA MO ANG
Elvandar
FantasyHindi lahat ng mga mabubuting nilalang ay pawang mabubuti ang adhikain at budhi. Hindi rin lahat ng mga masasama ay wala nang natitirang kabutihan sa kanilang kalooban. Magkagayunman, walang sinuman sa atin ang may karapatang manghusga o humusga sa...