Chapter 2. Namuhay akong masaya sa bayan ng Elvandar. Marami na rin akong mga nakadaupang palad na mga tao. Isa na rito ang ranger na si Arielle. Maganda siya, elf din siya kagaya ko at naninilbihan siya sa bayang ito bilang isa sa mga nakikidigma kapag may labanan. Si Aisahi na kapwa ko rin elf, isa naman siyang guro sa akademya ng musikero na kung tawagin ay Scalds.Lahat sila ang mga kaibigan ni Ananth, na agad niyang ipinakilala sa akin nang makakuha siya ng pagkakataon. Nakilala ko rin si Edel, siya rin ay isang guro sa akademya ng mga musikero, na akin ding nagustuhan agad agad nang marinig ko itong umawit. Hindi naman sa gustong romantiko, ngunit nagustuhan ko siya dahil sa kanyang mumunting mga ngiti at ramdam mo sa tuwing siya'y umaawit. Isang umaga, nakaupo lamang ako sa fountain ng Elvandar nang makita ako ni Edel. Taimtim ko lamang pinagmamasdam ang mga ulap na tila bagang mga bulak na nililipad ng mahinang hangin.Hindi naman gaanong malamig at mainit ang panahon ngayon dito sa bayan ng Elvandar. Umupo ito sa aking tabi, at marahang ginulo ang aking pilak na buhok. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi nang makilala ko ito. Nasisinagan ng araw ang kanyang maamong mukha, paresan pa ng kanyang berdeng mga matang kahalintulad ng batong esmeralda, kumikinang, ngunit tila ito'y pagod. Kasabay ng kanyang mumunting ngiti ay ang pag galaw ng kanyang tengang kahalintulad ng sa akin.Anong ginagawa mo rito, Finesse? Maingat nitong tanong sa akin. Napakamalumanay ng kanyang tinig, tila baga isang bulong ito na tinatangay ng hanging amihan. Wala naman po ginoong Edel. Marahil ay hinihintay ko si Ananth upang kanyang iturong muli sa akin ang daan patungong Thildens. Marahan namang tumawa ito. Ah, hindi mo pa rin gamay ang daan. Tumayo ito at inabot sa akin ang kanyang kamay upang aking hawakan. Nakuha ko naman ang kanyang nais, at tumayo na rin sa aking kinauupuan. Agad naman niyang binitawan ang aking kamay matapos niya akong alalayan sa pagtayo. Sumunod ka sa akin at huwag kang lalayo. Mapanganib sa katulad mong baguhan ang kagubatan. Sabi niya. Tumango na lamang ako at nauna siyang naglakad kaysa sa akin.Nakarating kami sa kagubatan, at matapos ng iilang liko ay nakarating kami sa isang tarangkahan. Ito na marahil ang kuta ng mga thildens na madali ko namang natatalo at natatagpas ang kanilang mga ulo upang dalhin kay binibining Lanshea ang kanilang mga bungo. Ngumiti muna ito sa akin bago ako pinagbilingang mag ingat, at saka siya nawala sa aking paningin. Tila kasing bilis ng hangin niyang tinakbo ang kaagubatang ito, hindi inalintana ang mga punong nakaharang sa dinadaan niya. Sinimulan ko na ang aking pakay matapos kong ipakita ang aking papel na pahintulot mula sa reyna ng mga dwendeng maari akong pumatay ng Thildens hangang sa aking nais. Binuksan ng babaeng tagabantay ang tarangkahang gawa sa mga baging ng kahoy at hinayaan akong pumasok.Bumungad sa akin ang tila mga kuwebang pinagkukutaan ng mga Thildens. Binunot ko sa lagayan nito ang aking espadang bigay pa ni Ananth, at maingat kong hinawakan ito ng aking dalawang kamay. Pagbaling ng aking ulo sa kanan ay namataan ko ang isang thilden na malayang gumagala sa labas ng kanilang tinitirhang kuweba. Humanap muna ako ng tyempo upang madali ko itong masugod. Nagtago ako sa mga batong nakapaligid dito at pilit kong pinagkakasya ang aking sarili rito. Nagulat naman ako ng may naramdaman ako sa likuran ko. Pumihit ako palikod at nakita ko ang isang babaeng dwendeng kagaya kong nagtatago rin sa bato. Iginalaw niya ang kanyang kamay, na tila nagpapahiwatig sa akin na huwag akong maingay. Nahintakutan naman ako dahil kaiba sa mga karaniwang elves ang kanyang wangis, tila ba madilim ang kanyang aura at mas maputla siya sa mga karaniwang elf na nakikita ko.Nakaramdam din ako ng mumunting takot sa aking sistema nang nilapitan niya ako at sinuri. Tiningnan ako nito mula ulo hangang paa, at ngumiti ito sa akin ng maamo, ngunit kaiba sa dapat kong maramdaman ang aking biglang naramdaman nang ngitian niya ako. Kumusta ka, magandang binibini? Malumanay nitong tanong sa akin ngunit nanginginig ako sa takot. Naibsan lamang ang aking takot nang mamataan ko ang isang pamilyar na pigura sa aking gilid, si ginoong Edel. Itinago ako nito sa kanyang likuran at doon ko naramdamang ligtas ako. Sinubukan ko namang tingnan mula sa aking kinalalagyan ang babaeng elf na hindi ko kilala at si ginoong Edel na nag uusap. Anong iyong ginagawa rito, Nia? Tanong nito sa babae.Ngumiti ng pagkatamis tamis ang tinawag niyang Nia at mahinhing hinaplos ang maamong mukha ni ginoong Edel. Edledhron, kinakausap ko lamang ang magandang... Hindi na natapos ni Nia ang kanyang sasabihin nang biglang may palasong tumama sa kanyang balikat at agad naman itong napaigtig sa sakit. Ang kaninang maamo nitong mukha ay naging mabalasik at hinanap kung sino man ang pangahas na pumana sa kanya. Imbis matakot ay namangha pa ako sa ginawa nito. Mabilis ko namang nakita ang may pakana ng palaso sa isa sa mga kuweba ng mga thildens, si Arielle.Tumalon ito mula sa kinalalagyan nya at hinarap ang babaeng elf na tinatawag nilang Nia. Pangahas ka, ranger! Sigaw ni Nia habang may kung anong pagkumpas ng mga kamay ang kanyang ginagawa at may lumalabas na madilim na enerhiya sa bawat pagkumpas niya. Natawa naman si Arielle at tila aliw na aliw sa ginagawa ng babae. Nagulantang ako nang umawit ito habang may mga usok na puting lumalabas mula sa kanyang bibig, ang kanyang tinig papunta kay Nia at hindi na makagamit ng madilim na mahika ang huli. Napaluhod nalang ito ngunit hindi naman nawalan ng malay. Nakatingin lang ito ng masama kay Arielle ngunit walang nag iba sa kanyang ekspresyon.Itinutok ni Arielle ang kanyang pana sa leeg ni Nia at tiningnan ito ng may pagbabanta. Nakita ko sa sikat ng araw ang talim nito, ngunit hindi ko ito kita ng buo dahil natatakpan ng likod ni ginoong Edel ang mga nangyayari. Nakita ko lang ang talim ng pana ni Arielle at alam kong hindi ito ordinaryong sandata. Takbo, Nia! Sigaw ni Arielle at marahang tinulak nito ang huli. Kumaripas naman ng takbo si Nia at agad naman akong napahinga ng malalim. Napalingon si ginoong Edel sa akin at sumilay naman ang mumunting ngiti sa kanyang mga labi. Don't trust anyone, except for yourself. Mariing sabi ni Arielle. Tumaas naman ang aking kilay dahil naiintindihan ko ang kanyang sinabi. Ito pala ang tinatawag nilang common language, dahil ito ang sinasambit ng ibang nakakasalamuha ko. Agaran na ring umalis ang dalawa at naiwan akong medyo nagtataka.Sino si Nia? Bakit ang sabi ni Arielle ay huwag daw akong magtiwala kahit kanino bukod sa aking sarili? Ano, ang nangyari kanina? Hindi pa ba sapat ang aking kaalamang nabasa mula sa mga aklat ni ama na nagmula sa mga sikat na eskriba? Hindi pa ba talaga sapat ang aking kaalaman sa mundo kagaya ng nasa aking isipan? Hindi ko namalayang nahulog pala ang aking espada dahil sa panginginig ng aking mga kamay nang makasalubong namin ang kakaibang dwendeng iyon. Marahan ko itong pinulot at maingat na nilagay sa lalagyanan nito sa aking beywang. Lumabas na lamang ako sa lugar na iyon, at nilingon ko ang dalawang dwendeng nagbabantay sa tarangkahan saka ko ito binigyan ng maliit na ngiti.Pulos kagubatan lamang ang aking natatanaw sa paligid, ngunit nilakasan ko ang loob ko upang tuntunin ang daan patungong Elvandar dahil natatandaan ko naman ito. Nakakakita rin ako ng mga palatandaan sa mga punongkahoy na sinadyang ilagay ng mga nagbabantay sa kagubatan para sa mga manlalakbay. Nakasalubong ko pa si ginoong Edel sa tarangkahan ng Elvandar at kinawayan ko ito, sakay sya ng kanyang puting kabayo na tila gawa sa isang ilusyon lamang sapagkat hindi nakaapak ang mga paa nito sa lupa, tilaa lumulutang lamang ito at napakaganda niyang pagmasdan. Kumaway sya pabalik at binigyan ako ng mumunting ngiti na agad nagpagaan sa kanina ko pa hindi maipaliwanag na pakiramdam.Agad akong nagtungo sa sentro upang uminom ng tubig. Hindi ko namalayan ang presensya sa tabi ko, umiinom din ng tubig kagaya ko ngunit matapos nya ay nakatungo ito at handa na sanang umalis nang kemeng kinawayan ko ito. Napatingin sa akin ang berdeng mga mata nito at ngumiti ng pilit. Sya ay isang tao, normal na taong hindi ko inaasahang makikita ko pa sa panahong ito. Akala ko sa kanilang bayan ng Arborea lamang sila namamalagi at hindi rito sa bayan namin. Halatang bihasa na ito sa pakikipaglaban dahil sa matipunong tindig nito, maging ang dalawang espadang nakasukbit sa kanyang beywang ay gamit na gamit dahil nakikita kong kupas na ang mga hawakang nakalabas. Nag alangan akong kausapin sya kaya naupo na lamang ako sa tabi ng fountain at tahimik na pinagmasdan ang kalangitang maaliwalas. Lauriert. Muntik pa akong mapatalon sa nagsalita sa tabi ko at napatingin ako sa kanya na tila ba nagtatanong sa kanyang sinabi. My name, is Lauriert. Ulit niya. Tumango ako bilang sagot ata upang ipahiwatig sa kanyang naiintindihan ko siya. I don't know how to speak quenya. Do you speak common? Tanong nito. Yes. Sagot ko namana sa kanya.Tumayo ako upang maabot ng aking paningin ang kanyang mukhang natatakpan ng kanyang panangalang sa ulo na agad ko ring pinagsisihan dahil imbes mukha nya ang aking tititigan ay mga mata nyang tila, punong puno ng pighati at kalungkutang untiunting tinatangay ako sa kailaliman nito. Sinubukan kong bumawi ng tingin ngunit hindi ko magawa. Tila may mga sariling isip ang aking mga mata at hindi nito hiniwalayan ng titig ang aking kaharap na mandirigma. You have, beautiful eyes. Mariin nitong sabi sa akin habang hawak ako nito sa beywang upang magpantay ang aming mga mukha. Agad naman akong napatalon sa gulat nang may tumapik sa balikat ko, at ilang sigundo na pala akong tila wala sa sarili ko.Namataan ko na lamang ang papalayong pigura ni Lauriert papunta sa tarangkahan ng Elvandar at napahampas ako sa noo ko sa kapangahasang ginawa ko kani kanina lang.
A/N.
See you sa next chapter guys. Wala munang info sa mga races dahil ilang months na rin akong hindi nakakapaglaro.
So siguro sa mga susunod na chapters na ako mag ala infographics show lol.
Salamat sa mga magbabasa if ever man.
BINABASA MO ANG
Elvandar
FantasyHindi lahat ng mga mabubuting nilalang ay pawang mabubuti ang adhikain at budhi. Hindi rin lahat ng mga masasama ay wala nang natitirang kabutihan sa kanilang kalooban. Magkagayunman, walang sinuman sa atin ang may karapatang manghusga o humusga sa...