Sa tuwing magigising ako, pakiramdam ko may kulang sa pagkatao ko. Para bang may nakalimutan akong mahalagang alaala na hindi ko maalala. Ang hirap ng ganong pakiramdam kasi lagi mong iniisip sa tuwing mag isa ka kung ano nga ba ang bagay na nawawala sayo.
" Ysa gumising kana at baka ika'y malate sa unang araw ng klase mo!" sigaw ni mama.
Napabuntong hininga na lang ako. Tumuloy ako sa pagbangon at naligo na. Nang makalabas ako ay ang mabangong almusal na niluto ni mama ang bumungad sakin. Wala sa na akong balak mag almusal pero dahil nakakatakam ang mga luto ni mama. Pumwesto ako at umupo naghain si mama ng sinangag at tuyo at itlog na may kamatis na kapares, perfect para sa almusal.
"si papa po?" tanong ko dahil napansin kong wala siya sa harap ko ngayon na madalas ay nakaupo at may hawak na dyaryo at umiinom na mainit na kape. Madalas ko kasi siyang naabutan pag ganitong agahan.
"maagang umalis ang papa, dahil maraming naiwan na trabaho sa opisina nila" kasabay na pag buntong hininga ni mama.
"bakit po?" tanong ko dahil pakiramdam ko may problema.
Lumapit si mama at inilapag sa harap ko ang tinimpla niyang gatas, umuusok pa ito. " e paano gabi na nakauwi ang papa mo, yan tuloy ang mama mo malungkot" natawa ako sa rason ng mama ko.
Totoong sweet sila sa isa't isa kahit pa matatanda na para bang hindi nabubuo ang araw nila sa t'wing hindi nalalabing ang isa't isa. Masaya ako na ganon sila dahil hindi nawawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Kasi kung masaya ang mga magulang masaya din ang mga anak.
Gusto ko pag nakaroon ako ng pamilya gusto ko rin ng katulad ng ka'y mama at papa.
"pagbutihin mo anak sa unang klase huh? And don't forget to enjoy kahit pa college kana kailangan pa din na ienjoy mo ang pagaaral mo" napangiti ako sa sinabi ni mama.
"opo mama, gagalingan ko po para naman maging proud kayo sakin hindi lang kay kuya" mapagbirong sabi ko.
Matalino kasi ang kuya ko na si kuya Exekiel. Graduate na siya nasa ibang bansa na s'ya para sa kanyang work. Siya ang nagmamanage ng isang branch namin sa Canada.
"ay ang anak ko nagdrama na naman, talaga namang matalino ang kuya mo. Pero kahit ganon supportive din naman ako sayo at proud ako sa mga naachieve mo" seryosong nakatingin sakin si mama.
"hala mama, tumigil sa pagtibok ang puso ko grabe mama da best ka talaga" napangiti siya sa sinabi ko. Kahit ako proud ako sa mama ko dahil napakasopportive niya samin ni kuya hindi siya bias sa'ming dalawa ni kuya.
"dalian mo na baka ika'y malate"
Pinagpatuloy ko ang pagkain, kasabay kong nagalmusal si mama. Nakasimangot itong kumakain. Natawa ako dahil ibang epekto ni mama kay papa mahal na mahal niya ito. Never niya nga itong pinaghinalaan na nang babae man lang. Mag aaway man sila pero sa simpleng bagay lang agad naman nila iyong pinag uusapan at inaayos binibigyan nila ang isa't isa ng panahon para mag explain kung ano man ang kanilang pinag aawayan.
Tiwala't pagmamahal ang pondasyon nila. Kami'ng mga anak ang bunga ng pagmamahalan nila.
"bakit hindi po niyo dalawin sa opisina mama? Dalhan niyo ng tanghalian. Para naman hindi po yung nakasimangot ka po diyan?" natatawa kong sabi.
"baka kasi busy ang papa mo, baka magalit sakin" nakasimangot na naman siya. Hays!
"mama si papa never nagalit iyon, ikaw pa ba? Mahal ka non for sure. I know na matutuwa si papa pagnakita niya ang pinakamamahal niyang babae. Baka nga magkaroon ulit ako ng kapatid niyan" pampalakas loob kong sabi.
Nakita kong magblush ang mama ko. Nakakatuwa parang teenager lang. Ako na ata ang ina sa bahay na ito!
Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako. Nagpahatid ako sa driver namin. Pag bungad palang ng school ang dami ng student na nasa labas.