TRAPPED 1

3K 67 4
                                    

CHAPTER ONE   

NICKZA’S POV             

“OH my, I miss you all!” Kira screamed in excitement. She giggled like there's no other people around us, except us. Kesyo busy ang buhay business ng gaga kaya ayun palaging late kapag may okasyon.

        Well, it's our fifth anniversary as friends. Napagkasunduan naming magkakaibigan na magkita-kita ngayong gabi for dinner. Pero alam ko namang hindi matatapos ang gabing ito na walang bonggang announcement mula sa presidente nitong grupo.

        “Hoi, Gaga. Why so late ba naman? Kanina pa kami nagugutom. Ang tagal mong dumating bruha ka!” reklamo ni Chanly. He’s a man with a woman's heart.

        “Excuse me?” nakapamewang namang turan ni Kira saka niya tinaasan si Chanly ng kaliwang kilay, “You see? Mukha ba akong nag-catering? Hawak ko ba 'yong kakainin mo bakla ka!”

        Nagkatinginan kami ng tatlo ko pang mga kasama nang magbangayan na ang dalawa, sabay na umiling saka ay tatawa-tawang pinanood sila.

        “Anyways, guys stop the commotion. ‘Wag niyong solohin ang gabi meron pa kaming apat dito o,” saad naman ni Bea.

        Umupo na si Kira pagkatapos siyang makipagbeso-beso sa ‘min.

        “Chanly, ano na namang bagong pakulo mo, ha?” tanong ni Fiona.

        “Siguro sa tuktok na tayo ng bundok magpa-party nito. Sa dami ba namang ideya niyang si Chansot,” sabat ni Benedict habang tumatawa na para bang inaasar niya si Chanly.

        Sabay-sabay namin siyang sinamaan nang tingin na ikinatahimik niya. “Okay-okay, I admit that, masama palang sumabat sa usapan ang gwapo.” Itinaas pa neto ang dalawang kamay na animo'y sumusuko.

        “Hoy Benidicto! Hindi ka ba aware na masamang magbiro kapag ikalimang anibersaryo ng magkakaibigan?” nakataas-kilay na saad ni Chanly na ikinakunot ng noo naming lahat.

        “Bakit naman?” tanong ng kuryusong si Benedict.

        “Dahil kadalasan daw sa mga binibiro mo nagkakatotoo,” seryosong saad niya.

        Natahimik kaming lahat saka sabay rin kaming natawa. Pasimuno na roon si Benedict.

        “Iyon ay kapag maisipan mo talagang sa tuktok ng bundok mag-party. Sino namang tanga ang pupunta roon, Chansot,” natatawa pa ring sabi ni Benedict.

        “Oh, kaya nga! Palibhasa hindi ka nag-iisip ng tama, Benedict. Alam mo sa una pa lang na imposible iyong mangyari! Hay naku!” Tila stress na naman ang bakla.

        “But, Guys.” Agad kaming napatingin kay Bea nang magsalita ito. “I have something to tell you.” Nakikita namin na mukhang naiilang siyang sabihin sa 'min dahil tumungo pa ito at kinalot-kalot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa.

        “Go on, Bea,” saad ko. Tinignan niya ako saka ang iba pa.

        “Hi Guys. Nice evening. Better late than never.” Agad kaming natigilan at tinignan ang nagsalita. Halos sabay-sabay kaming napatayong magkakaibigan except kay Bea.

        “Bastardo ka!” galit na usal ni Benedict at susugurin na sana ang bagong dumating nang mapigilan ito ni Fiona.

        Agad akong tumingin kay Bea na ngayon ay umiiyak na. Napatampal na lamang ako sa aking noo.

        “What? Hindi niyo ba ako babatiin? In fact, I am also part of this friendship.”

        Gusto kong batukan nang paulit-ulit ang taong ito nang makaramdam naman siya nang pagkahiya sa mga inaasta niya. Hindi ba siya aware na hindi na siya parte ng pagkakaibigang ito?

Trapped With The Wolf King(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon