TRAPPED 36

371 17 0
                                    

Nickza's POV


Masakit pa rin ang ulo ko dahil do'n sa pagkakabagok ko kani-kanina lamang. Mabuti't nariyan kaagad si Haliyah para gamutin ang sugat ko at laking pasasalamat ko sa kan'ya.


"Kumusta na ang kalagayan mo, hija?" Tanong sa akin ni Manang Helda. Nandito ako ngayon sa kusina kasi nagugutom ako at eksakto namang naririto rin si Manang. She's doing some chores right now.





"Maayos-ayos naman po ako, Manang. Ginamot na po ito ni Haliyah kanina." Sagot ko sa kaniya at nilapagan ako ng sopas na gawa ni Manang. Ang isa sa mga paborito kong niluluto niya para sa amin.




"Ano ba kasing nangyari at nabagok 'yang ulo mo? Tinitiyak kong kapag nalaman ito ni Nicolas e mag-alala iyon sa'yo" Bulalas pa ni Manang habang naguhugas ito ng mga pinggan at ako naman ay kumakain na.




"Nadulas lang po ako,Manang. Aksidente lang po iyong nangyari," Pagsisinungaling ko pa sa kan'ya. Ayoko nang ipaalam pa sa kanila na kagagawan ito ni Xiara kasi baka nadala lang si Xiara sa damdamin niya kaya niya iyon nagawa. I don't want help to feel that it was her mistake at all. May pagkakamali din naman ako at hindi ko siya masisisi roon." Manang, pwede po bang 'wag niyo nang banggitin pa kay Nicolas ang patungkol dito. Alam ko pong mag-aalala siya at kukulitin na naman po ako nun kapag hindi ako nagsabi ng totoo. Kilala niyo naman po ang isang 'yun." Pakiusap ko kay Manang, napaharap naman ito sa akin.

"Kung iyan ang nais mo. Pero kahit na hindi mo pa iyan ipagtatapat o sasabihin sa kan'ya, malalaman at malalaman niya pa rin iyan. Si Nicolas pa." Direktang saad naman sa akin ni Manang. May point din naman si Manang. Ang talas kasi nang pakiramdam ng lalaking 'yon. Baka isa iyon sa abilities nilang mga lobo, ang malaman ang mga nangyayari kahit pa hindi nila ito alam.
Hindi na ako nagsalita pang muli, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko ng sopas. At,nang matapos ako sa aking pagkain ay  pumaroon muna ako sa harden para magpahangin. Wala dito sila Kira sapagkat sumama sila kay Glenda sa bayan. May bibilhin lamang daw,sasama sana ako kaso hindi nila ako pinayagan.






Umupo ako sa may duyan habang  nilalanghap ang sariwang hangin nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Nang linungunin ko ito ay nagulat ako nang mukha ni Nicolas ang mabungaran ko at walang pasabing ninakawan ako ng halik. Ang bilis talaga ng lalaking 'to.





"Para saan 'yon?" Taas kilay kong pagtatanong sa kanya. He smiled at me.




Umupo ito sa may upuan na gawa sa kahoy sa may tabi ng duyan.




"Na-miss kita,e. Teka, anong nangyari diyan sa ulo mo? Bakit ka nagkaroon ng sugat?" Sunod-sunod na tanong niya na siyang ikinalunok ko ng dalawang beses. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang totoo o hindi. Kapag sinabi ko baka pagalitan niya pa si Xiara at kapag hindi ko naman sinabi, hindi ako tatantanan ng isang 'to. He will just keep asking me over and over again.





"Ahhh,ito ba?" Sabay hawak ko sa ulo kong may sugat." Wala ito. Naaksidente lang ako doon sa kwarto ko. Nadulas lang pero 'wag ka nang mag-alala, okay na ako. Thanks to Haliyah, dahil ginamot niya ako." Paliwanag ko pa sa kan'ya. Kita kong tumango ito pero bakas sa kanyang mukha na hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Alam na alam niya kasi kung nagsasabi ba ako ng totoo o nagsisinungaling lamang ako.






"Sigurado ka bang aksidente lang talaga ang nangyari?" Pangungulit pa nito. Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoong dahilan. Ano pa bang magagawa ko?






Trapped With The Wolf King(Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon