Prologue : Alone

1.2K 49 2
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

New York City, USA


"Jossa, dito ka lang babalik kami agad ng dady mo." sabi ni Joyce sa anak na labing dalawang taong gulang.

"Yes momy." sagot ng batang babae habang nakatingin sa ina nitong isang model at beauty queen. Matangkad, morena at maganda ang katawan kahit may anak na ito. Ang babaeng halos busog sa papuri ng lahat.

"Huwag kang makulit at huwag ka munang makikipaglaro sa labas." sabi ni Arthur.

"Yes dady." saad muli ng bata ng tingnan nito ang amang architect. Na matalino, at pinag-aagawan ng iba-ibang prestihiyosong kompanya. Guwapo at mas bata ito sa momy niya pero kung titingnan perpekto ang dalawa sa isa't isa dahil parehong kilala at respetado sa kani-kanilang larangan.

"Huwag kang magpapatuyo ng pawis. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ang yaya mo.

At mag-review ka ng lessons mo habang wala kami." nakangiting bilin na sabi ni Joyce sa anak.

"Yes momy." sagot ni Joey.

"May binili kami ng momy mo na mga bagong toys, at nagpagawa kami ng kid house sa garden. Puwede ka maglaro doon. Pinaglagyan na namin ng maraming laruan." sabi ni Arthur.

"Yes dady." sabi ni Joey sa ama.

"Marami kang pagkain sa kitchen, huwag kang mag-pakagutom." sabi ni Joyce.

"Yes momy." sabi ni Joey habang nakatitig sa mga magulang na inaayos ng ina ang kurbata ng kanyang dady.

"Aalis na kami. We love you anak." sabi ni Arthur sa unica iha nito.

"Bye baby. Gagabihin kami ng dady mo mamaya. Kumain ka ng marami, nagpaluto ako ng paborito mong ulam." sabi ni Joyce sa nag-iisang anak nila ni Arthur.

"Opo momy." sabi ni Joey at niyakap nito ang momy at dady niya.

"Sige na male-late na kami ng dady mo." sabi ni Joyce matapos yakapin at halikan sa pisnge ang anak.

Tumango lang si Joey at naglakad na ang mga magulang palabas ng master's bedroom.

Nang maisara ang pinto napatingin si Joey sa paligid. Malaki ang bahay nila, kung tutuusin hindi ito nalalayo sa laki ng bahay ng mga Cheung.

Nasa master's bedroom siya at napangiti siya ng maisip ang buhay niya na kung tutuusin spoiled siya ng mga magulang lahat ng hingin niya ay ibinibigay ng mga ito. Pero pakiramdam niya may kulang ng hindi niya mawari kung ano.

Tumayo si Joey sa malaking vanity table ng momy niya at pinagmasdan ang sarili.

Babae siya at Jossa talaga ang pangalan niya pero dahil ayaw na ng momy niya magkaanak pa uli kaya naisipan ng dady niya na bansagan siyang Joey. Na pangarap magkaroon ng anak na lalaki.

Alam niyang mahal na mahal siya ng mga magulang. Minsan nga naiisip niya nasobrahan yata. Dahil kahit ang pagkakahulog ng kutsara niya ay agad pinapapulot sa kanyang yaya. Ang likod niya ay laging tinitingnan ng yaya niya kung basa.

Marami siyang laruan kung tutuusin may Toy Room siya at halos puno na iyon ng mga laruan. Kada turo niya kasi sa online store at mall, ay agad binibili ng magulang niya kahit nga ang motor at sasakyan meron na siya.

Mga bagay na pangarap, ng lahat ng bata. Ang makuha sa isang pitik ang lahat ng gustuhin pero.... Hindi siya.

"Hindi mo man lang namana ang hubog ng katawan ng nanay mo. O kaya ang talino ng tatay mo." sabi ni Joey habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

My Boyish Lover : Martein and Jossa IC#4 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon