Chapter 2

0 0 0
                                    

Erina's P.O.V

I'm sure na magtatagal ako sa bookstore,kaya agad akong pumunta.

Naghanap ako ng bagong librong babasahin ko.

Bumili ako ng isa,pagkatapos ng 20 minutes na paghahanap at bumalik na sa cafe.

Inintay ko sila,pero mag-sasarado na daw ang cafe.

Ilang oras na talaga akong nag-hihintay,medyo kinakabahan na ako dahil gabi na.

Sa labas na ako ngayon naghihintay dahil 7pm na,at sarado na ang cafe.

May mga ilang dumadaang lalaki,na may kasamang mga babae.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Cendri.

"I will just remind you na medyo dumadami ang rape cases sa bayan na to,better watch out sa mga lalaki."

Lalo akong kinabahan.

Nasan na ba kasi ang dalawang yun.

May bumusina sakin,bumaba ang isang lalaki sa kotse.

Tumayo agad ako para tumakbo,pero it's too late para makaalis napapaligiran na ako ng mga lalaki.

"Anong kailangan niyo sakin?"tanong ko.

"Maganda ang isang to,"sabi ng lalaking nasa kotse.

Lumabas siya.

May dumating ding kasunod na kotse.

Agad-agad lumabas ang nasa loob nito.

Sina Cendri at Mirio ang nasa kotseng kadadating lang.At lumapit agad sila sa akin.

"Pumasok kana sa kotse,"sabi ni Mirio.

Maglalakad na sana ako ng magsalita na ang lalaking tumawag sakin ng maganda.

"Hi,"bati ng lalaki sakin.

Halos kasing edad ko lang ang binata.

"I'm Yran,"sabi nito,sabay ngiti.

"Hello?"bati ko.

"Wag kang mag-alala hindi ko naman kayo sasaktan,eh."sabi ng lalaki.

"Nagandahan lang naman ako sayo."sabi pa nito.

"Umalis na kayo,"utos ng binata.

"Sorry,sa mga tauhan namin."sabi ng binata.

"Tauhan?"tanong ko.

"Ahh...gang yun ni Dad."sabi niya.

"G–ggang.."nauutal na sabi ko.

"Don't worry di ka nila sasaktan."sabi niya.

"Layuan mo na ang pinsan namin."sabi ni Cendri.

"Pinsan??pinsan niyo si..."sabi ni Yran.

"Ah..Ah..Er–"sasabihin ko pa sana ang pangalan ko ng hilahin na ako ni Cendri.

"Bye!"sigaw ko,kay Yran.

Isinakay na ako ni Cendri sa kotse.

"Bakit iba na ang kotse?"tanong ko.

"Ito ang kukuhanin namin."sabi ni Mirio.

"Nasaan na yung isang kotse?"tanong ko.

"Nasa bahay na siguro."sagot ni Cendri.

"Wag kang maglalapit sa mga Virtucio."sabi ni Cendri.

"Virtucio??Yung si Yran?"tanong ko.

"Uhm,malaking gang sila."sabi ni Mirio.

Wicked: Red Camellia(Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon