Chapter One

8K 219 35
                                    

Chapter One

"Magandang umaga po!"

Kahit matindi ang sinag ng araw sa morenang balat ni Maria Angela hindi niya alintana iyon dahil excitement lang ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

Nakatayo siya ngayon sa harapan ng pinaka-sikat na mansyon sa buong Pilipinas. Walang iba kundi ang Hoffmans Mansion!

Hoffman's Mansion!!!

Wow!

Dito kasi ang magiging bagong trabaho niya. Ipinasok kasi siya ng kanyang tatay bilang katulong sa mansyon na ito. Security guard ng mga Hoffman ang kanyang tatay kaya madali siyang naipasok nito.

Kakatuntong  niya lang sa edad na disi-otso kaya naman ngayon palang siya pwedeng mamasukan bilang katulong

Bit-bit niya ang isang malaking maleta habang nakatayo siya sa gate ng mga Hoffman.

"Uy Negra ikaw pala iyan!" Bati sakanya ni Mang Rudolfo isa sa mga security guards ng Hoffman. Kaibigan ito ng kanyang tatay mahigit sampung taon na ang mga itong naninilbihan bilang security guards ng Hoffman mansion.

"Mang Doro naman! Hindi naman ho ako negra. Morena lang ho ako!" Nakangiting biro niya rito bago siya pumasok sa loob ng gate na binuksan nito.

Morena kasi ang kanyang balat na paborito ng kanyang nanay. Nagmana raw kasi siya sa kutis nito. Pilipina beauty raw ang taglay niya.

"Hindi ka parin tumatangkad negra ha?"

Sanay na sanay na siya kay Mang Doro dahil matalik itong kaibigan ng kanyang ama. Pala-biro lang talaga ito simula pa noong bata siya

Tinulungan siya nitong bitbitin ang kanyang maleta. Mabigat iyon dahil siniksik niyang maigi ang kanyang gamit sa loob niyon. Wala na kasi siyang ibang paglalagyan kundi ang lumang maleta na iyon ng kanyang tatay.

"Tatangkad rin ho ako balang araw! Nga po pala nasaan po si tatay?"

"Naroon sa kabilang gate ang tatay mo pero naibilin ka na niya sakin na darating ka ngayon. Kaya hinanda ko na yung patrol ko para ihatid kita sa harap ng mansyon"

Isinakay nito ang kanyang maleta sa loob ng isang puting patrol car.

"Ay malayo pa ho ba ang mansyon?"

"Oo may kalayuan pa kaya ihahatid na kita. Lalo na't matindi ang sikat ng araw baka lalo kang iitim"

Napangisi naman siya sa sinabi nito.

Sumakay na rin siya sa patrol car habang tuwang tuwa siyang pagmasdan ang kagandahan ng hardin papasok sa Hoffmans mansion.
 
Namamangha siya dahil maganda ang tanawin at pakiramdam niya para siyang nasa ibang bansa.

"Napakayaman ho talaga ng amo niyo ni tatay ano?"

"Aba'y oo naman! At kasing gwapo pa namin ang mga amo natin dito. Mababait halos lahat ng anak ng amo natin kaya hindi ka mahihirapan. Manang mana sila kay Ma'am Abby at Ser Jerome!"

Napahagikgik siya.

Alam niyang mga gwapong lalake ang pagsisilbihan niya dahil sikat na sikat ang pamilya nito sa buong Pilipinas kaya naman bata pa lang siya pinangarap na niyang pumasok bilang katulong sa mansyon na iyon.

"Nandiyan ho ba sila ngayon?" excited niyang tanong kay Mang Doro

Humalakhak ito

"Nako negra huwag kana mangarap na papatol ang mga iyon saiyo! Magagandang modelo ang dinedeyt ng mga iyan"

"Maganda din naman ako Mang Doro! tatlong taon na ho akong reyna elena sa bayan natin no!" Pagmamalaki niya

Muli itong natawa

"Eh paano ikaw lang ang maganda doon sa atin." Biro nito kaya sabay silang nagtawanan

"Hangang ngayon bully ka parin Mang Doro."
 
"Nandiyan si Ser Kenjie at Ser Luke ngayon dahil papasok palang sila sa skwelahan"

Napangiti siya.

Excited na kasi siyang makakita ng isang Hoffman! Sa TV at radio niya lang kasi nakikita ang mga ito.

"Naku nakakahiya amoy araw na ho ata ako?"

"Hindi ka naman nila aamuyin"

Muli silang nagtawanan ni Mang Doro hangang sa makarating sila sa harap ng napakaganda at napakalaking mansyon ng mga Hoffman!

"W-Wow! Grabe ang ganda! Parang palasyo!" Hindi niya mapigilan purihin ang napakagandang mansyon!
 
"Palasyo talaga iyan ng mga gwapo." Sabi ni Mang Doro habang Ibinababa nito ang kanyang maleta mula sa patrol car nito

"Oh paano negra mauna na ako sayo. Kumatok ka lang diyan at ang tatay mo na ang magbubukas ng pinto"

"Salamat ho Mang Doro!"

"Rodolfo. Huwag Doro ang sagwang pakingan anak" Biro pa ni Mang doro sakanya bago ito muling sumakay sa patrol car nito.

Natawa naman siya sa sinabi nito

"Pareho lang naman ho masagwa" Ganting biro niya kaya bago ito tuluyan maka-alis nagtawanan pa muna sila.

Huminga muna siya ng malalim bago siya lumakad papunta sa harapan ng napakalaking pinto.

Pinto palang ng mansyon na ito parang ang hirap ng linisin. Napakalaki kasi niyon!

Kumatok siya sa pinto ngunit nasaktan lang ang kanyang kamay

Para kasing bakal ang pintong iyon

"Aray kuu!" Reklamo niya at winagay-way niya ang kanyang nasaktan na kamay

Napalingon siya sa kanyang gilid ng may marinig siyang tumatawa.

Nakasimangot siya pag lingon niya sa taong iyon.

Ngunit pakiramdam niya nawala lahat ng sakit na nararamdaman ng kanyang kamay dahil nakakita ata siya ng lalaking anghel na bumaba sa lupa!

Nakangiti pa ito ng napakaganda sakanya kaya halos manginig ang tuhod niya!

Ito na ata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Para bang humito ang kanyang pag hinga dahil lamang sa unang sulyap niya sa gwapong lalaking ito!

Nasisigurado niyang isa ito sa mga Hoffman!

Sa tantya niya halos kasing edad niya lang ito o baka matanda lang ito ng isa o dalawang taon sakanya.

Naka-school uniform ito na kulay puti at dark green pants. Bagay na bagay dito ang suot nito.

"Sorry. Natawa lang ako bakit mo kasi kinatok yan? Masasaktan ka talaga"

Mas lalong nagwala ang kanyang puso. Para bang lalabas na iyon sa dibdib niya. Napakaganda pa ng boses nito!

"Ta-Ta-Tao ka ba?" Wala sa sariling tanong niya dito kaya napangiti itong muli

"I think so?"

Pinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kanyang sinabi

"S-Sorry!" Agad niyang pag hingi ng pasensya

"It's okay." Ngumiti lang ito bago ito lumapit sa pinto. May hawak itong card na maliit at itinapat lang nito sa isang itim na parte ng pinto. Automatikong bumukas iyon.

Pasimple niyang naamoy ang napakabangong perfume nito. Nais niya pang mapapikit dahil sa bango nito!

Gwapo na mabango pa! Winner!

"W-Wow" Napanganga pa siya dahil doon hindi niya lang sigurado kung para saan ba ang wow niyang iyon kung para sa pinto ba or sa bango nito?

Nauna na itong pumasok sa loob ng mansyon. Narinig niyang nag salita ito.

"Mang Jose i think your daughter is here"

"Salamat Ser Luke!" Biglang sulpot naman ng kanyang tatay sa gilid.

Todo ngiti itong sumalubong sakanya.

"Tay!" Napangiti rin siya at agad na yumakap sa kanyang tatay

"Anak! Mabuti at hindi ka naligaw!"

"Tay ang ganda ganda ho pala dito!"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa kanyang ama.

"Oo anak. Halika ipapakilala kita sakanila"

Binitbit ng kanyang tatay ang maleta niya ngunit napansin nilang nakatayo parin doon si Luke at nakatingin sakanilang mag-ama

"Ay Ser Luke nga pala ito iyong unica hija ko. Siya si Maria Angela Delmonte. Siya yung kinukwento ko sayong nag iisang anak kong dalaga. Ipinasok ko siya bilang katulong dito."

"Si tatay naman buong buo talagang pangalan ko ang sinabi" Biro niya sa kanyang ama.

Napangiti tuloy ang amo niyang napakagwapo.

"Nice to meet your daughter Mang Jose" Magalang nitong pag bati.

"Nice to meet you pogi" Biro niya dahil pakiramdam niya friendly naman ito.

Ngumiti lang ito sakanya. Ngunit sapat na iyon upang mabuhay ang dugo niya.

"Anak naman,  Maria pa naman pinangalan namin sayo maghinhin ka naman anak" Bulong ng kanyang tatay

"Sorry tay. Ang pogi kasi" Bulong niya rin. Ngunit naririnig naman sila ni Luke kaya napapangiti lang ito.

"See you around" Paalam nito sakanila ng kanyang tatay.

"B-Bye Ser pogi!" Pahabol niya.

Tinaas lang nito ang isang kamay na para bang nagpaalam rin sakanya.

Napakagat labi tuloy siya sa sobrang kilig.

"Anak ang ganda ng ngiti mo ha? Huwag ka umasa anak mabait lang talaga yan si Ser Luke sa lahat ng empleyado nila dito. At saka may nobya na iyan"

Napanguso siya

"Si tatay naman panira ng moment."

"O siya halika na ipapakilala kita kay Manang Celia. Siya ang mag uutos sayo ng mga gagawin mo susundin mo lang siya."

"Trabaho agad tay?" Reklamo niya

"Papakainin ka pa ni Manang Celia anak bago ka mag simula huwag kang mag alala. Alam nilang galing ka pa sa probinsya"

Napanguso nalang siya



I fall inlove with MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon