Authors note : Hello guys maraming salamat sa lahat sumusubaybay sa mga hoffman series. Don't worry mababasa niyo muna ito ng FREE dito sa wattpad hangang sa matapos ko ito. :) 3 months After ko ito matapos ilalagay ko na ito sa dreame.com.. Kaya po sana basahin niyo na po dito sa wattpad habang free pa po kasi kapag may contract na po ako sa dreame hindi ko na po pwedeng i-free ang mga stories ko. I hope maitindihan niyo po lahat :)
Don't worry guys lahat ng hoffman story ko dadaan muna sa wattpad kaya mababasa niyo parin iyon ng complete for free. Please vote po and comments kung ano ano po reaction niyo sa bawat chapter. Binabasa ko po lahat ng comments niyo at mas sinisipag akong bilisan ang updates ko :)Chapter 5
"Hindi ko yan matatangap France ano ka ba"
Ibinalik niya kay France ang tatlong shopping bag na ibinigay nito sakanya. Para raw iyon sakanya.
"Magagalit ako kapag hindi mo yan tinangap Maria" Nakangiti nitong pinipilit sakanya ang mga iyon.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng kotse nito. Ihinatid kasi siya nito sa hoffman mansion.
"P-Para saan ba kasi ito France?" Nagtatakang tanong niya at wala siyang magawa kundi tangapin iyon
Mga shopping bags iyon na may laman na mga bagong damit at sapatos para sakanya.
"For you"
"Bakit mo ako binibigyan ng mga ganito?" Sinilip niya ang loob ng isang shopping bag. Mukhang sa SM ito bumili. Isa iyon sa mga super malls sa lugar nila
Mga damit iyon at napakarami pa
Ngumiti lang ito
"Sa tingin ko kasi bagay yan sayo kaya binili ko na. Isipin mo nalang regalo ko yan sa birthday mo"
Napabuntong hininga siya
"Hindi kana sana nag-abala pa France. At isa pa matagal pa ang birthday ko"
Natawa ito "Hayaan mo nako Maria. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na babae kaya hayaan mo nakong spoil'in ka"
Napabuntong hininga siya muli
"Basta last na ito ha? Maraming salamat France"
Aaminin niyang natuwa siya dahil sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nakatangap ka ng ganitong mga regalo?
Napangiti na siya habang tinitignan ang mga damit sa loob ng shopping bags
"Ang gaganda sana kasya sakin tong mga to"
"Sa susunod isasama na kita sa pag bili ko ng mga ganyan para sakto sayo yung size"
pinalo niya ito sa braso nito
"Anong susunod ka diyan! Wala ng susunod ha. Wag mo nako ibibili ng mga ganito dahil sasahod naman na ako sa susunod na linggo."
Napangiti ito
"Ilibre mo nalang ako sa sahod mo kahit ice cream lang"
"Oo ba!"
Naputol ang pag uusap nila ng makarinig sila ng busina mula sa kotse sa likuran nila.
"Nako France nandiyan na ata ang kotse ng amo ko. Pasok nako sa mansyon ha? Salamat uli dito"
"Bye Maria see you tomorrow"
"Bye!"
Agad siyang bumaba sa kotse ni France at buhat buhat niya ang mga shopping bags na binigay nito.
Sunod sunod na busina naman ang sumunod niyang narinig kaya naman umandar na ang kotse ni France paalis.
Napakunot ang nuo niya dahil masakit sa kanyang tenga ang pag busina ng kotseng kulay itim na iyon
Napa-iling nalang siya dahil baka isa iyon sa mga amo niya
Mabigat ang mga dala dala niya kaya nahirapan siyang buhatin ang mga iyon. Lalo na't wala si Mang Doro sa pwesto nito. Wala tuloy patrol car na maghahatid sakanya papunta sa mismong hoffman mansion. Malayo-layo pa naman iyon
Hindi pa man siya nakakapag umpisang mag lakad ng tumigil sa kanyang harapan ang kotseng itim
Tinted ang kotse nito kaya hindi niya makita kung sino ang driver ng kotseng iyon
Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng ibaba ng driver ng kotseng itim ang tinted nitong bintana
Napalunok siya ng sunod sunod ng makitang si Ser Luke Anderson iyon! As usual nakasimangot nanaman ang napakagwapo nitong mukha. Napatingin ito sa mga shopping bags na hawak hawak niya at mas lalong kumunot ang nuo nito
"S-Ser" Iyon lang ang nasabi niya
Bigla niya tuloy naisip kung ano kaya ang itsura niya ngayon? Marahil haggard na siya dahil marami silang ginawa sa skwelahan.
"Tss. Flirt" Galit nitong sabi sakanya bago nito pinaharurot ang kotse nito papasok sa loob
Nanlaki tuloy ang kanyang mata sa sinabi nitong iyon sakanya
Flirt?!
Siya?!
Anong Flirt ang pinag sasabi nito?!
"H-Hoy Ser bumalik ka nga dito! Anong flirt ka diyan!" Sigaw niya sa sobrang inis kahit alam niyang hindi naman siya nito maririnig dahil nakalayo na ang kotse nito
Inis na inis siya habang nag lalakad siya papasok sa hoffman mansion.
Hindi parin maalis sa isip niya ang sinabi ni Luke sakanya.
Anong karapatan nitong sabihan siya ng malandi? Hindi naman niya ito nilalandi eh!
Pag karating niya sa kanyang kwarto ibinaba lang niya sa kanyang kama ang mga shopping bags at dumiretso na siyang naligo at nagpalit ng damit. Simpleng tshirt lang sana ang kanyang isusuot ngunit naalala niya ang mga shopping bags na nasa ibabaw ng kama niya
Inisa isa niya iyon at namili siya ng maari niyang isuot. Napangiti siya ng makakita siya ng isang cute pink tshirt na hakab sa kanyang katawan. At ang black jogging pants na kapareha nito
"Hello ate berna!" Masigla niyang bati kay berna ng makarating siya sa kusina. Maganda na ang kanyang mood dahil pakiramdam niya bagay sakanya ang bagong damit na iyon
"Hello neng! Wow ang ganda mo ha! Sweldo na ba bakit bago yang damit mo?" Bati naman nito sakanya
Nawala unti unti ang kanyang magandang ngiti ng makita niya si Luke na tahimik na kumakain ng cereal sa kusina.
Bakit naroon ito?
Napakagwapo talaga nito lalo na't mukhang bagong ligo rin!
Napatingin rin ito sakanya at agad na kumunot ang nuo nito ng makita ang kanyang suot na damit halata kasing mamahalin ang brand ng damit na iyon
Iniwasan niyang mapatingin rito at nagkunwari nalang siyang hindi ito nakita. Tumabi nalang siya kay Berna habang nag hihiwa ito ng manok na lulutuin nila
"M-May nag bigay lang sakin nito ate" Bulong niya
"Wow may manliligaw kana?!" Napalakas naman ang boses ni Berna at siguradong naririnig iyon ni Luke
"Shhh ate berna hindi.. Kaibigan ko lang po si France" Bulong niya kay Berna
Patingin tingin siya kay Luke. Nakasimangot ito habang may hawak itong cellphone. Sa tingin niya pasimple itong nakikinig sa usapan nila lalo nat malapit lang ito sa pwesto nila
"Asus! May kaibigan bang nagreregalo ng ganyan? Ang manhid mo naman neng. May gusto saiyo yang nag bigay niyan sayo"
"Wala ate. Hinaan mo ang boses mo"
"Bakit ko naman hihinaan ang boses ko?"
"Basta ate" Bulong niya uli
"Marami bang binigay sayo yang manliligaw mo Maria? Pahingi naman" Biro pa ni Berna sakanya
Napabuntong hininga nalang siya. Baka kasi pagalitan nanaman siya ni Ser Luke pogi dahil baka isipin nitong panay pakikipag nobyo lang ang inaatupag niya sa skwelahan
"Marami mamaya mamili ka roon nasa ibabaw ng kama ko"
Napatili si Berna sa tuwa nito
"Ngayon nako mamimili. Pakuluan mo tong manok!" Agad itong lumabas ng kusina at naiwan tuloy silang dalawa ni Luke
Pakiramdam niya tuloy nanginig ang tuhod niya lalo na't nakakunot ng husto ang nuo nito habang nakatingin ito sakanya. Nag iwas uli siya ng tingin dahil kahit naka simangot ito nag uumapaw parin ang kagwapuhan nito!
Kahit nang hihina ang kanyang tuhod isinalang niya ang mga manok sa kumukulong tubig sa loob ng instant pot na paglulutuan niya.
Muntik pa siyang mapaso dahil biglang nag salita si Ser Luke sa kanyang gilid
"Hindi bagay sayo"
Napatingin tuloy siya dito
Napakabilis ng tibok ng kanyang puso dahil napakalapit nito sakanya
"S-Ser ano ho bang nagawa ko sainyo at napakainit ng dugo niyo sa akin?" Lakas loob na tanong niya
Paano ba naman sakanya lang ito masungit! Sa ibang katulong naman napakabait naman nito at pala ngiti pa nga raw ito sabi ng iba
Kumunot ang nuo nito habang nakatingin sakanya
"Nothing. I just don't like you"
Uminom ito ng tubig sa basong hawak nito at inilapag nito iyon malapit sakanya
"E-Edi hindi po kung hindi. Hindi ko naman po pinipilit ang sarili ko sayo Ser. Kung hindi mo ako gusto ayos lang po iyon sakin pero sana po huwag niyo naman akong sinasabihan ng kung ano anong masakit na salita. Sorry na po kung naiinis kayo sakin nung tinawag ko kayong Ser pogi akala ko naman ho kasi ayos lang iyon sayo dahil akala ko friendly ka dahil ang ganda ng smile mo sakin nung unang beses tayo magkita-"
"Alam mo bang hindi ako makatulog dahil sayo?" Masungit nitong putol sa kanyang sinasabi kaya napatigil siya sa pagsasalita
"H-Ho?" Pabilis ng pabilis tuloy ang tibok ng kanyang puso sa sinabi nito
"Nothing. Bilisan mo na diyan marami ka pang lilinisin sa kwarto ko" Iniwan na siya nitong nakatulala sa kusina habang namumula ang kanyang pisngi
Anong ibig sabihin nito??
Paano ito hindi nakakatulog dahil sakanya? Iniisip ba siya nito sa gabi?!
Napahawak siya sa kanyang dibdib at unti unti siyang napangiti
"Si Ser pogi naman eh. Pa-fall!" Kinikilig na sambit niya kahit wala na ito roon.
Hindi mawala sa kanyang isip ang gwapo nitong mukha at ang namumula-mula nitong labi kanina na para bang ang lambot lambot! First time niya kasing makatitigan ito ng malapitan kaya mas lalo tuloy siyang naiinlove dito
Mas gwapo pala ito sa malapitan!
BINABASA MO ANG
I fall inlove with Maria
RomanceLuke Anderson Hoffman Hindi akalain ni Luke Anderson Hoffman na makukuha ng bagong katulong nila ang kanyang atensyon. Paano ba naman lantaran nitong pinahahalata sakanya na may 'crush' ito sakanya! She's the youngest maid of Hoffmans mansion. Bale...