Chapter 2
"Hello po everybody!"
Todo ngiti si Maria Angela sa lahat ng mga katulong na makakatrabaho niya sa loob ng hoffman mansion. Napakarami nila! Hindi na halos niya mabilang ang mga ito.
Sabay sabay naman napangiti ang mga ito dahil masiyahin siyang tao.
"Hello Neng welcome sa aming pamilya" Bati sakanya ni Manang Celia. Ito ang pinakamatanda sa lahat ng mga katulong. Mukhang napakabait rin nito.
Katabi niya ang kanyang tatay habang pinapakilala siya nito sa mga makakatrabaho niya.
Tuwang tuwa naman ang mga ito at halatang welcome na welcome siya
"Mang Jose anak niyo ho ba talaga iyan? Parang ang layo ha?" Biro ng isang katulong sa kanyang ama
"Hoy anak ko ito ha!" Inakbayan siya ng kanyang tatay na halatang proud na proud pa sakanya.
Nagtawanan naman ang lahat.
"Ang dami ho pala natin dito parang may okasyon sa sobrang dami natin"
Sa tingin niya hindi niya maaalala ang pangalan ng bawat isang kasamahan niya dahil napakadami nila.
"Pang forty five ka na sa mga katulong dito sa mansyon. Huwag kang mag alala madali lang ang trabaho dito"
"Parang di nga kami nag tatrabaho eh" Komento pa ng isang katulong
Todo ngiti siya dahil inaasahan na niya iyon. Panay kasi ang kwento ng kanyang tatay sa kanya noon. Mas malaki pa raw ang sasahurin niya bilang katulong doon kaysa makapagtrabaho siya sa mga opisina sa makati. Kaya hindi na siya nito pinag aral ng college. Nang matapos siya sa high school hindi na siya tumuloy ng college.
Tumataginting na thirty thousand a month lang naman ang sweldo ng bawat isa sakanila! At tataas pa raw iyon habang tumatagal ka sa pag sisilbi sa mga hoffman
Pagkatapos siyang ipakilala ni Manang Celia sa mga makakasama niyang katulong nagsibalik na ang mga ito sa kanya kanyang pwesto.
Ang tatay naman niya sinamahan siya hangang sa malilipatan niyang kwarto. Bawat maid pala doon ay may sariling mga kwarto! Bawat kwarto dalawang maid ang magkasama
Kumatok muna ang kanyang ama sa kwarto na kanyang magiging kwarto.
Maya maya pa binuksan iyon ng isang babaeng todo ang ngiti sakanilang dalawa. Nakita na niya ito kanina ng ipakilala ito sakanya ni Manag Celia
"Hello Mang Jose! Hinanda ko na po ang kama ni Maria Angela"
"Hello Berna! Maraming salamat!"
"Thanks ate Berna!"
"Ate ka diyan! Bata pa ako neng!" Sabay kindat nito sakanya.
Sabay silang pumasok ng kanyang tatay sa loob ng magiging kwarto niya. Napakaganda ng kwartong iyon! Dalawang kama ang nasa magkabilang dulo. Halatang malinis rin ang loob ng kwarto
"Wow ang linis!"
"Aba siyempre neng ako ang makakasama mo kaya malinis talaga ang kwarto natin"
"Salamat Berna." Todo ngiting pasasalamat niya. Nabigla pa ito ng yakapin niya agad ito.
"Nako Mang Jose malambing pala itong anak mo. Magkakasundo kami" Mukhang natutuwa naman sakanya si Ate Berna
Tama pala ang kanyang tatay mababait talaga lahat ng tao sa Hoffmans mansion kaya nga ito tumagal ng sampung taon sa serbisyo.
"Oh paano anak babalik na ako sa pwesto ko ha? Kumain ka muna bago kayo mag simula ng trabaho. Salamat uli Berna" Tinapik ng kanyang tatay ang balikat ni Berna
BINABASA MO ANG
I fall inlove with Maria
RomanceLuke Anderson Hoffman Hindi akalain ni Luke Anderson Hoffman na makukuha ng bagong katulong nila ang kanyang atensyon. Paano ba naman lantaran nitong pinahahalata sakanya na may 'crush' ito sakanya! She's the youngest maid of Hoffmans mansion. Bale...