Prologue 0: The Runaway Bride

1K 49 5
                                    

Italians. Mafias. Kidnapping. Hostage taking. That's the most popular plot twist you could find in Wattpad world nowadays and it's the most incredible thing a cool writer like me can write. I don't even have an enough and valid reasons why I like those things, the way my readers like them.

Oh, they're cool remember.

My grandfather once mentioned that those kind of people do despicable things and they're bad, but nonetheless, I still made up my fictional world about them.

Bakit naman hindi? Western and sexy good looking Mafia Lords with firearms. Walang katulad nila ang paparito sa Pilipinas para lang i-hostage ang isang Orielle Verde na kagaya ko. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong mabait at magandang mamamayan ng Maynila.

Pero kahit alam kong sa mga panaginip ko lang ito nangyayari, gusto ko din maranasan ang nangyayari sa mga tauhan ng kuwentong isinusulat ko. Ang ma-kidnap ng isang Mafia Boss, at magkaroon naman ng thrill itong boring na buhay ko.

Bumalik ako sa katunayan nang mapatid ng isang bato.

"Aray!" daing ko na umalingawngaw sa kahabaan ng lansangan. Pati ba naman iyan ipinagkakanulo ako.

I stared at the wine stain that already dispersed and soaked all over my dress. My expensive dress! Wala akong ibang naging reaksyon nang ibuhos iyon ng pinsan ni Rainne sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay ginawa niya iyon. Naubos ko pa ang kakarampot na suweldo ko sa damit na iyon, para mantsahan niya lang?

Hindi ko maintindihan si Rainne. Kanina lang ay okay pa kami. Tungkol ba iyon sa bonus ko? O kay Sir? Parang ang labo naman. Natural lang namang gawin 'yon ng dalawang tao 'di ba? Lalo na pag magkatrabaho sila.

Alangan namang iwan ako ni Sir do'n, eh kaming dalawa yung nadulas. Nakakasira 'yon ng image. Dapat tulongan niya rin akong tumayo.

Matapos ang insidenteng iyon ay parang mas lalo lang nag-iba yung tingin ng mga katrabaho ko sa akin.

Hindi ko alam kung bakit iba ako kung ituring ng ka-officemate ko. Is it about my hair? Siguro nga, baka ayaw nila sa artificial. Masunorin lang naman ako. At iyon ang utos ni lolo na panatilihin ang pagiging itim ng buhok ko para makaiwas sa panganib-Iwan ko ba sa kaniya, anong panganib ba ang naidadala sa pagkakaroon ng ginger hair? Hindi niya naman ako binibigyan ng sapat na rason.

I've already spent my two months working at that company but Rainne was the only one who became close to me. Tapos gano'n na lang iyon? Friendship over na agad.

Pinahid ko ang kumawalang butil ng luha sa kabilang mata ko. I heaved a deep breath.

Bumagal ang paglalakad ko nang tuloyan na akong makalayo sa puder ng mga Martinez. Mga Martinez, ngayon ko lang iyon natanto. Galing pala sa mayamang pamilya si Rainne.

Then why work on a small publishing company?

Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malakas na hangin, doon ay umabot ako sa isang madilim na kalye. Mas lalong kumukonte ang mga poste ng ilaw na nadadaanan ko.

Pasimple akong napalunok nang mapansin ang dalawang lalaking nakatayo sa isang tabi. Mukha silang mga gangster. Ghad! Muntik ko ng makalimotang nasa Maynila ako. Aba! May nag yoyosi pa, binabawasan lang nila yung isang daang taon nila sa mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abducted By The Mafia Boss [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon