CHAPTER 2

41.9K 1.3K 472
                                    


RIAH CESSY GONZALES

ALAS eleven na ng magising ako, agad akong bumangon dahil paghahandaan kopa ng pagkain ang mga alaga ko

Napahawak na lang ako sa ulo ko ng kumirot ito, hayst bat kasi sa ulo pa. Dali dali na akong lumabas at nagtungo ng kusina

Nakita ko doon si Manang na naghahanda ng pagkain kaya agad ko syang nilapitan at tinulungan

"Iha, ako na dyan baka mapano kapa." Sabi ni Manang. Nginitian ko naman sya

"Ayos lang po ako Manang." Nakangiting sabi ko atsaka kinuha yung mga plato at inayos sa lamesa

"Ako na dito RC, pakitawag na lang ang mga alaga mo." Sabi ni Manang kaya tinanguan ko sya

Umalis ako sa kusina at nagtungo sa itaas. Kaso muka akong tanga dahil para akong spy, tinitingnan ko kasi kung may patibong na naman

"Yaya, what are you doing?" Napatalon ako sa gulat at napatingin sa likuran ko

Ang mga bata, nakakunot ang mga noo nila kaya mabilis akong umayos ng tayo

"Uhm..wala yun." Sabi ko with matching iling. "Ah,, kakain na pala, bumaba na kayo."

"Come with us, subuan mo si Keoz." Sabi ni Krishna. "He don't know how to eat kasi by himself."

"Sige, mauna na kayong bumaba, aayusin ko lang ang mga kwarto nyo." Tumango lang sila bago bumaba

Napakamot ulo na lang ako dahil hindi ko alam kung saan yung kwarto nila. Binuksan ko yung katabi kong pinto, bumungad sakin ang sobrang laking kwarto na may apat na kama

May mga pictures din ng mga bata na nakasabit. "Malamang ito na yun."

Nagsimula na akong linisin ang kwarto nila. Winalis ko ang mga kalat, niligpit ko ang higaan, inayos ko ang mga magugulong gamit tapos nilagay ko ang mga marurumi nilang damit sa basket

Nang matapos na ako ay tinabi ko muna ang basket na may lamang maduduming damit bago ako nagmamadaling bumaba. Pumasok ako sa Kusina atsaka nilapitan si Keoz

"Sorry Keoz." Sabi ko atsaka sya sinandukan ng pagkain tapos sinubuan

"Yaya, hindi na po masakit?" Nginuso nya yung ulo ko kaya mabilis akong umiling

"Nahihilo lang ako." Sagot ko atsaka ngumiti. "Pero ayos lang ako, sanay na ako sa ganito."

Nagpatuloy lang ako sa pagsubo sa kaniya, Nang matapos na ay pinainom ko sila ng tubig

"Uhm, kukunin ko lang yung labahin nyo dito lang kayo." Sabi ko. "Uhm, paalala lang wag kayong magtatatalon muna baka masuka or sumakit ang tagiliran n'yo."

Nagtungo na uli ako sa kwarto nila atsaka kinuha yung dalawang basket na puno ng marumi. Lumabas ako ng kwarto nila atsaka bumaba

Pero sadyang tanga ako dahil isang hakbang na lang sa hagdan ay nadulas pa ako. Buong akala ko ay lalagapak na naman ako sa sahig pero may mga bisig na sumalo sakin

Pagtingin ko ay si Sir Acer, langya bakit napakagwapo nito!. Ang bango bango din nya, muka ding masarap---

"Aray..." Daing ko ng bumagsak yung basket sa ulo ko

Nakalimutan ko tumalsik pala yung dalawang basket. Agad akong humiwalay kay Sir atsaka hinawakan ang ulo ko

"Baka bukas, sobrang bobo kona." Bulong ko atsaka hinarap si Sir. "S-sorry po sir."

Pinulot ko yung mga labahan atsaka uli nilagay sa basket. "Nakakahiya ka RC.."

"Who put oil here on the stairs?" Malamig na tanong ni Sir Acer kaya napatingin ako sa kanya

Babysitting the Billionaire Children  [SELF PUBLISH BOOK UNDER IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon