................................................."Ito na kaya yung mansion?" Tanong ng dalagang si Riah sa kanyang sarili
Tiningnan niya ang larawan na nasa papel atsaka nya tiningnan ang mansion
"Magkamuka nga, siguro ito na yun." Sabi nito atsaka tumango tango
Huminga muna sya ng malalim bago mag-doorbell ng tatlong beses. Maya maya pa ay bumukas na ang gate at iniluwal non ang isang matandang babae
"Anong maitutulong ko sayo iha?" Tanong ng matanda
"Uhm, mag-aapply po sana ako bilang babysitter." Sagot ng dalaga atsaka kumamot sa batok
"Ganun ba, bukas kana lang bumalik dahil bukas pa ang opening ng interview dito sa bahay." Sabi ng matanda
"Ay ganon po ba, sige po babalik na lang po ako. Salamat po." Ngumiti ng matamis ang dalaga. "Mauna na po ako."
Tumango lang ang matanda kaya umalis na si Riah
*************************
RIAH CESSY GONZALES
Saan naman kayo ako pupunta? Bukas pa ang interview ko wala din naman akong perang pang-mall----
"RC!!!!!!!!!" May dumating na grasya
Thank you Lord
Hinarap ko ang kaibigan kong si Annejhelyn, Angge for short. Maganda sya kaso dakilang mandurukot
"Sama ka sakin, libre kita sa fishball-an" Sabi niya atsaka ako inakbayan
"Ang dami mong nadukutan noh?" Tanong ko kaya natawa sya. "Angge, magbagong buhay kana. Maghanap ka ng matinong trabaho, hindi puro dukot."
"Alam mo RC hindi naman ako katulad mona nakatapos ng college kaya walang tatanggap sakin." Sagot nya. "Alam mo namang yung mga taong sakim lang ang dinudukutan ko eh."
"Kahit na, lumalaki na si Ir."
"--Tama na. Kapag hindi ka tumahimik hindi kita ililibre." Agad naman akong napatikom ng bibig
Nakarating kami sa isang fishball-an. Kumuha ako ng fishball at kikiam pati na din kwek kwek atsaka squid ball
Gutom na gutom ako HAHAHAHA
"RC, sibat muna ako." Sabi ni Angge atsaka nilagyan ng 500 yung bulsa ko. "Andito sila Chett, ingat ka."
"HOY BABAE!!! IBALIK MO PERA KO!!" Rinig kong sigaw ni Chett
"PAKYU!!!" sigaw lang ni Angge atsaka tumakbo palayo
At yun naghabulan sila sa gitna ng highway, napailing iling na lang ako. Kahit ganyan si Angge mahal na mahal ko yan dahil siya lang ang malapit kong kaibigan maliban kay Von
Kinuha ko ang cellphone kong keypad atsaka tinawagan si Von na kaibigan kong pulis
"May humahabol na naman kay Angge?" Tanong nya agad
"Oo, pakitulungan na lang at baka mapahamak pa sya." Sagot ko
"Hindi naman kita matiis." Sagot nya kaya napangiti ako
"Sige, bye I love you, Vondechi." Agad kong pinatay ang tawag dahil sigurado akong sisigawan niya pa ako
Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag ko syang Vondechi hihihi
Pagkatapos kong kumain at magbayad ay napagdesisyunan ko ng umuwi sa apartment ko
________________________________
SERIES 1
BINABASA MO ANG
Babysitting the Billionaire Children [SELF PUBLISH BOOK UNDER IMMAC]
RandomMag isa na lang sa buhay si Riah dahil naulila siya noong sampung taong gulang pa lamang siya. Namatay ang magulang nya dahil sa isang massacre samantalang kasalukuyan niya namang hinahanap ang kanyang kapatid na lalaki Nakapagtapos sya ng kolehiyo...