Chap1
Hindi ko alam kong ano ang sumapi sa akin at nagawa kong kumilos ng ganoon. Bigla nalang kasing gumalaw ang katawan ko at namlayan ko nalang nasa gitna na ako ng kalsada at muntik ng masagasaan ng kotse.
"Okay ka lang?" Tanong ng mamang driver.
Matagal ko siyang nasagot dahil siguro sa na shock ako at nabigla, "Ahh... Yes sir. I'm sorry! " Hingi ko ng paumanhin sakanya.
"Are you sure? Bakit ka ba tumawid? Hindi mo ba nakita ang signal light na hindi pa pwedeng tumawid?"
Wala akong masagot kaya humingi uli ako ng sorry sa mamang driver tapos ay pinulot ko ang pakay na napagitna sa among dalawa.
"Sorry po ulit." Sabi ko tapos naglakad na pasulong pero dahil naka-go light parin bumalik ako sa pinanggalingang kong side. Narinig ko ang mga bosina sa likoran kaya nagmamadali akong lumayo sa harapan ng kotse.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo ako sa lugar na iyon tinignan ko ang maliit na hayop sa bisig ko. "Seriously? Buwis buhay ang ginawa ko dahil sa'yo muning." Kausap ko sa maliit na pusa sa aking bisig. Nice may bago ulit akong pusa kailangan ko na talagang maghanap ng extra work para may ipakain sa mga pusa ko. Haysss!
---
"Sigurado ka ba dito, Jell? Itim ang kulay ng balahibo niya, diba malas na pusa yon?" Tanong ng kaibigan niya sakanya.
"Sabi-sabi lang yon walang may gustong maging itim na pusa at tulad sa tao, walang gustong maiwan ng mga magulang dahil sa mayroon na silang kanya-kanyang pamilya. Tsaka kong malas ka malas ka talaga hahaha." Tugon ko sa kanya.
Hindi ko alam kong matatawa ako o malulungkot dahil tuwing may nakikita akong pusa naaalala ko sa kanila ang sarili ko. Mga iniwan kong saan-saan.
"Bakit ka nandito, Clyd?"
"Dito muna ako matutulog." Sagot ni Clyd ng hindi tumitingin sakanya.
"Nag-away na naman kayo ng jowa mo? Baka may maipapayo ako magsabi ka lang." Tudyo ko.
"Wala kang maipapayo dahil single ka pinapaalala ko lang sayo."
"Hayop ka men!" Sabi ko sabay nato ng tawel sa kanya, "di mo ba alam mas magaling kaming single na magpayo? Kaya hiwalayan mo na yang boyfriend mo!"
Pinaikotan lang siya nito ng mata at hindi na siya hinarap dahil busy ito sa pakikiaglaro sa mga pusa.
"Oy thank you sa cat food kaya lakas ng loob kong mag-uwi ng pusa eh."
"Ewan ko sa'yo. Matutulog na ako."
Mukhang sama ang nangyare sa kanila ng bf niya. Katakot magjowa nakakadepres tapos maguguli ang buhay mo. "Ayaw mong magshower?"
"Ayaw! Goodnight." Buset.
Naglatag ako ng banig tsaka pinatungan ng comporter sa ibaba ng higaan ko. Perks of laging may nag-e-sleep over sa masikip kong apartment kaya may extra comporter, banig, kumot at unan ako.
"Goodnight, kaibigan kong marufok." Bulong ko pero mukhang narinig Niya ata dahil hinampas ako ng unan.
"Daldal mo!"
---
Kapag tinamaan ka nga ng malas!
"Ano na? E-refund mo na pera ko. Expire na itong gatas na binibinta niyo rito!"
"Sir, kalma po tayo tinawagan ko na po ang manager at boss ko dito sa convenience store, please po hintayin natin sila kaunti." Mahinahon kong sabi sa customer na nagpupumilit e- ang pera niya sa biniling item.
BINABASA MO ANG
You Are The One (BxB)
RomanceWala akong maisip na title 😂 Sinulat ko lang to kasi wala lang 🤷 bigla lang napasok sa isipan ko. ^-^ ---- 03-30-21 official have a title! 😹🤣