ExJ 2

3 3 0
                                    

A/N: May title na po ako para kina Elon at Jellian officially! 😁 Yehey!🎉🎊

Enjoy! 🖤

-------------





"Babies, wag kayong magulo dito okay? Wag kong saan-saan popo ha?" Kausap ko sa mga pusa habang pinapakain sila.

Sa ngayon may lima na akong pusa sa bahay at tatlo doon ay babae at dalawang lalaki ang isa sa babae kong pusa ay nabuntis na. Ngayon pa lang namomoblema na ako para sa ipapakain sa kanila hindi naman pwede sa mga kaibigan ko aasa.

"Luvs, wala na kayong pagkain last na ito." Ipinakita ko ang lalagyan ng pagkain nila. "Tiis muna mga mingming ko hahanap ako ng raket dagdag incame ha? Kaya wag pasaway."

Lumabas na ako matapos ko silang maasikaso. Isa akong working student, nag-aaral ako sa university tuwing umaga, sa gabi naman ang trabaho ko sa convenience store. Mahirap man pero naigagapang ko padin ang pag-aaral ko kahit kaunti lang ang tulog. Nasanay na din naman ako dahil high school pa lang ako ay pinagsasabay ko na ang trabaho at pag-aaral. Sumubok akong kumuha ng schoolarship pero masyadong mataas ang standard ng grade hindi ko na- achieve pero hindi ako pasang-awa ha.

"Hello, Sir may part-time hiring kami baka gusto niyo?" Sabi ng mamàng bigla akong nilapitan at inabutan ng flier.

"Don't worry, Sir hindi po iyan scam. Nandiyan ang details ng taong naghahanap ng part-timer." Narinig ko pagsabi niya pero ako titig na titig sa flier.

Hiring Part-timer caretaker of cats, 10,000 monthly at xxxx building. Look chuchu...

Shit! 10,000 pesos!?

Scam? Pero hindi daw eh.

"Sigurado kang hindi to--- huh? Asan na yon?" Lumingon-lingon ako ng di ko na makita ang mamàng nagbigay ng flier. Bigla nalang kasi itong nawala sa harapan niya. Ano ba yan, tsk!

"Hindi kaya bagong mudos yan, Jellian?" Ani ni Jessa.

"Suspicious but, why not try?" Suhestiyon ni Ashlon.

"Tangi! Mudos nga diba? Mudos!"

"Oh c'mon Jessa, paano kong totoo yan? Paano kong ito na ang chance ni Jellian na mabago ang buhay niya? 10,000 monthly tapos aalagan lang ang pusa, this opportunity."

"Opportunity mukhamo! Scam nga yan! Bagong mudos!"

At nagbangayan na ang dalawa.

"Ikaw Clyd, anong opinyon mo?" Utang ko kay Clyd na busy sa kanyang cellphone.

"May contact number yan diba? Tawagan natin then puntahan natin yan pagkatapos." Sagot sa akin ni Clyd ng hindi umaangat ang mukha sa cellphone.

Nagsitigil din sila Ashlon at Jessa sa bangayan. "Bakit di ko naisip yan." Sabi pa ni Jessa. Ako din bakit di ko naisip na may contact number na nakalagay sa flier.

Lumabas kami sa campus at umupo sa isa coffee shop na malapit lang sa campus namin. Dinayal ko ang numero at ini-on ang loudspeaker ng phone ko.

Isang matipunong boses ang sumagot sa akin. "Hello, who's this?"

Hindi mapigilan ni Jessa ang mapasinghap at brutal na pinalo si Ashlon habang kaming tatlo nina Rowan at Clyd ay nagkatinginan. Tumikhim muna ako bago sumagot, "Good afternoon, Sir. Gusto ko lang pong mag- inquire about sa part-time caretaker ng mga pusa if meron na ba kayong nakuha o wala pa."

"..." May namagitang patlang muna bago tumugon ang kabila. "As of now, wala pa. Interesado ka ba?"

"Yes po, Sir."

"Okay. Come to ES Company at 4pm sharp for the interview."

"Yes, Sir thank you!"

"Oh by the way, what is your name?"

"Jellian Romero po."

Para akong nanghina matapos naming mag-usap. Ganito pala ang feeling ng may kakausaping kang tao lalo na't tungkol sa pag inquire ng trabaho. Kanerbiyos!

"ES Company? Yan ba yong malaking kumpanya ngayon? Yung kay Elon Silvano?

"Sino yon?" Tanong ko.

"Kompanya nga ni Elon Silvano yung ES Company, wala nang ibang may pangalan na ganun." Ani ni Ashlon.

"Ahh okay." Baliwala kong tugon.

"Hoy Jellian, si Elon Silvano ang isa sa mga bachelor at billionaire ng bansa. Isa sa mga naggagandahang lalaki sa mundo pero hindi ko siya bet, mas bet ko si Tyke." Nakangising paliwanag ni Jessa.

Tyke?

"Tyke Avanido ba yan?"

"Oh yes! Teka bakit kilala mo siya?"

"Nope, narinig ko lang kaya sa kong saan kaya binanggit ko." Tumingin ako kay Clyd. Ako lang ang nakakaalam na may boyfriend si Clyd at minsa nabanggit sa akin ni Clyd ang buong pangalan ng jowa nito.

Ngumisi sa akin si Clyd habang umiinom ng kape. Hmmp!

Dahil nasigurado namin na hindi ito scam o mudos ay hindi na sila sumama pa, ako naman nagpa-print ng resume ko. Ang nakaligtaan lang naming isipin ay kong ang trabahong inaalok ay pasok ba sa schedule ko. Ngayon ko lang naisip ng nasa harapan na ako ng ES Building. Hays! Bahala na nga. Para sa mga pusa ko! Para sa 10,000, fighting!

Nang nakapasok na ako sa building ay agad akong nagtanong sa information desk doon. "Good afternoon Ma'am, nandito po ako for interview."

Ngumiti siya sa akin, "Yes, Sir. Sa 10th floor po kayo punmunta. Nandoon po ang mag-i- interview sa inyo."

"Salamat."

Napakapit ako sa ding-ding ng elevator dahil masyado akong kinakabahan, first time kong magkaroon ng interview. Dati kasi sa convenience store kong saan ako nagwo-work wala namang ganito. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga upang makalma ang puso ko at ang sarili.

Lord ikaw na po bahala sa akin!

Nang bumukas ang elevator ay nakita ko ang isa pang information desk bago makarating sa isa pang pintoan. Sa desk may nakalagay na secretary Andales.

Bago pa man ako makapagtanong inuhanan na ako ng babaeng sekretarya. "Mr. Jellian Romero?"

"Yes, Ma'am!"

"This way Sir."

Inihatid niya ako sa pintong nakita ko kanina pagbukas ng elevator. Pa-sekreto akong humugot at bumuga ng hangin mula sa aking bibig bago pumasok.

I guess this is it!

Good luck to me!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are The One (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon