Nerd. Yun ang tawag sa'kin sa school na'to. Hindi ko alam na nerd na pala ang tawag sa mga studyanteng gaya ko na mas inuuna ang pag aaral kaysa sa HANGOUT nila kung tawagin. Napaka korni ng isip nung nagsabi nun.
Syempre first day of class kaya more on introduce your self sa harap ng klase. Dahil sanay naman akong napunta sa harap ng klase dahil suki ako ng reporting, hindi na rin ako nahihiya sa atensyon sa'kin ng mga blockmates ko . Hindi ko lang maiwasan sulyapan yung lalaki sa dulong part ng room na kung makatitig, kala mo ginto ako. Hindi niya inalis sa'kin yung tingin niya hanggang sa matapos akong mag pakilala ng sarili ko sa harap.
Dumaan naaman ang sunod sunod na subjects na mor on introduce lang ang pinagawa and sa second day sila mag sisimulang mag discuss . After ng last subject ko ng morning , pumunta na ako sa cafeteria para pag lunch. Konti lang ang tao dahil siguro magkakahiwalay ang cafeteria ng juniors sa seniors. Pagkapasok mo sa loob, counter kaagad ang bubungad sayo, mayroong makipot na aisle sa gitna na papunta sa harap ng counter and sa magkabilang side yung mga tables. Anyways, pagka dating ko sa harap ng counter biglang nagtilian yung ibang seniors sa may gilid ko . Naka sulyap sila sa entrance ng cafeteria kaya sumulyap din ako dun, nakita kong papasok yung apat na guy na ka blockmates ko, yung nasa gitna sa kanila is yung guy na nakatitig sa'kin kanina while i'm introducing myself infront of our class. Nagtama yung paningin namin kaya ibinalik ko kaagad yung tingin ko sa harap ng counter at mabilis na umorder. Saktong pag abot sa'kin ng order ko nakalapit na yung apat na guy and naka pwesto yung dalawa sa left side ko , yung isa nasa right side tapos yung nakatitigan ko is nasa likod ko. Bigla tuloy akong nailang kaya kinuha ko nakaagad . Syempre doon ako naghanap ng pwesto sa tagong part , yung mahihirapan ang kunsino na hanapin ako.
After 20 minutes natapos na akong kumain,nag stay muna ako ng 10 minutes pa bago ako dumiretso sa library para doon magpalipas ng another 30 minutes dahil 1 hour break naman ang meron ako. Pagka pasok ko, nag sign in lang ako then pumunta ako doon sa dulong part ng library , kung saan syempre tago. Habang nag iiscam ako ng books na babasahin ko for 30 mins may nakita akong lalaking naka yuko sa table , sa kabilang side ng shelf na pinagtitingnan ko. Kakatitig ko sakanya, doon ko lang naalala na siya yung isang guy sa apat na lalaki kanina sa cafeteria, siya yung nandun sa right side ko. Infairness, gwapo siya. Matangos yung ilong niya, ang pula pula ng labi at pisngi niya. Mukha nga lang siyang suplado, kahit nasa malayo ka mararamdaman mo yung dark awra na nakapalibot sa katawan niya .
Hindi ko nalang tinuloy yung plano ko na mag basa dahil naubos na yung 30 mins ko sa pag iscan ng itsura ng lalaking yun, hiniram konalang yung tatlong book na nakuha ko bago ako dumiretso sa afternoon class ko. Gaya kaninang umaga, more on introduce yung pinagawa pero ang pagkaka iba lang, nagbigay yung iba ng quiz dahil major subject ang hawak nila.
Habang nag ququiz kami sa biglang pumasok yung guy na nakita ko sa library kanina. Ngayon ko lang napansin na siya lang pala yung kulang dun sa barkada niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta siya sa upuan nila sa likod ko at doon muling nagtama yung paningin namin nung lalaki kaninang umaga . Ewan ko pero tuwing napupunta sakanya yung paningin ko bigla akong kinakabahan. Tingin pa lang niya kala mo may balak na masama. Napaka talim pang tumingin akala mo palagi kang may kasalanan sakanya. Hindi ko lang ulit siya nilingon sa likod hanggang sa matapos yung quiz namin sa last subject for this day. 4:30 nang mag dismiss yung prof namin , inunat ko muna yung mga braso at hita ko bago ko niligpit yung mga gamit ko para maka uwi na ako. Pagkatayo ko saktong pagharap ko sa likod dahil doon ako lalabas para tabi na ng hagdan pababa , nakabunggo ko yung lalaki kaninang umaga. Nahulog yung mga bibit ko samantalang siya parang hindi man lang natinag sa kinatatayuan niya
Hala ! dali-dali kong dinampot lahat ng gamit ko na nahulog bago ako tumayo sa harap niya para sana mag sorry kaso bago ako makaharap sakanya, nilampasan na niya ako. Antipatiko !