11

1.6K 58 2
                                    

napatingin ako sa tiyan ko habang hinihimas ito,ilang buwan na ang lumipas ngunit ganon pa din ang pakikitungo ko kay michael,nakita kong hindi siya tumigil sa pagbibigay sakin ng lahat.maging ang kailangan ko ay pinupuna niya.alam ko dahil lang yon sa pagpapawala ng galit ko sa kaniya.

malaki na din ang tiyan ko,walong buwan nadin to,kasabay non ay malaki din ang galit ko kay michael.

napangiwi ako dahil sumisipa si baby,minsan ay hindi ako makatulog dahil nangangalay ang mga binti ko.kaya ginigising ko si michael.

ngayon ay nakaupo ako sa sala,hinihintay siya dahil wala pa ang lalakeng iyon.napatingin ako sa singsing na nakasuot pa sakin.balak ko sanang tanggalin ay talagang naka sakto na yon.ano nga bang pakealam ko,kaya lang naman niya ko papakasalanan dahil buntis ako.

tumayo ako habang napahawak sa tiyan kong kay bigat,andito din si nanay rosa kasa kasama ko.lalo na at siya ang may alam sa lahat lalo na sa mga buntis na kagaya ko.

"saan ka pupunta?" Napatingin ako kay nanay rosa na hinimas ang tiyan ko.

"pupuntahan ko po ang alaga niyo,kanina pa wala" sagot ko sa kaniya,hindi kona siya pinansin dahil mas papabor pa din siya kay michael lalo na at alaga niya yon.

lagi niyang sinasabi sakin na patawarin na si michael,may nakapagsabi sakin na mahihirapan ko daw siyang ipakulong lalo na at buntis ako.ginusto ko naman daw ito,parang ako pa ang pinapalabas na dapat ako ang mas makaintindi sa sitwasyon ko.

"Miss.."bumungad sakin ang dalawang tauhan ni michael,sila lagi ang bubungad kapag bukas ko ng pinto.hindi nila ko pinapalabas at bantay sarado talaga,alam kong sinabihan sila ni michael na bantayan ako.

"asan ang amo niyo?" Tanong ko sa kanila.

"miss,may pinuntahan po" sabi ng isa,balak ko siyang batukan dahil malamang kaya nga wala dito.

"dalin niyo ko sa kaniya" seryosong sabi ko sa kanila,nagkatinginan pa sila kaya humalukipkip ako.

"ayaw niyo?" Pagbabanta ko,inirapan ko sila dahil tatango din pala.

inalalayan nila ko habang pinasakay sa backseat.

nanggagalaiti ako dahil kanina pa wala si michael,nagpabili ako sa kaniya ng santol na walang buto,pero hanggang ngayon ay wala pa siya.hindi naman mahirap ang pinapakuha ko.

"miss,ayon si boss" pukaw sakin ng isang tauhan ni michael,naginit ang ulo ko kaya pala hindi pa dumadating may kausap na iba.

walang iba kundi si rena!

"miss.."napatingin ako sa isang tauhan ni michael,habang kinakabahang nakatingin sakin.halos malukot kona pala ang bestida ko.

"bababa ako" utos ko,napatango sila habang pinagbuksan ako ng pinto.inalalayan nila ko habang pababa,nagtagis ang bagang ko habang mabibigat na paghakbang habang tinatahak kung asan sila.nakita kong pangiti ngiti pa ang lalaking iyon.

"dun na kayo sa kotse.."utos ko sa dalawa,binitiwan nila ko habang nakita kong palakad na sila kung asan yung kotse,napakuyom ako ng kamay habang papasok sa isang coffee shop kung san sila.nakita kong pinagtitinginan ako ng tao.panong hindi sila titingin masama ang tingin ko sa kanila.

"salamat sa treat mo michael.."napataas ako kamay ko habang nadinig ko ang malanding tinig iyon ni rena,talagang humawak pa sa kamay ni michael.itong lalaking naman na ito pangiti ngiti pa.

"Wala yon" napakuyom ang kamay ko habang inis na hinila ang buhok ni rena..

"what the,ano ba!"sigaw niya,nakita kong natigilan si michael habang inawat ako.

"kaya pala!kaya pala kanina kapa wala,nakikipag landian ka pala!" Sigaw ko,kahit pinagtitinginan na kami wala akong pakealam.

"babe..sinong kasama mong nagpunta dito?" Pigil sakin ni michael,sinampal ko siya kaya napatingin siya sakin.

mafia boss Obsession(mafia Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon