4

2.1K 53 3
                                    

PAGDATING namin sa bahay ampunan ay bumili muna kami ng mga pagkain sa mga bata napatingin ako sa mga bata na masayang kumakain.si michael na ang bumili nito lahat,sabi niya ay siya na daw wala na din akong nagawa.

"iha,salamat at nakadalaw ka muli dito" napatingin ako kay sister habang napangiti.naiisip ko palang ang mga bata ay gumagaan na ang loob ko sa kanila.

"walang anuman po" sagot ko sa kaniya,hinawakan niya ang kamay ko kaya napahinga ako ng malalim.

"iha,nobyo mo ba ang kasama mo?" Tanong ni sister kaya napatingin ako kay michael na iginagala ang mata sa mga bata.

"hindi po" sagot ko sa kaniya,napangiti naman si sister habang inasikaso na ang ibang bata.
"here,kumain ka muna" napatingin ako kay michael na bigyan niya ko ng pagkain.punaupo niya ko sa plastic na upuan at tumabi sakin.
"Matagal kanang pumupunta dito?" Tanong niya,habang hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ko.
"hmm" tangong sabi ko sa kaniya,nagulat ako ng punasan niya ng tissue ang gilid ng labi ko nalagyan pala ng sauce ng spaghetti.

"may tanong ako" sabi ko sa kaniya,napatingin siya sakin at tumango.

"kilala mo naba ko noon?" Tanong ko sa kaniya,nakita kong natigilan siya habang napalunok pa.

"oo,yung unang kita ko nung nagpunta ako sa bar mo" sagot niya,nakita kong nag sasabi naman siya ng totoo,napatango ako habang hindi na siya pinansin.

"ate!" Napatingin ako sa isang batang napakacute na tumawag sakin.nakita kong may dala dala siyang naka plastic na lalagyan.binigay ko kay michael ang styro at tumingin don sa bata..

"bakit?" Tanong ko sa kaniya,hinawakan ko ang buhok niya at ngumiti siya.

"ate may regalo po ako sa inyo" masayang sabi niya,napangiti ako habang inilahad niya sakin ang regalo niya,nakita kong isang bracelet iyon na gawa sa beeds..

"ate,salamat dahil nag pupunta ka dito" bibong sabi niya,niyakap niya ko kaya niyakap ko din siya.hindi ko maiwasang mapaluha kaya napangiti ako.

"ate,boyfriend mo?" Tanong niya habang nakatingin kay michael,na nakatingin samin.

"what do you think bagay ba kami?" Tanong ni michael,habang kinandong si shasha,napairap ako habang napatingin sa kaniya.

"opo" bibong sabi ni sasha,napailing ako habang kinurot ko ang tagiliran niya.

-

LULAN kami ng sasakyan ni michael habang nakatahimik lang kami.

"quiet?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"hindi kaba nag sisisi na nakilala moko?" Tanong ko sa kaniya,napatingin siya sakin at umiling..

"hindi",nakangiting sabi niya,napangiti ako habang napatingin sa labas ng bintana ng kotse niya.

"ihinto mo muna" utos ko sa kaniya,inihinto niya ang kotse habang bumaba ako para mag sigarilyo.

"what the.." singhal ko ng bigla niyang kuhanin ang sigarilyo ko.

"masama sayo to,hindi mo ba alam na maari kang mag kasakit sa baga kapag naninigarilyo ka?" Saad niya,inis ko siyang tiningnan habang inagaw ang sigarilyo sa kamay niya,sumandal ako sa kotse habang pinasindi sa bibig ko yon.

"wala kong pake" inis na sabi ko sa kaniya.

"concern lang ako sayo" sabat naman niya,napahalukipkip ako habang nakatingin sa kawalan.

"hindi ko kailangan ng concern mo" seryoso ko ding sabi sa kaniya.

"ang sungit" bulong niya,tumingin ako sa kaniya habang nakatingin din sa kawalan.

mafia boss Obsession(mafia Series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon