~Tagalog~
Nakangiti ako nang makita siya na nakasuot ng pulang kamiseta,puting saya at ang leeg nya ay may nakabalot na puting tela. Biglang naglaho ang ngiti ko ng unti unting dumilim ang paligid at ako'y nagising sa aking panaginip at may luhang pumatak galing sa aking mga mata.
"Bakit ako umiiyak? Bakit ako nalulungkot? Ano ba meron sa panaginip ko? Sino ba yung babaeng yun?" mga tanong ko sa aking isipan ng naguluhan ako kung bakit ako umiiyak.
Napatingin ako sa bintana ng namalayan ko na ito pala ay nakabukas. Ang hangin ay dumadaloy papunta sa'kin at kakaiba ang aking nararamdaman. Napansin ko ding di nakaandar ang electric fan at ang lahat ng mga technolohiyang gumagamit ng kuryente. Wala atang kuryente kaya bumangon na ako.
Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana at sinara ito. Nagulat ako ng bumalik ang kuryente ng mismong oras kung kailan ko sinara ang bintana. Napalingon naman ako sa paligid.
Pagkatapos nun , binalewala nya ko dahil sa'yo 😭. Oo , nagsoundtrip ako sa cellphone ko. binalewala ko nalang yung nangyari. Nagiisa lang muna ako ngayon kasi di pa nakauwi sina mama at papa.
Ilang oras lang ang lumipas at na inip na ako dahil wala naman akong ka chat sa messenger ko. Lumabas nalang ako sa bahay at nilock ang pintuan.
Pumunta lang ako sa kung saang lugar mapuntahan ko malapit lang sa amin. May nakita akong nagtitinda ng pagkain kaya bumili nalang ako at kumain. Di kami mayaman , di din kami mahirap , sakto lang.
Sa aking paglalakad sa tabi ng daan , napalingon ako sa mga malalaking punong kahoy. Malakas ang hangin ngayon at madilim din ang kalangitan , may bagyo ata. Nakatingin parin ako sa gubat ngayon at parang may ipinapahayag ito sa akin.
Naglakad ako palapit doon upang matignan ko ng maigi yung mga nangyayari sa gubat. Naglakad ako sa may mga maraming mataas na damo. Malakas parin ang hangin , pumasok ako sa gubat at ilang lakad lang ay nakita ko ang magandang tanawin sa loob ng gubat. Sa loob ng gubat may lugar na walang mga puno at puro mga damo at mga bulaklak lang ang andoon. Sa dinami dami ng mga bulaklak doon , isa lang ang napatitig ako. Puting rosas na bulaklak na may pagka bughaw din. Dahan dahan akong napalapit sa bulaklak pero napatigil ako sa paglakad dahil may biglang simugaw . " Don't! Don't come near it! " sabi ng lalake na matangkad , maputi , payat at medyo gwapo din. Koreano ata o thai . "Ahh.. ahh.. sorry" sabi ko sa kanya. Siya ata ang nagmamayari sa lupain na iyon .
Nagulat ako ng may nakita akong babae na dala dala nya. Nakakaawa tingnan yung babae , napatingin naman ako sa lalake. "ahh.. uhmm kapatid ko'to" sabi nya. "Nakatulog lang siya habang nagkukuwento ako sa kanya" dagdag pa nya.
"Uhhh??... sige.." sagot ko sa palusot nya. Di ako sigurado kung tutulungan ko ba yung babae kasi baka di talaga yun kapatid nya pero nagalala din ako sa sarili ko kasi baka mapahamak pa ako kaya di ko nalang pinakealaman. Nagmamadali akong umalis at pumunta sa pulisya. Di talaga ako naniniwala na kapatid nya yun. Dumating ang mga pulis dun at sinabi na wala naman daw tao dun. Sana ligtas lang yung babae. Ba't naman ganun ka dumi ang babae kung nagkukuwentuhan lang sila?
Nadala ko yun hanggang sa bahay kaya sa gabi , matagal ako nakatulog. Nakatitig lang ako sa buwan ngayon sa terasa namin. Nagiisip parin sa aking nakita. Ano kaya ang nangyari kung ginawa kong tulungan yung babae? Saan na kaya yung babae ngayon? Yung lalake? Sino kaya sila? hmm di ko alam.
Mahina na ang ihip ng hangin dahil gabi na . Di naman umulan at malinaw na din ang kalangitan. Marami ang nakikita kong mga bituin. Nagulat ako ng makita ko na may sobrang liwanag na bituin , akala ko nga iyon ang buwan pero napakaliit naman ata nun para maging buwan.
Nakatulog na ako maya maya lang. Alam nyo yung sa mga panaginip nyo? Yung iba ang tao na dala mo? Sa panaginip , minsan nyo lang mapapansin na nananaginip lang pala kayo.
YOU ARE READING
Kim's Game (Short)(Second Series)
FantasíaThe second series of Roleplaying as Kim.. Read the part when Kim is facing his greatest problem.