Meeting them
Ang init-init talaga ng Pilipinas ngayon. Para akong sinusunog sa impyerno. Kanina pa ako nauuhaw at nakakaramdam narin ako ng gutom. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bag na dala ko. Tinignan ko ang laman nun at nakita kong 50 pesos nalang ang natitira sa pera ko.
Kanina pa kasi ako naghahanap ng trabaho. Pero wala namang tumatanggap sa'kin dahil hindi daw ako highschool graduate o college graduate. Nagtaka nga ako kasi kahit janitress kailangan daw highschool graduate. Hay ganun naba talaga kaarte ang mga trabaho ngayon sa Pilipinas?
Tinignan ko ang oras sa relo ko, ala-una y media narin at kanina pa ako nagugutom. Tsamba naman dahil nasa tapat ako ng isang karinderya ngayon.
"Ate, isang hotdog nga at isang kanin. Tapos isang mineral water narin. Magkano lahat Ate?" tanong ko habang hawak ang natitira kong pera.
Maglalakad nalang siguro ako pauwi, o hindi kaya ay mag-wa-1 2 3 ako sa Jeep.
"40 lahat Miss." Saad nito.
Inabot ko sakaniya ang bayad ko at kinuha ang order ko. Pumwesto ako doon sa may bandang kaliwa. Well, 'yun nalang kase yung bakante. May nakaupo pero isang matanda lang.
"Paupo po ah?" paalam ko sa matanda saka ngumiti.
Tumango naman ito habang nakatitig sa dala kong pagkain.
Akmang kakain na ako ng makita kong nakatitig parin sa pagkain ko yung matanda. "Gusto niyo po?" Alok ko sakaniya.
Akala ko ay tatanggi siya ng bigla niyang kinuha ang pagkain ko saka sumubo ng sunod-sunod. Naawa naman ako sa matanda kaya hinayaan ko nalang, hindi naman siguro ako mamatay kung hindi ako kakain ngayon eh. Sunod-sunod parin siyang sumusubo kaya hindi na ako nagulat nung mabulunan siya. Agad kong inabot ang mineral water na hawak ko tsaka hinagod ang likod niya.
"Salamat sa pagkain 'neng." Saad nito pagkatapos kumain.
"Walang anuman po, sige po. Aalis na po ako, maghahanap pa ho ako ng trabaho eh." Saad ko at iniwan na siya.
Dinig kong tinawag niya ako pero kinawayan ko lang siya. Gutom na gutom na ako pero alam kong kaya ko. Kaya mo 'to self! Para sa ikabubuti ng anak mo.
Habang naglalakad ay nagulat ako ng bigla nalang may bumusina sa'king sasakyan. Napaangat naman ang isang kilay ko dahil sa inis, bulag ba yung driver? eh nasa gilid lang kaya ako. Ipinagsawalang-bahala ko lang 'yun at patuloy na naglakad kaso ilang Segundo lang ay bumusina ulit ito ng malakas. Dahil sa gutom, pagod at inis ay lumapit ako sa bintana ng sasakyan at malakas iyong kinalampag.
"Hoy! Lumabas ka diyan kung sino ka man! Walang hiya kang kupal ka! Kung gustong mong maglaro 'wag mo'kong isali ha! Gutom ako at baka makain kita!" singhal ko dito.
May ibang tao naring napapatingin sa'kin pero wala akong pakealam.
Akmang kakatukin ko ulit ito ng biglang bumukas ang bintana ng sasakyan. At nagulat ako ng makitang yung Lolo pala yung nasa loob. Yung kumain ng pagkain ko.
"Lolo?!" gulat kong Saad.
Ngumiti lang 'to at sinenyasan akong pumasok sa loob. Dali-dali naman akong pumasok at nagtatakang tinignan yung matanda.
"M-Mayaman ka po?" tanong ko. Gulat na gulat parin ang mukha ko.
Tumawa ang matanda, "Oo 'neng."
"Eh kung mayaman po kayo, bakit po wala kayong pambayad kanina sa karendirya?" nagtataka kong tanong.
"Hindi sila tumatanggap ng credit card or cheque eh. Cash daw ang kailangan. I forgot to bring my phone noong lumabas ako ng sasakyan. At tinatamad narin akong bumalik dito kaya naghintay nalang ako ng tutulong sa'kin." mahaba nitong paliwanag.
Tumatango-tango naman ako sa sinabi niya. "Ay okay po, pero aalis na po ako Sir Lolo ha? Maghahanap pa po ako ng trabaho eh." Saad ko at akmang bababa na ng tinawag ako ni Lolo.
"Lolo Greg nalang Hija, and I can help you sa paghahanap mo ng trabaho." Saad nito na ikinawindang ko.
"Talaga po?!" Nanlalaki ang mata kong tanong.
Napa-yes naman ako nung tumango siya. "Salamat po Lolo Greg!"
"50,000 ang sweldo mo every month. and don't worry, may kontrata tayo. 1 year kalang magt-trabaho sa'min. Kung may utang ka or something, babayarin namin lahat at hindi namin 'yun ibabawas sa sweldo mo. I am too sure na in 1 year madami ka ng maiipon dahil malaki ang sweldo. Deal or no deal?" tanong nito sa'kin.
Kinakabahan ako pero iniisip ko ang anak kong si Aeron. Gusto ko siyang mabigyan ng magandang buhay, and next year kailangan niya naring mag-aral.
"Deal po Lolo." pagsang-ayon ko sa offer niya.
"Good Hija, wise decision." Puri nito sa'kin saka ngumiti.
"Pero teka, ano po palang trabaho ko?" Nagtataka kong tanong.
Nagtaka naman ako ng ngumisi ng nakakakilabot ang matanda. Para siyang may masamang binabalak. "You will tame the beast." Saad nito.
"Ay grabe ka naman Lolo! Anong tame the beast? Hindi naman po ako mangangaso, juskopo. Baka kainin lang ako niyang beast na sinasabi niyo eh." Saad ko ng malakas.
Jusko, malaki yung 50,000 pesos pero kung buhay ko naman Ang itataya aba'y 'wag nalang.
Nagulat naman ako ng tumawa siya ng malakas, pati yung driver ay dinig ko ring nagpipigil ng tawa. "No silly, you're gonna marry my first grandson. You'll tame him, you'll tame the beast." ngisi nito.
At teka ano raw?! Magpapakasal ako sa una niyang apo?! Diyos ko po, ano ba 'tong napasok ko?
-----
VOTE, COMMENT, AND SHARE.
BINABASA MO ANG
TAME SERIES 1 : Lazaro Montagne
General FictionI am Rose Montebello, and I am hereby promising that I will fulfill my responsibilities being Mrs. Montagne for 1 year. And I am also promising that I will tame the Billionaire Beast, Mr. Lazaro Montagne. Signed by : Rose Montebello ...