My whole life suddenly change
"Sino ka?" taka kong tanong doon sa sumigaw.
I eyed him from head-to-toe. Parang mini-version ni Lazaro at Lethal.
"I'm Larch po ate. Bunsong kapatid nila kuya laz and kuya leth." magalang nitong saad sa'kin.
Oh,feeling ko sa kanilang tatlo ito ang pinakamabait at magalang din. Ang cute cute niya din. Hula ko ay 16-17 pa lamang siya. Ang cute-cute niya parang katulad ng anak ko—
"Ay shit! Kailangan ko ng umalis!" Saad ko at dali-dali ng isinukbit ang bag ko at akmang tatakbo na palabas ng mahawakan ako ni Lazaro sa kamay.
"Saan ka pupunta?" seryoso nitong tanong habang nakakunot ang mga noo.
"I'm gonna go to my baby." bakas sa mukha ko ang pag-aalala.
Hapon na at alam kong nakauwi na ang anak ko galing sa eskwelahan. Hinahanap na ako nu'n.
"What?! Your baby? Hindi pa nga tayo kinakasal tapos niloloko mo na ako!" galit na saad nito.
Tinignan ko si Larch at nakita kong umangat ang kaliwang bahagi ng bibig nito.
"Sige, alis na ako ate, kuya. Nice meeting you Ate. Bye." ani Larch at dali-daling lumabas.
"No! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin!" Saad ko at pilit na kumakawala sa hawak niya. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!"
"Then tell me, who's your fucking baby huh?! Tell me!"
"He's my son! Anak ko siya!" sigaw ko din sakaniya.
Kabago-bago pa nga lang nag-aaway na kami.
"You have a son?" gulat nitong tanong.
Umirap ako, "Bingi kaba ha? Oo, may anak na ako. Kaya bitiwan mo na ako at baka hinahanap na ako nu'n!"
"Sasama ako. I'll drive you."
Akmang iiling ako pero naalala kong wala na pala akong pera para ipamasahe sa sasakyan ko.
"Sige."
Noong lumabas kami ay wala si Lolo kaya dumiretso nalang kami paalis. Tahimik lang kami sa loob ng kotse at nagsasalita lang ako kapag nagtatanong siya kung saang direksyon papunta ang bahay ko.
"What's his name?" biglaan nitong tanong.
"Zerro."
"Zero as in Z E R O?"
"No, double R." maikling sagot ko.
Nakita kong tumango siya saka tumahimik na kami ulit.
"Dito na." Saad ko para matigil niya na ang kotse niya.
Noong makalabas ako sa kotse niya ay kitang-kita ko ang titig ng mga kapitbahay namin sa'min. Lumabas din kasi siya sa kotse kahit na pinagbawalan ko siya. Kitang-kita ko sa mga mata ng kapitbahay ko ang panghuhusga. Wala naman akong pakealam dahil sanay na rin naman ako sakanila. Isa lang naman silang mga tao na walang ginawa kundi tignan ang bawat kilos ko.
"Nak?!" sigaw ko ng makapasok na ako.
Agad ko namang nakita si Zerro na nakahiga sa upuan naming kahoy habang nanonood ng cartoons sa luma naming tv na malaki yung likod.
"Mama!" sigaw niya ng makita ako.
I hugged him tight and kissed his forehead. "baby ko! Kumusta ka? Ang school mo? May nangyare ba ha?" sunod-sunod kong tanong habang paulit-ulit siyang hinahalikan sa noo at pisnge.
BINABASA MO ANG
TAME SERIES 1 : Lazaro Montagne
Aktuelle LiteraturI am Rose Montebello, and I am hereby promising that I will fulfill my responsibilities being Mrs. Montagne for 1 year. And I am also promising that I will tame the Billionaire Beast, Mr. Lazaro Montagne. Signed by : Rose Montebello ...