C H A P T E R O N E
Judy- Ann's POV:
Kasulukuyan akong naglalakad sa gitna ng corridor kasama ang dalawa kong kaibigan na si Kyla at Charlotte. Panay ang kaka-interview sa akin. Ang aga-aga nakikipagchikahan, akala mo naman nasa Magandang Buhay kami.
"Eh bakit ka nga kasi nagpapaligaw kay John Dave? Eh nerd yun! Ang jejemon. Super weird!", tanong ni Charlotte na may bahid ng pandidiri sa boses.
"Ano ka ba Charlotte! Bagay nga sila eh! Parehong matalino. " ,sabat naman ni Kyla sa tono ng pang-aasar.
"Ah basta ako, kung magkakaboyfriend man ako ay gusto ko yung badboy.", ani Charlotte na may pahawak-hawak pa sa magkabilang pisngi habang nakapikit ang mga mata. Animo'y kinikilig sa kanyang naiimagine.
" Tss. Okay na ko kay John Dave kasi matino", Sabi ko.
"At saka! Didn't I told you na ayaw kong marinig ang salitang badboy! O kahit na ano na related sa mga Gang-Gang na 'yan. Sa oras na marinig ko pa iyan ay tatadtarin ko talaga yang dila mo!", dagdag kong banta kay Charlotte. Napasapo naman siya sa kanyang bibig sabay lunok ng sariling laway nito. Napailing-iling na lamang din ako sa naging reaksyon niya."Diba si John Dave iyon", biglaang pagsasalita ni Kyla kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
May tinuturo siya sa bandang dulo ng corridor, kung kaya't napalingon ako sa direksyon ng kanyang tinuturo.
Gayun na lamang ang pagkulo ng dugo sa aking loob nang makita ang sitwasyon ni John Dave.
Bugbog sarado ito, gula-gulanit na ang suot na damit at basag na ang kanyang eyeglass.
Napansin ko ang mga estudyanteng pinagtatawanan sya na siyang mas ikinagalit ko pa lalo.
Liningon ko ang mga estudyanteng iyon, resulta para matigilan sila at mapaatras ng husto.
Agad-agad na rin akong lumapit Kay John Dave nang buong pag-aalala.
"Anong nangyayare sayo?", galit kong tanong.
"Ah- Wala ito", pagkakaila niya at nagagawa niya pa talagang ngumisi sa harap ko.
"Hindi ako nagbibiro! Sagutin mo ko!", iritadong ani ko."Hindi mo pa nga ako nililigawan, sasagutin na kita?", nang-aasar niyang sagot dahilan para mas uminit ang dugo ko. Hindi ko na rin tuloy napigilan and mapasinghal.
"Ayieeeee..ayieeeee..", tilian nina Kyla.
Nang siringan ko sila ay agad din naman silang napatigil sabay peace sign pa.Ibinalik ko ang atensyon ko Kay John Dave at muling nagtanong.
"Anong nangyare sayo? ", tanong ko ngunit nagbaba lamang siya ng tingin.
" Sinong walanghiyang gumawa sayo niyan? Di niya ba alam na manliligaw kita? Aren't they scared of me? ", nag-iinit na talaga ang dugo ko sa galit.
YOU ARE READING
PEEK
Short StoryDedicated to Ms. Judy Ann Bael Dela Torre for her 18th Birthday. *READ AT YOUR OWN RISK*