CHAPTER FIVE
Vince POV:
Inaamin kong nasasaktan pa rin ako sa pagkamatay ni Rosalie. Mahal ko siya, sobra. Kaya nga't ginawa ko ang lahat para mahanap ang may kinalaman sa pagkawala niya. Sapagkat nang namatay siya ay sinisi ko ang aking sarili sa kanyang pagkamatay.
Gusto niyang magbago ako. Gusto niyang umalis ako sa grupo ng Force Troops. Pero hindi ko pa rin siya sa sinunod, dahil may posisyon ako sa organisasyong iyon. Hanggang sa gumaya siya sa akin, sumali siya sa Arm Squad. Pinilit ko naman siyang umalis, pero hindi niya ako sinunod. Nagmatigas rin siya tulad ko.
Sa pagsali niya dun ay lagi na siyang nagkakaroon ng pasa. Pinilit ko siya para umalis sa pinasukan niya pero nagmamatigas pa rin siya. Hanggang sa dumating ang araw na di ko na talaga siya nakasama. Namatay siya at di man lang ako nakapagpaalam. Hindi man lang ako nakahingi ng patawad sa mga pagkukulang ko sa kanya.
Kung sinunod ko lang siya noon, hindi na sana siya pumasok pa sa Arm Squad. Kung hindi dahil sa akin hindi sana siya namatay. At sobra akong nasaktan dun. Wala akong kwentang boyfriend!
Sampung taon ko iyong pinagdusuhan hanggang sa nakilala ko si Judy. Hindi ko akalaing siya ang magbibigay ng lunas sa puso kong nagdurugo dahil sa pagkamatay ng girlfriend kong si Rosalie. Walang araw na di niya ako napapasaya , pero panandalian lang pala. Sapagkat mas napaso ang puso ko nang malaman na minamanmanan niya lang pala ako.
Narinig ko silang nag-uusap ni John Dave nun at dun ko nalaman na kapatid niya pala si Rosalie. Ang sakit! Pakiramdam ko'y pinaglalaruan kami ng tadhana.
Masakit sa katotohanang ang babaeng mahal ko ang siyang mag-iisip sa akin ng masama. Hinusgahan niya ako. Walang katumbas na sakit iyon.
Pero gayunpaman ay di ko maalis sa aking damdamin ang aking nararamdaman sa kanya. Nakakatawang sa kabila ng lahat ay mahal ko pa rin talaga siya. Kahit hindi naman ako siguradong kaya niyang ibalik sa aking ang pagmamahal na ito.
Ngunit habang yakap-yakap ko ngayon si Judy na humagulhol at pinanghihinaan ay mas dinurog ang puso ko nang sobra. Hindi ko siya nakita nang ganito simula nang makilala ko siya. Masakit makitang ang babaeng hinangaan ko sa kanyang katapangan ay ngayon umiiyak sa aking harapan.
Mahigpit ko siyang niyakap at siniguro talagang di siya matatamaan ng bala kung iputok nila ang kanilang mga baril. Mas gugustuhin ko pang ako ang mamatay, sapagkat di ko na kakayanin pa kung pati siya ay mawala sa akin.
"Rosalie was my girlfriend, Judy. Siya ang tinutukoy kong namatay. Later did I found out na kapatid mo pala siya. Nalaman ko nung marinig ko kayong nag-uusap ni John Dave. Judy, hindi nga ako ang pumatay sa kanya. Pero ako ang naging dahilan kung bakit siya napasok rito. Sorry, Judy. Sorry. It was really my fault. Sorry..... Kung sinunod ko lamang siya, di na sana tayo umabot sa ganito. Sorry that because of me you'd live alone in minor age. Sorry..", pag-aamin ko sa kanya kaya't di ko na rin mapigilan pa ang humagulhol.
"Kailan mo pa nalaman na si John Dave ang pumatay at gumahasa Kay ate?", tanong niya, bakas sa kanyang boses ang magkahalong hinanakit at galit.
"Dati pa, nung araw din na una kita nakita. Kaya ko siya binugbog nun dahil nalaman kong siya ang gumahasa at pumatay kay Rosalie. Wala akong pinanghahawakang ebidensya nun, kaya inigihan ko na lamang na mahanap ang kuta nila.", pagpapaliwanag ko sa kanya nang sa gayun ay maliwanag-liwanagan siya. Lalo na ngayong alam ko na litong-lito na siya sa kanyang mga nalaman.
"Bakit hindi mo sinabi....bakit.....ba- kiiiiiit....", hagulhol niya kaya't mas niyakap ko pa siya nang mahigpit.
YOU ARE READING
PEEK
Short StoryDedicated to Ms. Judy Ann Bael Dela Torre for her 18th Birthday. *READ AT YOUR OWN RISK*