Dahil sa basketball nakaka usap ko na si papa..noon kasi never ko pa sya nakakwentuhan, pero simula nung naging fan ako ng basketball..dun na kami lagi nag uusap, ako narin lagi nyang tinatanung about sa trade, schedules at standings. Hahaha
Sa sobrang pag ka adik ko rin sa panunuod ng Basketball...
Parang feeling ko marunong narin ako mag laro nun! Feeling ko nga rin pwede narin ako mag Referee eh.. Pero lahat ng yun Feeling lang! NYAHAHAHAHA :P
Nag karoon ng Intrams sa school..
Hindi ako magaling sa 3point shootout, di kasi umaabot yung tira ko sa ring.. Kaya ayoko dun!
Kung meron lang sanang Free throw shootout dun nalang sana! Hahaha.. Chos lang :P
Nag tryout ako sa Girls Basketball..
And ayun..sa tryout pa lang nag pakitang gilas na ako.. Kaya pasok ako sa Team!!
Get Ready EJIST molino.. Tatalunin namin kayo!
Ako yata ang Best point guard of Trece. Wahaha paki mo ba? xD
*fast forward*
Isa ako sa first 5 ng team!
Ako ang pinakamaliit..
Tumatawa tawa yung ka bantayan ko, kasi mas matangkad sya sakin.. hindi naman sya maka shoot dahil sa dipensa ko! Mukha neto bwisit! NyahahaSa sobrang hard ng laro eh kuyugan na ang ng yari.. Wala naring dribbling ang naganap.. Di nga ako sanay eh! Professional nga kasi ako mag laro. Wahahaha kapalmuks :D
Maya maya pa'y hawak nung tomboy na kalaban namin yung bola at bigla sya natumba kaya chance ko ng agawin sakanya yung bola.. Ng biglang..
Ako: AAAAAHHHHHHHH!!
Instructor: Marie.. Ok ka lang??
Danica: Fonacieeeeeerrr!!
sinipa ako sa tiyan T______T
Leche to ah! Madumi mag laro ang isang toh! Nakakainis! >_____<At ayun ang katapusan ng Career ko. Hindi na ako pinapasok kasi namimilipit na ako sa sakit!
Asar! Di pa nga ako nag iinit sa laro eh! Yung ulo ko tuloy ang uminit sa sobrang inis..At dahil nga hindi na ako nakalaro..natalo ang team.
Wala eh! Injured na ang star player nila eh!
NYAHAHAHAHA (bawal mag react..Wag kang epal dyan ah diary ko toh!!)Pero kahit na ganun.. Nakauwi naman kami ng Silver medal..
Silver medal yun pero para sakin Gold na yun.. Jeff chan lang ang peg? Nyahahaha
Masaya ako dahil kahit papaano naging part ako ng isang basketball team. Best experience ever! ^_____^
To be continued..
YOU ARE READING
A Basketball Fan Diary
FanfictionThis Story is 100% real :) Yes! real as in ng yari saken lahat ng nakasulat dito :) Heyaaa!! Enjoy reading^^