#4 The Putik Fountain

4K 111 2
  • Dedicated kay Daisy Jean Cabrera
                                    

THE PUTIK FOUNTAIN

CHAPTER FOUR

*The Grand Party*

.
6:30 na ng dumating kami sa nasabing Venue. Nakakamangha nga naman ang bahay nina Abigail. Napakayaman talaga ng pamilyang Lee. Well landscaped and paligid at punong puno ng magagandang bulaklak ang bawat silid. Lahat niyon ay fresh flowers mula sa ibat-ibang bansa! Ayon doon sa babaeng narinig kong nagsalita.

Whoaa... *0*)

"A-Aray, sakit naman sa paa nito!"  kakababa palang namin, sumakit na yong paa ko. Bat naman kasi itong heels pa ang pinahiram saakin ni Rhexil!

Kamuntikan pa akong matisod ng maapakan ko ang damit ni niyang na pasway-sway sa daan ko. Simple lang kasi ang suot ko na feeling ko mas komportable ako kesa don sa sina-suggest ni Herbert bakla saakin. I am wearing this grape colored dress, One-shouldered siya at knee-length lang ang haba nito.

Habang papalapit kami sa mga kaklase namin ay parang gusto ko tuloy magpasalamat ng bongga sa Mommy ni Rhex... at kay Herbert narin. Ang gaganda kasi nilang lahat. Mayroon din palang mga lalaking guests na hindi pamilyar--wait taga Prince Academy din kaya sila?

tsk malamang, taga-prince nga naman ang kapatid ni Abigail.

"This way ma'am!" Akay samin nong lalaking incharge na nakaformal attire.

Ang ganda talaga ng buong paligid. Ganito ba talaga ang itsura ng Out Door Party? Formal daw ang theme pero ang mga sinusuot ng mga tao dito sa loob ay kala mo kinulang sa tila sa sobrang ikli. May iba din na kong makatalikod kala mo tuluyan ng nakahubad.

sobra sobra naman ang babaeng 'yan.. Sa itsura niya parang balak niya talagang lampasan ang debutante eh!

"Hey girlfriends! Over here!" Alexis called.

Saka ko nalang napansin ang espasyo ng paligid. Kahit marami ang guest hindi parin nagkulang  sa space.
Lahat kaya ng students sa school namin invited, tas may iba pang guests.

Napatingin ako sa kabilang banda... Ang lapad ng pool oh! Bigla ko tuloy naiimagine ang sarili ko na nagtatampisaw doon.

"Nasan na ang Bloodsuckers?!" Parang baliw na tanong ni Rhex habang papalapit sa table nina Alexis, Selfi, at Ebony.

"Wala pa sila eee! excited pa naman ako" Halos pumutok na eardrums ko sa pagtilian ng mga ito.

"OMG, Solenn? Is that you?" sigaw ni Alexis.

uhh.. hello? Magkasabay kaya kami ni Rhex lumapit dito tapos hindi man lang nila ako nakilala! Okay.

"Girl, ang laki ng pinagbago mo! You're like a dyosa na!" si Ebony.

"Lakas mantrip nito. Tigilan mo nga ako nabibilog na ako dito sa pagkabolero mo."  Sabi ko naalng. Lakas mantrip eh kailangan pa talagang ipagsigawan? nakakahiya ang babaeng to oh. -_-

"Echus! Totoo naman eh, Minsan na nga akong magsabi ng totoo, ayaw pang paniwalaan." ito ulit.

"Pero di hamak naman na mas dyosa ang beauty ko kesa sayo ano" by the way, that's Selfi Again. Tumayo ito at ipanakita ang suot na kulay pulang floor-length chiffon dress.

(-.-) she does look hot on it.

"Excuse me? Ako kaya!" Humirit naman si Rhexil. Pareho na silang napatayo at nagpapagandahan ng suot na damit with matching american-model pose. Alam niyo yun? Yung naka pa-maywang tapos nakacurve yong likod. Yung kita mo na yung buto sa likod, nakakatakot sino ba nagpa uso niyan, kakilabut!

"Wow nahiya naman ako sa kakapalan ng make-up niyo! Halata namang ako lang ang pinakamaganda satin dito!" Si Alexis. Tumayo narin ito showing her Royal blue dress na mas lalong nagpalitaw sa kakinisan ng balat niya. 

A Vampire's PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon