gusto ko lang isulat lahat ng nararamdaman nitong mga nakalipas na araw,
so here it is.
"it's been months since our break up. are you happy now? is someone making you happy now?" isa sa mga linyang pinost ko. sa private group namin na ginawa nya.
nung mga araw na mahal nya pako. yung mga araw na mahal na mahal namin ang isa't isa.
"seeing you happy is my happiness too." kahit masakit oo okay lang. basta masaya ka lang kahit hindi na ako yung dahilan kung bakit ka masaya ngayon. okay lang.
araw araw ko chini-check yung post na yun sa group. para malaman ko kung nabasa mo.
laman din ng post na yun. kung gano ako nag mamakaawa na balikan moko. it's not my thing, pero ginawa ko.
ginawa ko para sayo. para lang balikan moko at para rin malaman mo na mahal na mahal parin kita.
pero..
wala na pala. nabasa mo na.
and it kills me lalo na nung nakita kong seen at nakita ko ang pangalan mo.
ni hindi ka nag like or nag comment.
basta binasa mo lang,
yung araw na yun halos madurog ako sa sakit.
binaba ko ung pride ko para lang sayo. but in the end wala akong napala.
nadudurog ako, ung puso ko, at ung katiting na pag asa na mag kakabalikan pa tayo. ang sakit. sobra.
ganun pala pag ung taong mahal mo eh wala ng pakeelam sayo.
iniisip ko na lahat ng posibilidad kung bakit dika man lang nagreply sa sinabi ko, na baka nmn hindi mo tlga nabasa yun napindot mo lng.
nagdadalawang isip ako. kung buburahin ko ba.
nakakahiya kasi tangina.
in the end binura ko. kasama ang feelings at ung natitirang respeto ko sa sarili ko.
nag leave group ako. sobrang nahihiya ako sa sarili ko.
bat pa kasi ako nag post ng ganun. eh ang tagal na nating wala.
bat kasi umasa pako na mahal mo pako.