Chap 4 ; Queen Beessss

253 8 0
                                    

Samantha's Pov

Nagising ako ng may marinig akong kalabog sa kwarto ko,pshh Ano bayun natutulog pa yung tao eh Dali dali kong pinuntahan yung pinto at binuksan bumungad yung mukha ni Sojun kasama nya din si tyler

" ohh, Kayo Pala Ano ginagawa nyo dito?"

"Ano pa nga ba edi ginigising ka ,Maligo ka na Sabay na tayo kakain" Pagtataray sakin no sojun psh, parang bading talaga

Tsaka ano ginagawa nila dito. feeling close kakakilala ko lang naman sa kanila Kahapon

"Sige pasok muna kayo antayin nyo ko sandali lang ako ,Pag pasensyahan nyo na makalat eh,di pa kasi ako nag linis kagabi inaantok ako bigla eh"

"Sige lang Samantha"

Pumasok nadin ako sa Cr , Tsaka nagmadali maligo kahiya naman sa kanila pinag aantay ko pa,Ewan ko dyan bat pa ako pinuntahan ,Nambubulabog lang eh charot HAHAHA


Sinuot ko nadin yung uniform ko ,Well ang ganda ang ikli nga lang ng palda nagsuklay nako pag tapos ko lumabas na ko naabutan ko silang may pinapanood sa cellphone .Hindi ata nila ako napansin kaya dahan dahan akong pumunta sa likuran nila

:-O


Ganyan ang itsura ko ng makita ko yung pinapanood nila ,Paano ba naman kasi porn yung pinanonood nila mga walang hiya sa dorm ko pa talaga

"Hep Hep sa kwarto ko pa talaga kayo nanunuod ah ,Boys will be boys talaga tss" pinasok naman nila agad sa bulsa yung phone nila


"Oww Sam tapos na ka pala hehe di namin napansin " sabay kamot nang ulo nya si tyler

"Ayos lang ganun ata talaga dito,Masasanay din ako"

" Tara na gutom na ko eh, diretso nadin tayo sa room pag tapos kumain" Sabi samin ni sojun at nauna na itong lumabas

Kinuha ko naman yung gamit na kakailanganin ko para mamaya tsaka sumunod sa kanila kasi asa labas na sila kasi iniwan din ako agad ni Tyler

Habang nag lalakad nag uusap lang kami nang kung ano ano pinagtitinginan din ako ng iba ,Sino ba namang hindi mga kasama ko puro gwapo kung normal lang akong babae baka tinitilian ko nadin tong dalawa,Pero sorry sila di nila ako katulad at wala akong pake kung halos patayin nako ng iba sa tingin











Nang makarating na kami sa cafeteria andaming tao halos wala ng maupuan maliban dun sa pinaka dulong part kaya dun nalang kami pumwesto

"Sam kami na mag oorder,Ano ba gusto mo? It's my treat" Pagtatanong sakin ni Tyler, Obvious naman kung sino nagtatanong di kasi nagsasalita yung isang kupal dyan

"Kayo na bahala gutom nadin ako eh kagabi pa ko walang kain"

Umalis naman sila kaya ako nalang naiwan dito sa mag isa sa table namin
Habang nag titingin ako napansin kong may papalapit saking tatlong babae mukhang mataray pero mukhang clown ,Nasobrahan sa make up ang panget nila chos

Mukhang gulo ata ang gusto ,Eto naba ang sinasabi nila sa Wattpad na ang Queen Bubuyog?


"Well Well Well ikaw pala yung bagong pasok na usap usapan ,Akala ko naman sinong maganda eh mas maganda pa ko sayo wala ka pa sa paa ko tsk" Sabi
Nung asa gitna yung leader ata nila


Wth ! Mas maganda pa ata yung paa nyang may kulugo kaysa sa mukha nya eh

~_~

Di ko lang siya pinansin ,Walang mga sense pinagsasabi eh mukhang pang kinder yung utak neto

Ansan na ba kasi yung dalawa,Apaka tagal mukhang ke bago bago ko palang madadali ako agad

"Wow , A Fucking bitch di man lang tayo pinansin ,kinaganda mo bayan?" Yung panget na mukha namang tuko yung nagsalita

Napatingin ako sa nagsalita nun

"Nope,No need to be pretty ,Since birth kasi maganda nako ,Eh ikaw ata since birth mukha ng tuko pero ayos lang yan madadaan payan sa surgery"Well kung bitch sila mas bitch naman ako sa kanila

"Wtf Did you say?" Well yan na nagagalit na sya


"Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang kaya pati yung sinabi ko di mo maintindihan?"


Narinig ko naman na pa "OWW" Yung iba pano ba namn kasi asamin na lahat ng atensyon bida bida kasi tong tatlo

"Excuse me ,Mas Mukha pa ngang Reyna yung friend ko kaysa sayo" Sumabat na yung isa pang mukhang unggoy


"Who cares?Eto piso bili ka kausap" sabay abot ko sa kanya nang piso

"Ang kapal naman ng mukha mo"

"Kasi walang manipis,Pag sinampal ba kita ngayon sa tingin mo matatangal agad yang balat mo sa pagmumukha mo?"


Sasampalin nya na sana ako ng masalo ko yung kamay nya


"How dare you!" Tinignan ko din sya ng masama,Sa lahat ng pupuntiryahin wag yung mukha ko!

Ayun sa sobrang inis ko sinampal ko
Sya ng pag kalakas lakas ,Napahak hawak naman sya sa mukha nya

"Why don't you just be a tree and leave bitch"sabat ko sa kanya

"How dare you ,Sino ka Para gawin mo yan sa kaibigan ko " Sabi ng mukhang clown sa kanila

"Di mo na dapat pa malaman ,Sino karin ba para sabihin ko sayo ?" Sabay taray ko sa kanya,tss aga aga nakakabadtrip

"Well Ako lang naman si ash ang queen bee ng school na toh ,Wala kang karapatan para ganyanin ako"

"I see mukha ka kasing bubuyog ,Bagay sayo yung salitang QUEEN BEE ,Reyna ng mga bubuyog"


Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala yung mukhang tuko nilang kaibigan,Bigla nalang ako nakaramdam ng hapdi sa ulo ko kaya napatingin ako sa likod ko


Bwiset sinasabunutan na pala ako nang animal na toh

"Ouch,Bitawan mo nga ako!"

"Ayoko nga bagay lang yan sayo!"Sabay sabay naman silang sumugod sakin takteng yan tatlo laban sa isa ,Mga pathetic

"Aray ano ba kasi kailangan nyo sakin"Habang inaalis yung kamay nila sa ulo ko

"Ang gusto namin layuan mo si sojun at tyler di kayo bagay ang panget mo ang landi landi mo eh diba nga kaka transfer mo lang kahapon,Sobrang kapal ng mukha mo para gayumahin sila"

Ako pa ngayon naging mangkukulam hiyang Hiya ako sa peslak nila a

"Wag ako yung sabihan nyo ,Sadyang maganda ako kaya kusa nila akong nilalapitan di tulad nyo mga bwiset kayo"

Pag nakawala talaga ako dito yari sila sakin

Si Tyler pa talaga ang iiwasan ko ah haha.Asa sila





Edited:

VOTE!

COMMENT!

FOLLOW!

(VAS- VIRGINIA ACADEMY SCHOOL)









VIRGINIA ACADEMY SCHOOLWhere stories live. Discover now