KATE
"Nay sama ako sayo saan ka pupunta? " sabi ko. Nakita ko kasing may mga Maleta si nanay na bitbit. "hindi pwede anak magtatrabaho lang si nanay bawal kasi duon ang mga bata" sabi ni nanay.
Pupunta pala sya sa abroad. Inahabilin lang ako sa auntie Lorna ko. Wala ang mga kapatid ko nasa paaralan. Anim na taong gulang palang ako nuon umalis si nanay sa amin. Nag abroad sya na hindi din nag paalam kay tatay at sa mga kapatid ko..
Pag dating nila galing sa paaralan ibinigay ko ang sulat na inipit ni nanay sa libro ibogay ko daw kat ate Marenil grade six pa lang nuon si ate marenil ang panganay naming kapatid na si ate Laila ay nag asawa sa edad na 14 anyos. Si kuya Rodin nman ang pangalawa na nag aaral din pangatlo si ate Marenil pang apat si ate Lore na hindi ko kasundo at ako ang bunso.Habang binabasa ni ate marenil yung sulat ni nanay umiiyak sya. Nagtataka ako bakit sya umiiyak. Wala pa akong muwang nuon hindi pa ako nag aaral sa panahon na yun. Maya maya si ate lore nman ang ang dumating..
"oh bakit ka umiiyak" sabi ni ate lore kay ate marenil. Ibinigay nya yung sulat kay ate lore at binasa nya din yun at maya maya umiiyak na din sya...
"bakit ano ba yan te? Bakit kayo umiiyak? Sabi ko.
"wala na si nanay!umalis na! Iniwan na tayo! " sabi ni ate lore sa akin. Maya maya naiyak na din ako.
"nanay! "umiyak na ako ng malakas.. "ngayun ka lang umiyak dapat pinigilan mo si nanay habang umaalis!" galit na sigaw ni ate lore sa akin. "wala bang iniwan si nanay na pera sayo Kate?" tanong ni ate Marenil sa akin. " limang piso lang" "asan na? Wala tayong pambiling pang gaas.. Umiiyak nyang sabi."oh umalis na ang nanay nyo" dumating si auntie lorna "walang ibinigay na pera ang nanay nyo sa akin nag usap na ba sila ni tatay mo marenil?" malapit lng kasi ang bahay ni auntie lorna sa amin.. Nakatira kami sa Masambong Manila.
Umiyak na lang kaming tatlo at walang nagawa..Kinagabihan dumating si tatay na lasing na lasing.. "tang ina yang nanay nyo! Wag na syang bumalik dito! Layas sya bahala sya sa buhay nya! " sigaw ni tatay. Umiyak na nman ako.
Kinaumagahan patuloy lang buhay nmin pilit na kinakalimutan si nanay wala kaming contack sa kanya. Ilang taon na din ang nakalipas wala kaming balita sa kanya.
Grade six na ako ngayun. Si tatay meron ng sariling pamilya. Iniwan na din kami. Si ate marenil nagtrabaho bilang katulong. Nabuntis sya ng guard sa subdivision kaso hindi pinapanagutan. Si kuya nag asawa na din kaso mahirap din ang buhay nila nagtitinda sya ng balot at mani sa gabi.
Si ate lore nman may trabaho para lang sa kanya. Ako binibigyan na lang ako ni kuya kung meron. Nagtrabaho din ako bilang bilang tendera sa tindahan at tagahugas ng pingan sa canteen tuwing hapon at hangang gabi."oh gabi na hindi ka pa ba uuwi!?" sabi ni kuya. Pinuntaha ako sa canteen.
"malapit na kunting oras na lang kuya" sabi ko. "tara na sumabay ka na sa akin". "sige paantay na lang kuya saglit".
"ate telma yung sahod ko po? Tapos na po ako sa trabaho ko" sabi ko sa may ari ng canteen.
"malinis na ba sa kusina nahugasan mo na ba lahat ha! " sbi ni ate telma na may pagkamasungit. "opo tapos ko na po lahat" sabi ko. Tiningnan ko si kuya na nag aantay sa akin. "oh agahan mo bukas ha!"
"opo" mababang sabi ko. Lumapit na ako kay kuya. "mabuti at nakapagtagal ka dyan sa masungit na matabang yun." sabi ni kuya. Tiningnan ko sya at natawa sa sinabi nya.
"mabait nman yun kuya".
"kumusta ang pag aaral mo? "
"ok naman hindi ko naman pinapabayaan ang pag aaral ko".Wala na akong maasahan na iba kundi sarili ko na lang. Pinaalis na ako ng may ari ng Canteen dahil mabagal daw ako at tamad. Wala na akong nagawa kaya maghahanap na lang ako ng iba...
"umalis na kayo dito kung hindi nyo na kayang bayaran ang paupahan ko"sabi ng may ari ng bahay nmin.
"ano ba yan kung kailan wala na akong trabaho saka nman kami pina alis sa bahay." sabi ko sa sarili ko. Sa edad kong dose nagtatrabaho na ako. Nahihiya akong umasa sa mga kapatid ko.
"dito muna si Kate pinaalis na kasi sya sa bahay" sabi ni kuya sa asawa nya.
"ano ba yan! alam mo nman kunti lang ang kita mo sa pagbabalut dito mo pan isisiksik! Saka saan mo nman yan dito patutulogin ha! Ang liit-liit na nga ng bahay natin para na tayong sardinas dito nag dagdag ka pa" sabi ng asawa ni kuya.
"eh saan ko naman sya ilalagag kuya nya ako! "
"bakit ikaw lang ba ang kapatid nya ha".Umalis na lang akong walang paalam habang nagtatalo sila kuya at ang asawa nya.
BINABASA MO ANG
In Love In Mafia Lord
RomanceNagtrabaho si Kate sa isang casa bilang tagapag linis at tagahugas para makapag aral para mabuhay ang sarili sa edad nyang 14 anyos. Tinulungan sya ni Reid ang may ari ng Casa upang pag aralin sya at ibigay ang lahat ng gusto ni Kate....Ngunit may k...