Stay Awake

327 32 13
                                    

___

Author's POV

"Halika na Love" excited na tawag ni Ken sa kanyang girlfriend na hirap ng umakyat sa tuktok nitong bundok

"Teka... hindi ko na kaya" hingal nitong sagot habang hawak-hawak ang dibdib kung saan naka locate ang puso

"Kunti na lang, okay?"

"O-okay"

Magkahawak kamay silang umakyat sa bundok.. pilit kinakaya ni Rita na maka hinga ng normal pero may point ding hirap talaga siyang maka hinga pero dahil kasama niya ang kanyang boyfriend ay alam niyang kakayanin niya ito

"We're here" huminto sila dahilan para malayang maka hinga ng malalim si Rita at saka ito tumingin sa magandang tanawin

"Ang ganda Love" maluha-luhang sambit nito at umangkla sa braso ni Ken

"Dito kita papakasalan Ta" natahimik si Rita kaya napangiti si Ken at hinawakan ang pisngi nito saka hinarap sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Dito kita papakasalan Ta" natahimik si Rita kaya napangiti si Ken at hinawakan ang pisngi nito saka hinarap sa kanya

"Pangako. Dito kita papakasalan" agad nag silabasan ang mga luha ni Rita

"Mahina 'to" Banggit niya at hinawakan ang puso niya, napatingin si Ken doon at tumingin ulit kay Rita

"Walang hihina hangga't nandidito pa ako" pagpapalakas niya ng loob sa kanyang girlfriend pero kahit mismo sa sarili niya nasasaktan din siyang makitang nahihirapan si Rita

"Mangako ka sa akin na babalik at babalik tayo dito" dagdag ni Ken pero yumuko lang si Rita

"Ken... a-ayokong mangako"

"I am here to give you a reason to live" Napatango si Rita at yumakap kay Ken

"I love you" sambit ni Rita at sinandal ang ulo sa dibdib ni Ken

"Mas mahal kita" Sincere na sabi ni Ken at hinalikan sa noo si Rita "Okay ka lang ba?" alalang tanong nito sa kasintahan

"As long as I have you in my life, I'll be okay"

humiwalay silang dalawa sa isa't-isa pero magkahawak parin ang mga kamay

"Papakasalan mo talaga ako dito?" tanong ni Rita at tumingin sa tanawin

"Oo naman, ikaw ba papakasalan mo ako?" sagot ni Ken at nag tanong pabalik

"Pipilitin kong mabuhay para sa'yo Ken" anito at tumingin sa mga mata ni Ken "Hangga't kaya pa nito..." dagdag pa niya at tinuro ang dibdib

"why don't we just get married soon?" saglit nagkatitigan ang dalawa sa planong pinahayag ni Ken

____

The One That Got Away Where stories live. Discover now