Author's POV
Nanginginig at nanlalamig siyang lumapit sa kanyang asawang seryoso sa laptop niya, pansin ni Ken ang papalapit niyang asawa kaya itinigil niya ang kanyang ginagawa at pinatay ang laptop
Alam ni Ken kung ano ang nais na gawin ni Rita dahil naka bath robe lamang ito
Nang makalapit si Rita kay Ken ay kaagad niya itong tinabihan, napalunok lamang si Rita nang mapansin niyang walang emosyon ang kanyang asawa
Sinimulan ni Rita ang plano niya para sa kanyang asawa, marahan niyang hinimas ang balikat at leeg nito at ramdam niya ang panlalamig ni Ken, mas lalong idinikit ni Rita ang kanyang sarili sa katawan ni Ken patuloy parin si Rita sa pang-aakit sa kanyang asawa, aktong hahalikan na niya ito nang itulak siya ni Ken dahilan para mahulog siya mula sa kama
"Stop this Rita" Naiinis na sambit ni Ken at hindi man lang nag abalang tulongan si Rita na makatayo
"Stop what?" Rita answered with seductive tone nang makatayo ito"Ken, I'm your wife" Biglang humarap si Ken sa kanya na may galit na mukha
"Sa papel? Oo. Pero sa puso ko? hindi!" Nakatanggap ng isang malutong na sampal si Ken mula kay Rita at kita sa mga mata ni Rita ang mga nag babadyang luha
"Bakit ka ba nagkakaganyan?! Ken asawa mo ako!"
"Lumabas ka na ng kwarto ko" Imbis na lumabas si Rita ay umupo lamang ito sa kama na umiiyak
"Masaya naman tayo noon diba?" umiiyak niyang tanong kay Ken
"Sana nga masaya tayo, pero ikaw mismo ang gumawa ng bagay na alam mong makakasira sa atin!!"
"Babalik na naman ba tayo don?! Ken sinabi ko na sayo na hindi ko yun magagawa!" halos masira na ang boses ni Rita sa kakasigaw
"And you expect me to believe that?"
"Hindi! kasi sa simula pa lang hindi mo na ako pinaniwalaan!" Sambit ni Rita "Bakit ganon? ikaw naman yung dumating sa buhay ko, pero bakit ako ngayon ang naghahabol sayo?" Kita ni Ken ang hirap at sakit sa mga mata ng kanyang asawa pero hindi niya parin maalis sa kanyang isip ang ginawa ni Rita sa kanya
"Lumabas ka na" tipid na sagot ni Ken
"Pagod na pagod na ako Ken"
"Ako din Ta! pagod na pagod na ako!"
nagulat si Ken nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Rita
"Ken? please bumalik na tayo sa dati, mag simula ulit tayo, Ken please" Rita pleads..
"Hindi na Ta. Hindi na tayo babalik sa ganon" tinalikoran niya si Rita at doon niya binuhos sandali ang kanyang mga luha
"Mahal mo pa ba ako?" Tanong ni Rita na siyang dahilan para mas lalong umiyak si Ken yung iyak na walang tunog kahit hingos wala
"Ken mahal mo pa ba ako?" hindi sumagot si Ken kaya mas lalong lumakas ang hikbi ni Rita
"May iba ka na ba K-ken?" nanatiling tahimik si Ken
"Ken sumagot ka!"
"Lumabas ka na Ta" tanging sagot niya at humarap ito kay Rita
"May mahal ka na bang iba?"
"Umalis ka n--"
"Sumagot ka Ken!!!"
"Oo!!" nagulat si Rita sa naging sagot ng kanyang asawa "I'm inlove with somebody else" dagdag pa nito kaya mas lalong na durog ang puso ni Rita
YOU ARE READING
The One That Got Away
Historia Cortanot every word "sleep well" is audible, sometimes it's also a way of saying he's letting someone go. | One Shot |