Chapter 1: When My Life Seems To End

45 3 0
                                    

Chapter 1: When My Life Seems To End

***

Author’s Note

Readers, I’m asking for an apology due to very late update. I’m just using my free time to write this story, and writing is my hobby not an obligation. So please keep patient.

Reminder:

This story is a pure fiction but somehow real. Some experiences are drawn from realistic events but no from someone’s life. Thus, any resemblance of this story to one’s experiences is pure coincidence.

~~~from the author who makes you fall in love

ExperienceToBeInLove

***

Thads’ POV

“Thaddeus! Anak bilisan mo nang gumalaw. Bumaba ka na diyan. Baka malate tayo sa party! Its already 5 pm, we should be there at 6:30!”sigaw sa akin ni Mama mula sa baba

“Sige Ma! Patapos na. Baba na rin ako maya”

Ako nga pala si Anthony Thaddeus Aguinaldo. My friends call me Thads. Isa akong napakabait at gwapong nilalang. Anak ng mag-asawang business tycoons. Pagmamay-ari namin ang Hillstone Malls and Supermarket.

Birthday nga pala bukas ng aking pinakamamahal na girlfriend na si Nicole Clein Perez. Isang napakagandang babae. Anak siya ng isang management consultant at doctor. Pagmamay-ari nila ang Hillstone International Academy.

It’s her debut. Well, not just really her party, it’s ours. I have something, a surprise for her. Magpro-propose ako ngayon since 18 na siya, ang she’s on legal age. Ambilis no? haha, pake nyo? Matagal ko na tong pinaplano. Gusto ko kasing manigurado. Naniniwala kasi ako sa kasabihang, “Daig ng Maagap ang Masipag.” Baka kasi maunahan ako eh. Mahal ko pa naman yung babaeng yun.

Napag-usapan na namin to ng parents ko. Di ko rin naman kasi magagawa to without their permission. And because business partners ang parents namin, pinayagan ako. Nung nalaman nga nila to, mas naexcite pa sila sa akin. Kinausap ko na rin sila Tita Ria and Tito Steve, na parents ni Nicole. And they were so happy with my plans. Si Nicole na nga lang ata ang di nakakaalam nito. Aba syempre, tinawag nga na surprise diba? Alangan namang sabihin ko.

Tama na nga ang kakadadak, baka malate pa kami eh.

“ Ma,Pa! Let’s go”

“wait lang anak. Come here. Ang tanda mo na at mag-eengage ka na nga hindi mo pa alam ayusin ng mabuti yang neck tie mo. Halika nga’t ayusin ko”

“Thanks Ma. I love you”

“Hon,Thaddeus, halina kayo. The car is ready!”

After many minutes, nakarating na kami. Salamat naman at hindi kami na late. Our families still need to talk.

“Goodevening Tita Esther and Tito Carl” bati ni Nicole kila mama

“Oh Hi Nicole. You look dazzling tonight” ang ganda nga talaga ni Nicole ngayon. Hindi ko alam na ang napakaganda niyang mukha ay may ikagaganda pa pala. Kung sa Physics, may Limit of Elasticity, siya, wala bang Limit of Beauty? Pero wala naman mali dun, yun ang dahilan kung bakit kami bagay eh. Kasi, pareho kaming good-looking. Reklamo?

“yeah, your Tita is right.”

“Haha. Thanks for the compliment Tita and Tito. Kailangan ko po talagang magmukang maganda ngayon, para naman po bumagay ako sa gwapo niyong anak” Uy, tama ako. Bagay kami. Sabi ko sa inyo eh, gwapo at maganda kami.

“hoy Thads, anak. Yung mukha mo, baka mapunit. Ang lawak ng ngiti mo. Haha” kontrabida talaga tong tatay ko.

“Hon, alam mo. Wag ka nang kontrabida dito sa anak natin at kay Nicole. Ganyan din naman tayo noon eh. Atsaka, gwapo ka pa rin, di kumukupas”singit naman ni Mama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She Forgot To Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon