Pagkalabas ko ng school ay sumakay muli ako ng jeep papunta sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko.Nang makababa ay napahugot ako ng malalim na hininga.
Ngunit nawala Ang ngiting ibabalatay ko sa aking mukha ng may biglang tumakip sa ilong ko ng isang panyong may nakakahilong amoy.Sinubukan Kong magpumiglas ngunit dalwang malalaking lalaki na ang bumuhat sa akin papasok sa isang sasakyan.
When my eyes is definitely closing there's a face appear in front of mineNgali-ngali kong burahin Ang ngising nasa labi nito Kung Hindi lang ako nanghihina.
'Sa oras na magising ako dito bibigwasan ko kayo isa-isa mga hindut kayo'
NAGISING AKO na nakahiga sa isang sofa.Inilibot ko Ang aking paningin sa loob ng isang kwarto.Masasabi kong isa itong magarang kwarto na nakita ko sapagkat halos mas malaki pa ito sa kabuuan ng apartment na inuupahan namin.
At bigla Kong naalala ang nangyare saken kanina.Agad nagtagis ang panga ko.
'Isang kamalian ang Hindi ninyo ako iginapos'
Agad ako humakbang papunta sa gilid ng pinto ng may maramdaman akong yabag papunta dito.
Humanda ako sa pag atake ng may pumihit ng seradura ng pinto.
Tumilapon ang sino mang unang pumasok sa pinto ng sipain ko ang kanyang ulong unang umutlaw sa aking paningin.Nang may sumugod na lalaki sa likod ko ay agad akong umatras at sinangga Ang kanyang bawat atake.At ng magka tiyempo ay agad akong pumihit patalikod at ng humarap sa kanya ay ang kaliwang paa ko ang sumalubong sa mukha niya,agad naman itong tumalsik sa kinaroroonan ng isa pa niyang kasamahan na nasipa ko kanina.
Nagulat Naman ako ng may Lima pang lalaki ang pumasok sa loob ng kwarto.
'Okey,two down and five more'
Sabay sabay silang sumugod at walang kahirap-hirap kong sinangga ang kanilang pagsuntok at pagsipa.Wala akong ginawa kundi umiwas at ng mapagod ang mga ito ay dagli akong tumalon sa ere at sinipa ang taong nasa unahan ko,kasunod ang malakas na hiyaw nito dulot ng sakit ng tumama ang panga niya sa kantohan ng kama.Napailing ako.Nang balingan ko ng matatalim na tingin ang apat pa na natitira ay halos takbuhin na ng mga ito ang pinto ngunit hindi ko sila hinayaan.Tinalon ko ang distansya ng pinto at walang habas na sinipa upang magasara.
'Hindi ako sinanay ng aking ama para lang matakasan ng kahit sinong taong sumubok na manakit sa akin'
May pag-aalinlangan man sa kanilang mukha ay sumugod ang mga ito sa akin.Ang una ay sinuntok ko sa mukha at bago bumagsak sa sahig ay sinipa ko ito na naging dahilan ng pagtalsik nito sa kabilang dingding.Ang pangalawa ay sinikmuraan ko at agad naman itong napayuko at hindi pa ako nakuntento at tinuhod ko paitaas ang kaniyang mukha na naging dahilan ng pagdugo ng kaniyang ilong.
Susugurin ko na Sana ang pangatlo at pang apat ngunit kumalabog Ang pinto at iniluwa doon ang lalaking nakangisi sa akin kanina sa sasakyan.
Napaawang ang panga niya ng makita ang lagay ng kaniyang mga tauhan.
"What have you done?"tanong nitong hindi maisara ang bibig sa pagkagulat.
Magsasalita na Sana ako ng pumasok ang isang lalaking napamilyaran ko.Ito iyong lalaking pumunta sa Bar na pinagtatrabahuhan ko at nagsabing gusto akong maging bodyguard,si Mister Rage Angelo Jimenez.
Hindi kakakitaan ng pagkagulat Ang mukha nito bagkus ay walang mababasang reaksyon ang kanyang mukha tulad ng una naming pagkikita.
"I was expecting this will happen but not this intense"aniya na ang paningin ay nasa mga tauhan nilang hindi makatayo ng maayos dahil sa natamong bugbog.