KABANATA 3

2 0 0
                                    

Meron talagang tao na susubukan talaga ang pasensya naten araw-araw. Isa sa magandang dahilan don ay si Bonifacio or Bon for short. Pero para makaganti sa kalokohan nya tinatawag ko sya sa buo nyang pangalan. Ayaw na ayaw nya yun eh.

"Ano ba Bonifacio?! Itutusok ko na tong ballpen ko sayo, kanina ka pa!"

"Ate Alex pumayag ka na kasing ligawan ko si Lexie loyal naman ako eh!" at nag puppy eyes pa ang gago, di naman bagay sa kanya, mukha syang galising aso sa totoo lang.

"Alisin mo nga yang kamay mo Bonifacio baka mamaya Ako na pala type mong gago ka tsumatsansing ka lang saken" napangisi ako ng biglang napabitaw naman ito.

As if naman diba, naiisip ko pa lang nasusuka na ako, grabe.

Nakarinig kami ng tikhim sa kabilang mesa. Ngayon Ang una kong araw sa trabaho ko bilang isang bodyguard at secretary ng isang tuod na nilalang.

"Flirting is not allowed in my office"

Bakit naman kasi nasa loob pa ako ng  opisina nya nakapwesto pwede naman sa labas, ang dami pang arte nitong tuod na to.

At hanudaw?! Flirting?! Boyset na yan, kinikilabutan ako sa mga sinasabi nya.

"Bakit kuya selos ka ba? Don't worry sayo lang si Ate Alex, diba ate?" at kumindat kindat pa ito saken.

"Tss magsama kayong magkapatid pareho kayong abnormal" umirap ako sa kanilang dalawa at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko.

Sino naman kasing matinong tao na magha hire ng bodyguard na babae diba? Given na marunong akong makipagbugbugan or what, pero babae pa rin Kaya ako. Abnormal talaga sila.

Buti naman at hindi na ako ginulo pa ni Bonifacio at umalis na ito sa opisina dahil may klase pa daw sya kaya naman natahimik na ang aking buhay. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa but someone interupt us when we heard a knock on the door.

Tiningnan ako ni Rage na nakakunot ang noo.Wala nga naman kasi syang taong may appointment sa kanya ngayon.

"Malay ko ba kung sino yan Boss, baka babae mo" I smirked, lalong kumunot ang noo nya.

"Tss I don't have girls Ms. Feriol. Don't let that person come in, I'm busy"

Yun lang at ibinalik nanaman nya ang tingin nya sa mga papel na pinipirmahan nya. I made face infront of him pero bigla itong tumingin saken kaya patay malisya akong naglakad papunta sa pintuan.

"Who are you?" taas kilay na tanong saken ng babaeng nasa labas ng pinto.

To be specific mukha syang Barbie doll. Pero yung tipo ng barbie na pang horror ganon.

"Do you have any appointment with Mr. Jimenez Mam?" tanong ko din sa kanya.

Lalong tumaas ang kanyang kilay, umabot na ata sa rooftop ang taas.

"Excuse me?! I don't need that, I can visit my boyfriend anytime I want?!" at nagderetso na sya papunta sa loob ng opisina.

EDI WOW sa kanya, pake ko ba sa kanila.

Dumeretso ako sa mesa ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hon, you didn't inform me that you hired a secretary" grabe ang harot nya.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Mr. Tuod. Akala ko ay ngingiti man lang ito katulad ng mga in love na lalaki na baliw na baliw sa babae pero tuod nga pala sya, kaya imbis na sumagot ay tango lang ang isinagot nya.

Muntik na akong mapatawa sa itsura ni Ms. Barbie doll. Tiyak na napahiya sya.

"Hon, kelan tayo magde date ulit?" dinig ko nanamang tanong nito. To the next level na ang kaharutan nya mga marecakes.

"I'm busy Cathlyn" pshh boyfriend pala ah. Isang malaking pakyu sa kanya.

Natahimik naman si Ms. Barbie doll pero halos malaglag ako sa swivel chair ko ng bigla itong pumunta sa harap ni Rage at walang permisong kumandong kay Rage.

Hindi ko alam kung bakit biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko at parang biglang gusto kong mangaladkad ng isang Barbie doll na pang horror ang mukha papalabas ng opisina.

Kumalma ka Alexandra, hindi pa naman sila nag tsutsuk-tsakan sa harapan mo eh.

"What the heck Cathlyn?!—" hindi ko na nadinig pang magsalita si Rage kaya tiningnan ko ang pwesto nya.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasa harapan na nila ako, bigla ko na lang hinila si Ms. Barbie doll at kinaladkad papunta sa labas ng opisina.

"What the—" pinutol ko na ang ano mang kaartehang sasabihin nya.

"Flirting is not allowed in this office"

Padabog kong isinarado ang pintuan at bumalik sa mesa ko. Minsan ko pang tiningnan si Rage pero napaiwas agad ako ng makitang nakatingin ito saken.

"If you'll fired me because of what I did, feel free I don't mind" aniko ng hindi tumitingin sa kanya.

"No— I mean thanks for that, there's nothing going on between us"

"Share mo lang tuod" bulong ko.

"Punasan mo Boss yung labi mo may bacteria I mean lipstick and may meeting ka na after one hour"

He just nod at umarte na parang walang nangyare.

___________________________________

Vote and comment lang mga marecakes lab yow all!!🖤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Angel BitchWhere stories live. Discover now