Chapter 13(i give up)

61 4 0
                                    

Franis's POV

mabilis lumipas ang 2 linggo at marami na rin kaming nagawa na pagpapahirap kay Stacie tulad ng:

1.tinago ang bag niya at nilagay sa taas ng flag pole,sa pagkakataong yun gusto ko talaga siyang tulungan kaso baka mahalata nila ang feelings ko kay Stacie
2.binasa ang bag niya ng toyo at juice,nung ginawa namin yan sobrang naaawa ako sa kanya kasi original pa yung bag niya na yun
3.ito ang pinakamatindi,nilagyan namin yung locker niya ng manika na may dugo at pugot ang ulo atsaka pagkabukas niya ng locker niya ay pinagpatay bukas namin ang ilaw dahilan para matakot siya,kaso biglang dumating yung Dave na yun at binuhat siya dahil nahimatay siya sa takot,haayy dapat ako yun ehh kaso parang may bato na nakaipit sa mga paa ko at hindi ako makakilos papunta sa kanya

Haayyy gusto ko ng itigil to
Sobra na akong naaawa sa kanya

Nakapagdesisyon na ako at ititigil ko na talaga tohh
Pinatawag ko lahat ng miyembro ng Black Magic at pinapunta sa tambayan

"Pre,bakit mo kami pinatawag?"paninimula ni Johnny
"May gusto lang sana akong sabihin ehh"sabi ko
"Para ka namang babae diyan na naiihi na habang sinasabi mo sa amin yan,hahha ano ba yun?"tanong ni Anthony
"Uhmmm gusto ko ng itigil yung pagpapahirap kay Stacie"dire diretso kong sagot
"ANO?????"gulat na gulat na tanong nila
"Pare naman ngayon lang kita nakitang sumuko ahh"sabi pa ni Timmy
"Ehh parang wala naman siyang balak sumuko ehh,ang ayoko lang ay nagpapakahirap tayong pahirapan siya pero wala naman palang paghihintulutan yung mga pinaggagawa natin"pagpapaliwanag ko
"Ok sige dahil kumpare ka namin ititigil na natin tohh"sagot nilang lahat

Hayyy salamat napapayag ko sila
Umalis na ako ng tambayan at pumasok na ng gym
..............................................
Anthony's POV

"Ano pare ititigil na ba natin talaga tohh?"tanong ni Johnny
"Hindi nohh,sa ayaw at sa gusto ni Francis itutuloy at itutuloy natin tohh"sabi ko
"So what's the plan?"tanong ni Gab
"Just leave it to me"sabi ko at umalis na

Humanda ka sa akin Stacie

.................................................
Stacie's POV

Naglalakad ako sa hallway ng may nagbato ng balat ng saging dahilan para madulas ako sa putik

Tatayo na sana ako kaso may nagbuhos sa akin ng isang baldeng tubig

Sunod naman na binuhos sa akin ay juice

Naghalo halo na ang amoy sa uniform ko,naiiyak na ako

Bakit ba nila ako pinapahirapan na ganito

Hindi na ako makatayo

Tatayo na ulit sana ako kaso pinagbabato naman nila ako kamatis,may binabato din silang ice cream sa akin

"Plss...tumigil na kayo"pagmamakaawa ko habang umiiyak
"Oh look whos here"sabi ni Andi
"Haha well ito para sa iyo"sabi nila at binuhusan nila ako ng ice cream
"Maawa kayo please"pagmamakaawa ko pa

Masakit na ang buong katawan ko,pinagtatawanan pa ako ng mga tao
Hindi pa sila nakuntento at pinagtapak tapakan pa nila ako
........................................
Francis's POV

hayy nandito ako ngayon sa canteen kasama si Christian wala kasi yung ibang black magic ehh may aasikasuhin daw

Bigla namang may narinig akong usapan ng mga babae sa likod namin

Girl no. 1-"uyy kawawa talaga yung girl nohh"
Girl no. 2-"sinabi mo pa alam mo bang binuhusan siya ng putik,tubig,ice cream at juice"
Girl no. 1-"at pinagtapak tapakan pa siya"
Girl no. 2-"and worse ang gumawa pa sa kanya nito ang ang BLACK MAGIC,sobrang sama naman nila pati babae pinapatulan"
Girl no. 1-"i know right,at hanggang ngayon nandun parin yung girl umiiyak lang"

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay kinalbit ko si Christian at tumakbo kami papunta sa hallway at hindi nga ako nagkamali nakita ko si Stacie na nakadapa sa putikan at madungis na madungis ang buong katawan

"Bro kala ko ba pinatigil mo na tohh"sabi ni Christian
"Oo pinatigil ko na tohh kila Anthony pero ginawa pa rin nila"sagot ko
"Tulungan na natin bro"pagaya niya at tumango na lang ako

Pinuntahan namin si Stacie sa may putikan at hahawakan ko na sana siya kaso

"Wag mo nga akong hawakan"sabi niya tapos tayo ng magisa medyo naout of balance pa siya kaya hinawakan ko siya sa braso pero sinampal niya namn ako

"Hindi ka pa ba nakuntento?!?!?huh?hindi pa ba sapat lahat ng ginawa niyong pagpapahirap sa akin?ANONG KLASENG TAO KAYO HUH.?DAHIL LANG BA NAKABANGGAN KITA NG ISANG ARAW TATANAWIN MO NA YUN HABANG BUHAY.?????GRABE NAMAN KAYO,MAY SINASANTO PA BA KAYO???,BAKIT SA TUWING MAY BABANGGA SA INYO,PINAPAHIRAPAN NIYO??,bakit ha?bakit?DAHIL BA HINDI NIYO MATANGGAP NA MAY MGA TAO NA MAS MATATAPANG SA INTO.???"galit na galit na sigaw niya sa akin habang umiiyak

"Sorry Stacie"pagpapahingi ko ng sorry

"Wow!!SORRY??USO PALA ANG SALITANG YAN SA IYO,AS I KNOW HINDING HINDI NABIBIGKAS NG DILA MO YAN DAHIL SA UGALI MO,WELL TOO LATE MR. RODRIGUEZ SUKO NA AKO,TUTAL YAN NAMAN YUNG GUSTO NIYA DBA YUNGBSUMUKO NA AKO WELL FINE NGAYON SUMUSUKO NA AKO,KAYA KUNG ANONG GUSTO NIYONG GAWIN SA AKIN,BUGBUGIN NIYO AKO,SIPAIN NIYO AKO AT KUNG ANO ANO PA,GAWIN NIYO NA"sigaw pa ni Stacie,lahat ng mga luha niya kanina napalitan ng galit ngayon

"Wala kayong awa!!!!"sigaw pa niya

"Sinusumpa ko kayo mga black magic at mean girls,dahil kung ngayon nagagawa niyo pa kung anong gusto niyo sa akin,sisiguraduhin ko na sa susunod tayong magkikita ayy ni isang dampi ng kamay niyo hinding hundi niyo na mapapahid sa akin,HUMANDA KAYO"singit pa niya at umalis na

Yung mga sinabi ni Stacie nakakaiyak

Bawat salita niya ay dumudurog sa aking puso

Iniwan niya ako dun na umiiyak at si Christian naman inaapis ako sa likod para tumahan na na ako

Nakita ko naman na tinitignan nila ako

"OH ANO?ANO PANG TINITINGIN TINGIN NIYO DIYAN,WALA NA YUNG PINAPAHIRAPAN NIYO OHH,WALA NA KAYA PWEDE PATI KAYO LUMAYAS NA"sigaw ko at umalis na sila

Natanaw naman ng mga mata ko ang Black Magic

"AT KAYO,ANONG SINABI KO,DBA SABI KO ITIGIL NA NATIN TOHH,PERO ANONG GINAWA NIYO??"sigaw ko

"Im sorry "sagot ni Timmy

"Tss... You just made it worst"walang modo kong sagot at umalis na

Naguiguilty ako

It all started with a DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon