FOUR- Mango Cake

24 0 0
                                    

"Going back to the corner where I first saw you...."

Nasa playground ako ngayon, ayoko munang mag-isip ng kahit ano. Sinuot ko ang earphones ko at ni-play ang isa sa mga paborito kong kanta ng The Script.

"Cause if one day you'll wake up and find that you're missing me...."

Nagmuni-muni ako at hindi ko maiwasang hindi alalahanin ang lahat-lahat. Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko pa din talaga mapatigil ang sarili ko sa kaka-iyak. Pupunasan ko sana ang luha ko nang biglang may tumakip sa mata ko. Hinawakan at kinapa ko ang mga kamay na yon. Kilala ko na agad kung sino. Si Chaz.

"Jix? Kanina ka pa nandito?" Umupo siya sa tabi ko. Sa may seasaw sa gilid ng playground, may dala siyang slice of mango cake at inabot sakin. Naka-white shirt lang siya at naka-tokong shorts. Cutie si Chaz I should say. Isa siya sa mga madalas tilian sa banda namin. Matangkad at medyo chinito. He's humorous kaya maraming nagkaka-crush sa kanya. Kaso.... Tanga din sa love! Kaya siguro mag-bestfriend kami.

"Thank you. Hindi naman. Tama lang pagdating mo. Alam ko naman na 30 minutes ka mag-ayos ng buhok mo! Kaya matagal ka lagi sa mga usapan natin. Hahaha" inasar ko siya para mabaling naman ang atensyon ko sa iba. Medyo napapagod na din kasi ako sa pag-iyak.

"Loko! Syempre mamaya may makasalubong ako na chix mahirap na! Dapat palaging gwapo! Hahaha" ngumiti lang ako sa sinagot niya. Siguro naramdaman niya na hindi pa din ako okay.

"Tell me, ano ginawa niya sayo?" Napa-buntong hininga ako kasabay ng pagtulo ng luha sa kaliwa kong mata. Bakit ganito kasakit?

"Umamin na siya. Sabi niya mahal pa din daw niya si Meg. Sa sobrang galit ko nasampal ko siya. Cha bakit? Lagi na lang ba akong maiiwan? Lagi na lang ba akong option? Bakit nila ko niloloko?" Hindi ko na kaya. Lumuhod sa harap ko si Chaz at niyakap ako. "Ayoko na. Ayoko ng masaktan. Sawang-sawa na ako. Napapagod na ko sa ganito. Bakit ang unfair?" Hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko. Umiyak ako sa balikat ni Chaz at yumakap sa kanya.

"Iiyak mo lang. Para saan pa at malalampasan mo din yan. Maybe not now but eventually. Isa ka sa mga special girl sa buhay ko Jix. You don't have to feel that way, you're worthy of any guy's time and love. Wag mong kalimutan yan Jix."

Ilang minuto din ang lumipas napatigil na din ako ni Chaz sa kakaiyak. Binuksan ko ang red box na bitbit niya kanina. Kinain ko yun habang si Chaz nakatingin lang sakin.
"Chacha thank you pala dito ah? You know how to make me smile talaga."

"Maliit na bagay alam mo naman kahit panget ka, di kita matitiis! Hahaha" Ginulo niya ang buhok ko at tumayo, hinila niya ang kamay ko at umakbay sakin. "Tara na nga may practice pa tayo, late na tayo."

----------

7:00 PM

Nakauwi na ako sa bahay right after ng practice namin. Nagpe-prepare kasi kami for auditions para sa BOB ng school. Yung mananalo makakasama sa grand anniversary ng buong alumni community. Nakaka-excite sana makuha kami. Umupo ako sa kama ko nagmuni-muni sandali, narinig ko na nag-beep ang cellphone ko kaya I checked who texted me.

[1 MESSAGE FROM CHAZ]

Nakauwi ka na ba panget? Kumain ka ng dinner ah? :) Mango cake lang kinain mo the whole day eh. Text me agad pag may problema. See you tomorrow! Mwa :* :')

Ang sweet talaga ni Chaz kahit papano, kahit bully siya at araw-araw niya akong inaasar at pinagti-tripan.

One time habang kumakain kami sa cafeteria nilagyan niya ng dagang costa ang bulsa ko. I was about to take my purse that time kasi may binili akong mango shake. Napasigaw ako sa takot! Hahaha, natatawa pa din ako pag naaalala ko. Takot na takot talaga kase ako sa daga at isa lang ang kilala ko na gagawa ng ganitong kalokohan! Hindi nga ako nagkamali, si Chaz!!! Nandon sa likod ko tuwang-tuwa sa kawalangyaan niya! Hayst -____-"

Hindi ko na namalayan ang oras at napapikit na pala ako. Huling naisip ko ang muka ni Ruru, iniisip niya din kaya ako?

ERIC'S POV

Time check 2:00am

Hindi ako makatulog, 1 hour ago nang tumawag sakin si Meg. Tinanong niya kung kamusta ako. Nalaman na ni Jigx na kami na ulit ni Meg. Nasasaktan ako na nasasaktan ko siya, hindi ko magawang makatingin sa mga mata niya kanina. Umiyak siya sa harapan ko, ayokong masaktan siya pero wala akong magawa eh. Siguro maiintindihan niya din ako in time, pero sa ngayon mas mabuti ng magalit siya sakin kesa malaman niya ang totoo. Kailangan kong tiisin na wag siyang makausap at makita. Pero ngayon pa lang, sobra ko na siyang nami-miss.

"Sorry babe....."


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unfinished StoryWhere stories live. Discover now