TWO- Hurt

24 0 0
                                    

Natapos ang game nila Eric, they WONNNN!!!! Yeheyy, manlilibre na naman yung coach nila neto. Hahaha, tamang-tama kasi nagugutom na talaga ako. Ayoko kasi umalis sa kina-uupuan ko kanina eh, feeling ko mami-miss ko yung whole game. Hahaha, adik lang eh.

"Babe, congraaaats!!!" Kiniss ko siya sa cheeks, ngumiti lang siya. Inabot ko yung towel na hawak ko tyaka tubig. Malamang sobrang pagod to.

"Ang galing galing mo talaga babe! Hihi, keep it up! Narinig mo ba mga tili ko kanina? Kala ko mapapaos na ako eh. Uyyy, bakit hindi ka nagsasalita?" Right after kasi ng game, hindi siya dumiretso sa bench at nakipag-celebrate sa team mates niya. Which is new, dumiretso siya sa exit door. Sabi nila may kinausap daw. Di ko naman na naitanong kung tungkol saan, kasi mas na-excite ako sa pag congratulate sa kanya. Sobrang ganda kasi ng laban nila, naghahabulan sila sa scores kaya talagang seryosong seryoso yung team mates niya kanina. Kahit nga yung coach nila na madalas, nakaupo lang napatayo kanina. Pati siya nadala sa laro. Sobrang galing din kasi ng kalaban nila, kaya ganon. Road to championship na sila, kaya serious mode na talaga ang buong team nila.

"Sorry babe. Napagod lang ako, tara hatid na kita." Ha? Hahatid agad? Di man lang kami kakain or magce-celebrate like dati? Ano ba yann. *insert straight face*

"Bakit ihahatid mo na ko agad? Di ba tayo sasama sa kanila?" Ano bang meron, bad mood ba siya? Bat biglaan naman ata.

"Next time na. Pagod na ako."

"Ano bang nangyari? Sino ba yung kausap mo? Bigla kang bad mood dyan." Nakakainis naman siya! Ang saya saya kanina, tapos ganyan. Tsk!

"Wala yon." Yun na yung huling salita na narinig ko sa kanya, ang awkward ng set up namin ngayon. Super busy siya sa cellphone niya, which is never naman niya ginawa ever since kapag magkasama kami. Kasi lagi niyang sinasabi na wala naman na daw dahilan para makipag-text siya sa iba, kasi kasama na niya ko. Ako lang naman daw tine-text niya. Soooo, sino ka-text niya? Team mates lang naman niya nakaka-text niya eh. Pero bakit ang serious ng itsura niya?

"Babe, bakit? Okay ka ba?" Sa sobrang bothered ko sa kanya, di ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Di pa din siya nagsasalita, ano ba to!

"Text na lang by, labyu." Umalis na siya agad, pagkababa namin ng tricycle. Walang kiss, walang sweetness, "labyu?" bakit "labyu" lang. Never naman siya nag-goodbye ng ganon. Tyaka ano yon? "Text na lang by.." Kelan pa niya ako sinabihan ng ganon, naiinis ako.

Umakyat na ko agad sa kwarto, nag-open ng Twitter. Lahat ng tweets nila, tungkol lahat sa game kanina. Even in Facebook, mga posts from Instagram. Bumalik ulit ako sa Twitter at nabasa ko ang tweet ng isang schoolmate ni Eric.

"Are they back together?" May sumagot

"Oo nga eh, nakita ko din sila sa exit door nag-uusap. Sshh ka lang ah? Parang nag-kiss nga sila eh! Kiniss siya ni girlalu, meygeshh!!!"

"Wtf!!! Di na talaga magbabago ang mga playboys, eh I thought sila pa nong girlfriend niya na high school? Kawawa naman! Ang bait pa naman non."

"True! Eh kaso sobrang bait ata naman kasi, but idk. Bakit naman sila magkikita ng patago dba? Haynako. Flirtqueen talaga!" Sa dahilan na hindi ko alam, kinabahan ako. Siguro yon yung sinasabi nilang "girl's instinct". It's breaking my heart, hindi ko alam kung kami ba yon. O si Eric ba, o kung sinong babae. Isang babae lang naman ang pwedeng gumawa non. Yung ex ni Eric, si Meg.

I hurriedly went to Meg's profile to see any sign and there I saw her tweet...

"We kissed"

"I want you back, so baddd"

"Iwan mo na siya pleaaaase."

Hindi ko maiwasang maiyak ng sobra, from that moment na pagkabasa ko tinawagan ko agad si Eric.

[The number you have dialed is can not be reached. Please try again later]

Uggh, Eric sumagot ka! Pleaaase. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong isipin, hindi na ako makapag-isip ng tama. I can't hear anything, sobrang nabibingi ako sa lakas ng heart beat ko. Uggggh! :(

I waited for his call. Normally kasi, tumatawag siya sakin pag nakauwi na siya. Ano bang nangyayari? Hindi ko na muna inisp kung ano mang nangyayari, bumaba ako para kumain. I live alone. My dad died when I was 10 years old, 7 years ago na siyang wala. Ang I still miss him so much. Lalo na sa ganitong panahon, nasa ibang bansa si Mama kumuha na lang siya ng bahay para doon ako mag-stay, unfortunately only child din ako. So this is me, all alone. Sanay na ko, 15 years old kasi ako nong umalis si Mama. Minsan pinupuntahan ako ng pinsan ko dito, pero sobrang madalang lang.

I checked my Twitter again nakita ko na nag-tweet si Meg.

"Wt him atm, missed him so muchh!!! :')"

Napatulala ako, si Eric kaya yon? No, hindi yan mgagawa sa'kin ni Eric. Mahal ako non eh, mahal ako ni Eric. Alam ko nago-overthink lang ako. Calm down Jigx, Eric loves you so much. Okay pa kami kanina, alam ko. I remembered how hurt Eric was nong nalaman niya na niloloko lang siya ni Meg, I was his bestfriend that time. I should know, ako yung naging crying shoulder niya habang nagpapakalasing siya sa ginawa ng unang babaeng minahal niya ng sobra. Meg is a playgirl, and so Eric too. He was a playboy, perfect combination as they say. Sabi nila si Meg na daw ang karma ni Eric, dahil nakahanap siya ng katulad niya. Sabi ng friends ko, rebound lang daw ako ni Eric. After 6 months of break up nila, nag-iba na ang turing sakin ni Eric. And yes, I admit it I'm starting to like him that time. So when he asked me right away to be his girl, I said yes. I just believe that Eric deserves someone better, someone who will love him right. Someone who'll let him think that he must treat every girl right. And maybe that's me, I just hope it's me.

The Unfinished StoryWhere stories live. Discover now