Never underestimate the power of human stupidity. -Robert A. Heinlein
Hello sa inyo. Ako si Dodong. Ako ay labinlimang taon na at ako ay nasa ika-apat na baytang na ng high school. Iniimagine nyo kung ano ang itsura ko? Hmm, let's just say na ako yung pinag-cross breed na Lee Min Ho at Kim Hyun Joong. Hahaha! Yabang ba? Sensya, the truth hurts talaga eh. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'tong kwento ko. Hmm, let's just say na lahat ng bagay sa mundo ay importante. Kahit na gamit na alcohol o libag lang yan sa batok, mayroon 'yang nakatakdang misyon. 'Wag nating iismolin ang mga hindi kapansin-pansin na materyales sapagkat hindi natin alam, baka ito ang makapagpabago sa buhay natin.
Kagaya lang ng piso: maliit ang halaga, walang kwenta, at pambili lang ng kendi sa tindahan. Pero maniniwala ba kayo na ang piso ang nagpabago sa katayuan ng bestfriend ko sa buhay? Ito rin ang dahilan kung bakit nakilala ko ang star ng puso ko? Mehehe.
_________________________________________________________
Isang araw, naglalakad kami ng bestfriend ko, si Bonyong, at may nakita kaming piso na nakakalat sa daan.
Dodong: Wow! Ang swerte natin ngayon! Andami na nating mabibili sa piso Bonyong! Mayaman na tayo! MAYAMAN NA TAYOO! (Sumigaw ng 'WOOHOO!')
Bonyong: Oo nga Dodong! Isipin mo na lang ang magagawa natin sa piso! Pwede tayong bumili ng krim stix, mag-tetching, mag-kara-krus, at marami pang iba! (Naki-apir kay Dodong)
Pupulutin na sana ni Dodong ang piso ng may nag-ninja moves sa likod nya at nag-front leap papunta sa piso. Dinampot nya ito.
Dodong: Si-sino ka! Anong ginagawa mo dito! Bitawan mo ang piso namen! Isa!
???: Hmp. Ako si Jao. Pero pwede mokong tawagin na Badjao. 'Coz I'm bad baby, really really baaaad. At bakit ko naman bibitawan? Hindi naman sayo 'to ah. (Sabay hagis sa piso pataas at sinalo)
Bonyong: (Binulungan si Dodong) Uyy pre. Pabayaan na lang natin yung piso. Tignan mo sya oh. Maganda, seksi, at mukhang atlethic pa. Banatan mo na tol!
Dodong: (Binulungan din si Bonyong) 'La akong pakialam pre. Tayo yung unang nakakita sa piso. Kaya tayo ang nagmamay-ari ng piso. Manahimik kana lang dyan at tignan mo ang gagawin ko.
Badjao: Hoy mga ungas! Magbubulungan na lang ba kayo dyan? Kailangan ko ng umalis eh. Dahil marami pa akong gagawin sa piso KO. Tama, akin na nga ito. (Belat)
Dodong: 'Wag ka munang umalis hangga't hindi mo binabalik yung piso namin! Kahit na mukha kang prinsesa ng England, hindi ko palalagpasin ang ginawa mo! Ibigay mo na!
Badjao: Mehehe! 'Wag kang umiyak munting bata. Ibabalik ko 'to sige, pero sa isang kundisyon.
Dodong/Bonyong: Ano naman yun?
Badjao: Fliptop tayo.
Dodong: Hahahaha! Babae ka eh! Tsaka marunong ka ba nun! Baka umiyak ka sa mga lines ko! LOL
Badjao: Tangeks! Yayayain ba kita kung hindi ako marunong?! Tsaka porket babae ba ako hindi na agad marunong? Ihahampas ko sayo ang mga lyrics ko pati gender discrimination law! HMP!
Bonyong: Ok-ok. Kayo ang mag-away. Ako na lang kunwari si Enigma. Ngayon ba natin sisimulan?
Dodong/Badjao: OO NGAYON NA! (pasigaw nilang sinabi)
Bonyong: Sorry naman! Chillax lang. Okay, game na. Ehem-ehem. Sa kaliwa, ang tinaguriang kilabot ng Video City! Palakpakan natin si Dodong! Wooohh! Wait, tayong tatlo lang pala nandito. Hehe
Sa kanan, ang kamandag ng Lurings! Magbigay puri para kay Jao! Wooohhh!
Kumuha sila ng tatlong tao na nakita nila sa daan. Isang negrito, tindero ng taho at isang autistic na ngongo. Sila daw ang mga hurado na magdedesisyon kung sino ang mas tumatak na lines.

BINABASA MO ANG
Ang Piso. Hehehe
HumorAlright. Una sa lahat, ginawa ko ang walang kwentang kwentong ito para ibuhos ang kabaliwan, katangahan, at kawalang-hiyaan ko sa buhay. Kaya kung magalit man sakin ang presidente ng Iraq, peace lang tayo brad. Ikaw! Oo, ikaw na nagbabasa. May pagka...