6

9 2 0
                                    

Caela Amari.

Halos isang oras din ang itinagal namin sa cafe. Ilang beses pa ulit na lumapit sa table namin si Dion at nakipag-kwentuhan but this time she seems careful to every word she's saying and I can't help but to wonder why?

Ano ba 'yung dapat sasabihin niya kanina? At bakit pinigilan siya ni Em na sabihin kung ano man iyon? I just shrugged.

"So, you have a brother?" Tanong sa akin ni Dion.

Wala na gaanong customers hindi kagaya kanina kaya naman malaya siyang makipag-kwentuhan sa amin.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Kung anu-ano lang ang napag-usapan naming tatlo. Yup! Kami lang tatlong babae ang nag-uusap dahil wala naman 'atang planong magsalita ang kapatid ni Em. Masyado itong tutok sa pag-inom ng kape na para bang mas interesante pa iyon kaysa sa pinag-uusapan naming tatlo.

I shrugged again. Mukhang ganun naman na talaga siya kaya hayaan na. Mukha rin naman walang pakialam ang dalawang 'to na tuloy lang sa pag-uusap.

"I'll drop buy to your house tomorrow. May ipinabibigay si Mama kay Tita Emma." Sabi ni Dion na ang tinutukoy ay ang mom nila Emberly.

Nalaman kong magpi-pinsan pala ang tatlong ito. Magkapatid ang mga mommy nila. Nalaman ko din na si Dion pala ang owner nitong cafe and it just opened less than a month ago kaya naghahanap pa siya ng mga tauhan at habang wala pa ay sa muna ang gumagawa ng lahat.

And that's when I remembered something. Hinarap ko ang mag-pinsan. Nahihiya man ay naglakas-loob akong magsalita.

"A-ahm, Dion?" Tawag pansin ko dito. Kaagad naman itong bumaling sa akin na may malawak na ngiti sa mga labi.

"Yes? May kailangan ka?" Malumanay na tanong nito.

Maging si Em ay nasa akin na rin ang atensyon. Pareho silang nakatitig sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

Himinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Would you mind if I apply here in the cafe? Naghahanap kasi ako ng part-time eh." Nahihiyang sabi ko.

Sa ilang linggo kasing lumipas ay ilang beses kong sinubukang maghanap ng trabaho kahit part-time lang pero full timer ang hinahanap sa mga napag-apply-an ko. Hindi naman ako pwedeng mag-full time dahil pumapasok ako kaya part-time lang sana ang gusto ko. I know, magagalit si Mom dahil napag-usapan na namin ito pero gusto ko talagang makatulong kahit sa ganitong paraan manlang.

Nawala ang kabang nararamdaman ko nang malawak itong ngumiti na may kasama pang pagtango.

"Oo naman! It would be my honor to have you here." Tumatangong ani niya.

I can't help but to blush because of what she said. Parang ang oa naman kasi ng pagkakasabi niya. Kung makapagsalita siya ay para bang kung sino akong importanteng tao. Nakakahiya pero masaya ako na papayagan niya akong mag-work dito. Kahit papaano ay makakatulong na ako sa mga gastusin sa bahay.

"Me too! Let me work here too!" Biglang sigaw ni Em na may kasama pang pagtaas ng kamay.

Nabaling ang paningin ko kag Emmett nang marinig ko siyang umismid. "Manggugulo ka lang dito." Anito bago sumimsim ng kape.

"What am I? A kid?" Nanlalaki ang mga matang anito sa kapatid bago muling bumaling kay Dion. "Please! Let me work here with Caela. I want to be with her!"

"Oo na, sige na pumapayag na ako. Stop shouting."

"Yey!"

Nakangiting napailing na lang ako sa inakto ni Em.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mate Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon