Caela Amari.
Nang magising ako kinabukasan ay kataka-takang wala na akong maramdamang kirot sa mga tuhod ko.
Bumangon ako at sinipat ang mga iyon.
Marahan kong inalis ang gauze na nakatapal sa kanan kong tuhod. Pansin kong iba na ang itsura nun kumpara sa inilagay ko kagabi. Iba din ang pagkakalagay ng medical tape.
The wound is still here, sa katunayan nga ay mas lumala ang itsura nun dahil visible na ang pasa sa paligid ng sugat pero nakapagtataka na wala akong maramdamang sakit. Ganun din sa kabila kong tuhod. Pati ang maliliit na gasgas sa mga palad ko na kagabi lamang ay mahapdi pa, ngayon ay wala na akong maramdamang kahit na ano.
Nagkibit balikat ako at saka tumayo at nagtungo sa banyo. Baka si Mommy ang may gawa nun. Baka pagdating nila kagabi ay nakita niya ang mga sugat ko.
Pero, ano naman kayang klaseng gamot ang inilagay dito ni Mommy at namanhid ng ganito ang mga sugat ko?
Hayaan na nga, itatanong ko na lang mamaya.
Kakatapos ko lang maligo nang magring ang cellphone ko. I checked it just to see that it's a call from Emberly. Nagpalitan kasi kami ng number last week. I wonder why she's calling though.
"Hello, Emberly?"
["Hi, Cae! How are you? Do you have plans for today? Wanna go to downtown with me? Pasyal tayo!"]
Hindi ko mapigilang matawa ng bahagya sa sunud-sunod na tanong ni Em. Ang daldal talaga. Hindi manlang ako bigyan ng chance na makasagot. Napailing ako. Em will always be Em.
"Sure. Tutal ay wala naman akong gagawin ngayong araw." Sagot ko.
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
["Great! I'll pick you up later after lunch, is that okay?"]
Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Okay, sige."
She ended the call. Nang maibaba ko sa kama ang phone ay saka ko lang naisip na paano pala niya ako masusundo e, hindi niya pa naman alam ang bahay namin?
I shrugged. Ite-text ko na lang siguro siya mamaya. Maaga pa naman at after lunch pa kami aalis.
Bumaba ako matapos ayusin ang kama ko. Dumiretso ako sa kitchen kung nasaan si Mommy na mukhang katatapos lang maghanda ng agahan.
I sat on my chair after greating her good morning.
"Kumain ka na, gigisingin ko lang ang kapatid mo."
Tumango ako. Paglabas ni Mommy ng kitchen ay nag-umpisa na nga akong kumain. Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin sila ni Caleb at sinabayan na ako sa pagkain.
After breakfast ay muli akong bumalik sa room ko. Inayos ko ang mga gamit na kakailanganin ko bukas dahil may pasok nanaman. Pagkatapos ay hinanda ko na rin ang isusuot ko mamaya sa lakad namin ni Emberly.
Oo nga pala, hindi pa nga pala ako nakakapag-paalam kay Mommy kaya bumaba ako ulit at hinanap siya sa kitchen pero wala siya doon kaya dumiretso ako sa back door.
Pagsilip ko palang sa pinto ay napangiti na ako kaagad nang makita si Mommy na abalang-abala. Lumabas ako at tuluyan siyang nilapitan habang pinagmamasdan ang paligid.
Ang dating walang kabuhay-buhay na likod bahay, ngayon ay isa ng makulay na mini garden.
Noon pa man ay mahilig na talaga si Mommy sa mga halaman lalo na 'yung mga namumulaklak. Magaan kasi ang kamay niya sa mga halaman. Kahit na anong itanim niya ay talagang tumutubo at nabubuhay.
