Krinnnggggg!!!!!!! Sa pagtunog ng bell, magkakajowa kana. Narinig na namin nina Brianna at Lacy ang hudyat na nangangahulugang kailangan na naming bumalik sa aming mga sariling Classroom at hindi sa pagtunog nito ay magkakajowa kana T^T. Habang nakaupo at nakikinig sa tinuturo ni Professor Marlowe ay hindi ako makapag-focus dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isipan ko. Isa na dito ay kung bakit ang liit na Professor Marlowe. Hindi ko lang maiwasang matawa kapag nakikita ko si Prof. Maliit man si Professor Marlowe ay ubod naman ito ng talino sa pagtuturo at sobrang seryoso na akala mo'y wala ng bukas. Sa gitna ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatingin na pala silang lahat sakin."Ms. Miller" parang may tumatawag sakin.
"Ms. Miller" narinig ko ulit na tinatawag ang magandang kong apelyido.
"MS. MILLER!" ako nga ang tinatawag. Lagot!
"Yes sir?" kunwaring mabait syempre.
"What the hell are you doing Ms. Miller?!" Naku si Sir nag-english pa, eh maliit naman.
"May problema ba Ms. Miller?" ani ni Sir.
"Sino pong may problema Sir?" pagkasabi ko non ay isang matalim na tingin ang binigay sakin ni Prof. Liit. Ayan natawag ko tuloy na "liit".
"Where are your ears Ms. Miller?"
" Huh? S-sir?" tanong ko nang di ko makuha ang ibig nyang sabihin.
"Kung wala kang balak makinig, The door is open. Pwedeng-pwede kang lumabas." labas agad sir? huhuhu
"I'm sorry sir" sambit ko.
"Always remember Ms. Miller thay Sorry is not enough" wag mo sabihing may parusa ako sir O_o
"Also, let me remind you again that you are here to listen and learn and not to think of anything that's not related to our lesson. You understand?"
"Yes sir and sorry again" nakayuko kong sambit.
"You may now sit down, Ms. Miller"
Pagkatapos non ay walang pasabing pinagpatuloy na ni Prof. ang pagtuturo. Turo doon, turo dito ang ginawa ni Prof. sa Black Board. Nakinig na lang ako at naglecture. Paano ba naman, bahagya pa akong sinulyapan ni Sir. Ayon, edi nakinig na ako ng nakinig. Akalain mo nga naman ano, kahit maliit sya nakakatakot pa din.
Sabi nga nila "It's okay to be small but Professor Marlowe is too small". Sabi ko pala yan (≧▽≦)
Pagkatapos ng klase ay pumunta kami nina Brianna at Lacy sa Cafeteria. Ganito lagi ang ginagawa namin. Binubusog namin ang mga t'yan namin para happy kagaya ninyo. Umalis si Brianna para umorder dahil gutom na daw si Lacy. Gutom s'ya? Bakit sa lahat ng magugutom s'ya pa? Pwede naman kayong readers eh. Hmp! Dahil sa kami na ang magkakaibigan mula high school ay mayroon kaming tinatagong maliit, "MALIIT" na sikreto lang naman. Ito ay alam na alam ng estudyante kaya kahit hindi ko na sabihin ay alam nyo na. HAHAHAHAHAHA.
Pagkatapos naming sa Cafeteria ay humiwalay saglit si Lacy dahil pinatawag s'ya ni Chris. Si Chris ay ang president ng kanilang Section at si Lacy naman ang Secretary nya. Dahil sa maarte si Lacy sya daw ang "SEXYtary". Gwapo yon si Chris hehe.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik si Lacy na may kinakain. Tamad na toh, umalis ng walang kinakain, pagbalik nakakuha ng grasya. Aba swerte!
"Oh grasya yan ah. Ehem! Ehem!" tiningnan lang ako ni Lacy at hindi pinansin. Ay wow! Nagkapagkain lang snobber na. Edi wag magbigay hmp!
"BeSUNGOT" narinig kong tawag ni Lacy, sinagot ko sya ng may halong inis.
"Tamad" pabalik na tawag asar ko sakanya.
"Huy bes!"
"Bakit ba?!" sinagot ko nalang uli sya. Lintek isa pa Lacy, bibinggo kana.
"Uy bes"
Dahil sa inis ko, hindi ko na sya sinagot. Pero halos matanggal na tenga ko sa epal na bunganga nya.
"BESSSS!!!!!"
"LACY! LACY! LACY! LACY!" mukha naman s'yang nagulat sa sigaw ko sakanya. Mukha talagang tamad pangalan nya HAHAHAHA.
"Bes galit kaba? hehe" nagtanong kapa.
"Hindi, masaya lang ako. Oo masaya lang ako" sarkastiko kong sagot. "Bakit kaba kasi tawag ng tawag ha?!"
"ITATANONG LANG NAMAN KITA KUNG GUSTO MO NETO EH!" pasigaw na sabi nya.
Eh? Gakit ba s'ya? Bakit sya sumisigaw? Mapang-inis kasi kaya ayan nasigawan tapos sya pang galit. Tiningnan ko kung ano yung sinasabi nya at laking gulat ko nang makita ko ang kinakain nya. PIZZA! Oo pizza! Yung paborito ko! Isa ang pizza sa mga paborito ko kasi ang sarap neto lalo na kapag maraming cheese.
Isa lang ang masasabi ko kay Lacy, "PIZZAsaya mo ako kaya mawala na ang lahat wag lang si Brianna" hihihi.
Isang masakit na kurot agad ang natanggap ko kay Cy habang si Bri ay tawa lang ng tawa habang kumakain. Cy ang nickname ko kay Lacy at Bri kay Brianna. Enjoy si epal sa pagkaing bigay oh.
"PIZZA?! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?! KANINA KAPA TAWAG NG TAWAG TAPOS HINDI MO MAN LANG SINABING KUMAKAIN KA NANG PIZZA?! HMP!" alam nyo na, kunwari tampo para mas maraming ibigay.
"Sorry na oh bes..." sabi nya sabay alok. Effective ata paninigaw ko noh? hihihi .Oh ayan gayahin nyo din para mas marami ka pang mahingi.
Binigyan n'ya 'ko at hindi lang isa kundi....Hulaan nyo ilan? Dalawa! >_<
"Saan mo ba ito nakuha Lacy?" tanong ko habang kinuha sakanya yung puto. Oh ayan, baitan time na.
"Binigay sakin ni CHRIS"
"Bakit ang onti naman ng binigay nya?" tanong ko pero biro lang naman yon.
Sinamaan nya 'ko ng tingin bago sinagot. "Nagbigay na nga eh. Hiningi ko kasi alam kong gusyo mo eh" sweet naman!
"Joke lang naman syempre! "Thank you" sabihin mo ha? Mahal ko na sya, idagdag mo pa at saka pakakasalan ko na sya ka'mo" pabiro kong sabi habang tumatawa pero seryoso ako sa pagpapasalamat.
Habang nakaupo na'ko sa classroom dahil sa susunod na subject ko ay biglang may tumamang papel sa ulo ko. Hindi ko pinansin yon dahil sa pag-aakalang natamaan lang ako.
Ilang minuto ang lumipas may tumama na namang papel sa ulo ko. Amputs ah! Kanina pa ako natatamaan pero hindi ako nagrereklamo!
Tumayo ako sa upuan ko at "ANG BWISIT SINO YUNG NAGBATO NETO?!" sabi ko habang hawak ang papel. Isa-isa kong tinignan ang mga lalaking maaaring gumawa non pero umiling sila na akala mo naman seryoso sila. Dahil sa ginawa nilang pag-iling ay muli na akong bumalik sa upuan ko pero hindi nakatakas sakin ang masamang tingin mula sa lalaking nasa likod ko. Natutulog ata kasi s'ya tapos nasigaw ako bigla. Muli kong tinignan kung ganon parin ang itsura nya at laking gulat ko nang wala na sya sa likuran ko. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko s'yang naupo doon sa bandang likod pa. Nang magtama ang tingin namin ay kinusilapan ko nalang sya. Paano ba naman kasi tinaasan ako ng kilay. Humiwalay sana kilay mo sa balat mo. >_<
A/N: Ang iksi palang po huhuhu. Sana magustuhan nyo po *3*
YOU ARE READING
Love at First Fight (School Series #1)
Teen Fiction(On-going) "Hinding-hindi ko mamahalin ang sino mang babaeng magmamahal sakin. Dahil kahit sino pa sya ay katulad lang sya ng ibang babaeng pera lang ang habol." "Kahit kailan hindi ako magmamahal ng lalaking sasaktan lang ako." Paano kung ang isang...