Natapos lahat ng subject ko at uwian na. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung lalaking mukhang hotdog. Pagkatapos ng klase ko ay hindi na ako nagdalawang-isip na umuwi na kaagad. Pagod ako at gusto ko magpahinga. Sigurado naman akong nakauwi na sina Cy at Bri.
Sinundo ako ni Kuya Ariel, driver ko sya na parang body guard nadin. Si Kuya Ariel palagi nya akong tinutulungan at sinasamahan kapag aalis sina mama at papa.
"Mommy! Daddy!" pagbukas palang ng pinto agad ko ng hinanap sina Mommy at Daddy.
"Oh hija nandyan kana pala, halika na at kumain" si Ate Edda yan. Si Ate Edda naman ang nag-alaga sakin bata palang ako hanggang ngayon. Silang dalawa ni Kuya Ariel ang pinaka-pinagkakatiwalaan nina Mommy at Daddy.
"Good evening po Ate! Sina Mommy at Daddy po?"
"Ah, umalis sila hija. Babalik din sila sa susunod na araw kasama ang kuya mo!" masayang bati ni nana na kinagulat ko naman
"Totoo po Ate Edda? Uuwi na si Kuya?"
"Oo hija kaya't halikana't kumain. Siguradong magiging masayang-masaya ka"
Pagkatapos ko'ng kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto at naglinis ng katawan. Humiga ako at tiningnan ang GC naming Hinayupak. Hinayupak pinangalan ko hehehe.
"Hinayupak na Pwends"
Panty (Lacy): Good evening Besungot!Bra (Ako): Who you?
Panty (Lacy): Besungot mukha kang sungot na susundot-sundot sa sunog na pizza. HUWSHHAHAHAHAHAH
Aba ang powsxta na tamad nang-gagago.
Bra (Ako): Oh tapos?
Panty (Lacy): Sundot sungot ka bes!
Bra (Ako): Ganda ka? Eh mukha kang sunog na bahay.
Wag nyo ko husgahan. Wala ako sa mood makipag-away eh.
Brief (Bri): Good evening mga hayop!
Tignan mo, kadarating lang gago na. Well, totoo din naman. Yon pangalan ng GC eh HAHAHAHA.
Bra (Ako): Good evening din hayop. Buti dumating ka at may kasama ng hayop yung isa dyan.
Brief (Bri): Good evening bes! Tulog kana ba? Asan si Cy?
Oh tanga. Kung tulog naba ako makakakuha pa sya ng sagot nya sakin? Tapos sakin hahanapin si Panty, bakit hanapan ba ako ng taong nawawala? Hanep talaga tong mga kaibigan ko!
Bra (Ako): Ta3na neto. Bakit sakin mo hinahanap bes? Eh nawala na lang bigla. Baka nagsuot ng panty hehe.
Brief (Bri): Patawa ka bes. HUWAHHAHA
Nagpapatawa daw ako? Hindi ko na sya nireplyan dahil si Cy na ang kausap nya.Maya-maya pa ay tumunog ang cp ko. Hinahanap nila ako pero wala ako sa mood makipag-usap dahil excited ako na makasama sina kuya. Ayoko na ng lolokohin pa si kuya. Hindi pa siguro ako nakikilala ni Yveth ng mabuti pero
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Isa lang ang masasabi ko, kung akala nila na ganito ako, doon sila nagkakamali. Hindi lang ako basta-bastang isang studyante na kaya nilang bully-hin at tapak-tapakan. Isang beses pa na pagbuhatan ako ng kamay ni Yveth.........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sasakit na ang pisngi ko huhuhuhu:<<<
YOU ARE READING
Love at First Fight (School Series #1)
Teen Fiction(On-going) "Hinding-hindi ko mamahalin ang sino mang babaeng magmamahal sakin. Dahil kahit sino pa sya ay katulad lang sya ng ibang babaeng pera lang ang habol." "Kahit kailan hindi ako magmamahal ng lalaking sasaktan lang ako." Paano kung ang isang...