CHAPTER 1 - PASULONG

21 0 0
                                    

"You are the human while I am the door.
There's a sign on me saying push,
But, why did you pull?"

~xxx~

"Hi, I'm Bettina Clark, 15 years old..."

Kinakabahan na si Bettina dahil nakalimutan nya ang sasabihin nya. Introducing in front is okay, pero pag sinamahan mo ng address, hobby, birthday, motto, at kung ano-ano pa, is not okay. Bakit pa kasi kailangang sabihin 'yon, e pangalan pa lang ata nya e makakalimutan na agad ng mga kaklase nya.

Grade 10 na si Bettina o tawagin na lang nating Betty, and hindi sya sociable.

"A-a.. a-ano...." at dahil nakalimutan na talaga nya ang sasabihin ay bumalik na lang sya sa upuan nya.

Gusto nang sabunutan ni Betty ang sarili nya dahil sa kahihiyang ginawa nya sa harapan. May narinig pa nga syang mga mahihinang tawanan ng mga kaklase nya nang dahil sa ginawa nya, pero wala na syang magagawa because, well, nagawa nya na and she cannot turn back time.

Samantala, sa backrow, ay nakatingin sa kanya ang isang lalaki. Pinipigilan nito ang tawa dahil nakakatawa naman talaga ang babaeng nagpakilala bilang Bettina Clark. Para syang si Betty sa Yo soy Betty, La Fea, plus the fact na kapangalan nya pa ang bida doon.

"Ayun lang ba ang sasabihin mo, Miss Clark?" Tanong ng adviser nila.

Nakayuko lang ang babae at natatawa syang pinagmasdan ito. Para kasing tuod e. Nakita nyang tumango lang si Betty at tumingin na sa may bintana at tumulala.

"Nakalimutan ko na po kasi yung sasabihin ko e." Walang kagatol-gatol na sabi nito. Dumagdag sya sa mga nerd na meron ang Grade 10-Diamond. At pangatlo sya sa mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay oras na ng lalaking magpakilala kaya tumayo na sya at swabeng naglakad sa harap na akala mo'y pagmamay-ari ang buong mundo. Nang nasa harapan na ay nagsimula na itong magpakilala.

"I'm Aren Belleza, 16 years old. I love to play basketball, I also like Mixed Martial Arts. And 'the more you hate, the more you love' is my motto."

Napatingin si Betty sa harap dahil natawa sya sa mottong sinabi nung nagpakilala. Ang gasgas na kasi e, at halatang linyahan ng mga pakboy.

Bago pumunta sa upuan nya si Aren ay tumingin sya sa babaeng Betty La Fea at nagulat sya ng nakitang nakatingin din ito sa kanya at parang natatawa ang itsura.

Inisip ni Aren, kahit wala naman sya non, kung ano bang nakakatawa, dahil mukhang tawang-tawa ang mukha ni Betty habang nakatingin sa kanya. Hindi iyon nagustuhan ni Aren kaya naman sinamaan nya na lang ito ng tingin at naglakad na pabalik sa upuan nya.

"Ang sungit naman non." Bulong ni Betty sa sarili nya. Ang sama kasi makatingin tinignan nya lang naman galit na galit na kaagad.

Agad na nag-evaporate ang mga estudyante sa classroom nang tumunog ang bell, it means recess na, at sya na lang and natira kasama ang apat na nasa likod nya. Siguro solid sya kaya hindi sya nag-evaporate, o di kaya'y matagal na syang tuyot at kulang sa dilig, hindi kasi sya pala-inom ng tubig, e.

~×××~

"Ms. Demena, dun ka sa tabi ng bintana."

"Mr. Belleza, sa tabi ni Ms. Demena." Bagot na bagot na lumipat si Aren sa pwesto nya. Bakit ba naman kasi kailangan pa ng ganto, ang tatanda na nila may seating arrangement pa rin. Ano ba 'tong section na 'to? Grade 6? Tapos ang natabi pa sa kanya ay sobrang tahimik.

"Ms. Clark, sa tabi ni Mr. Belleza," inosenteng lumipat ng upuan si Betty.

Uupo na dapat si Betty nang mapatingin sya sa magiging katabi nya. Ito yung lalaking masungit, at nakatingin na naman ito sa kanya ng masama. Para tuloy gusto nya na lang magpalipat ng upuan or kung hindi pwede, section na lang.

Unexpressively ExpressiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon