"My world was extraneous and monochrome,
But with turbulent storms and thunders
You taint me with colors."~×××~
"Betty, bumili ka muna ng limang pisong mantika kila Aling Marites."Pinahid ni Betty ang isang butil ng luha sa mga mata nya at pinili na lang mag-give up, bente minuto na kasi syang nagpapractice ng iyak pero walang lumalabas na luha. Kailangan na talaga nyang uminom ng maraming tubig, nade-dehydrate na kasi yung mata nya.
Parang tanga si Betty sa ginagawa nya, pero nasa phase pa kasi sya ng buhay nya kung saan ay katatapos nya pa lang sa pagiging jejemon. Aminin man ng mga mambabasa o hindi, dumaan din sila sa pagiging jejemon, pero yung author ng story na 'to ay magsisimula pa lang maging jejemon kaya pagpasensyahan nyo na.
Pupunta na dapat si Betty sa kusina para tanungin yung nanay nya kung anong bibilihin-kahit alam nya na kung ano yon-pero napadaan sya sa salamin nila sa sala.
And, oh, wow!
Nabighani si Betty sa itsura nya sa salamin, minsan lang sya magmukhang maganda dito (mga once a day lang) kaya lumapit sya at nagpacute. Tinignan nya ang sarili nya sa salamin at nagpose na akala mo ay nasa pictorial. Ginulo nya pa ang kulot na buhok at tinali ang tshirt na suot dahil akala nya ang sexy nya tignan don, pero ang totoo, sexy talaga sya. Hehez.
"Pabili pong yelo."
Biglang natauhan si Betty sa ginagawa, karaniwan kasi diyosa sya e, pero dahil napahiya sya ng bongga ay naging tao na lang sya sa ngayon.
Dali daling binaba ni Betty ang tshirt nya at inayos ang buhok nya. Tinignan nya ulit ang sarili nya sa salamin, at ayon, hindi na sya maganda tignan dito dahil mukhang sapot na ng gagamba ang buhok nya at para na syang patay sa sobrang putla ng mga labi nya.
Hayst. Nakakapanghinayang, once a day lang si Betty nagiging maganda sa salamin, may umepal pang bumibili ng yelo, yan tuloy bukas na macocontinue ang pagiging maganda nya. Pero hayaan na, atleast sya gumaganda kahit once a day lang, yung bumibili kasi ng yelo at the time ay sinumpa ata ng mga ninong at ninang nya dahil never pang pumogi at nagmukhang tao.
Naglakad si Betty papunta sa pintuan kung saan nakasilip at nagaantay ang lalaki.
"Wala na pong yelo, e. Pero kung meron man po, ansarap non ihambalos sa'yo." Magalang na tugon ni Betty.
Magsusungit dapat si Betty, pero narealize nyang ngayon nya lang ata nakita 'tong lalaking 'to, kaya naman naging magalang ang pananalita nya.
"Uy, Betty, anlaki mo na ah."Sa totoo lang, sinadya talagang pumunta ng lalaki sa bahay nila Betty, kababata nya kasi yon.
Natatangahan ang lalaki sa sarili nya. Parang tanga kasi yung line na 'uy, Betty ang laki mo na ah.' Kasi di'ba, alangan namang hindi lumaki si Betty, ano yon, forever bata? At ano? Yung lalaki lang yung may karapatang lumaki at si Betty wala?
Kilala si Betty ng lalaki, pero hindi ito kilala ni Betty. Gustong makonsensya ni Betty pero dahil badass sya kuno ay wala sya non sa ngayon, lalo na't nadistorbo nito ang pictorial nya on the mirror.
"Betty? Hindi ako si Betty, ako si Elsa."
"Edi may superpowers kang gumawa ng yelo?"
BINABASA MO ANG
Unexpressively Expressive
Short StoryOur always alone girl meets Aren, the god of war that will make her lonely world extra lonely. From Monday to Friday, and morning to afternoon, the never-ending word wars and pranks were thrown against each other. Who will win? The new school year h...