Aligagang aligaga si Rob nong nakasalubong ko sya, at dahil sa pagmamadali nya nasagi nya yung journal ko na navy blue. Nahulog din yung sa kanya. Sabay naming pinulot ang gamit na nagkalat sa sahig.
"Sorry Marco, tulungan na kita dyan" sabi niya sa akin
"Okay lang" dali kong sinabi at tumayo
Tumayo siya at aksidenteng napalapit ang kanyang mukha sa aken, nakita ko sa kanyang mga mata ang emosyon na di ko mawari kung ano parang may gustong sabihin, rinig na rinig ko rin ang pag tibok nang puso nya, nakitang ko rin pano naging mala rosas ang kanyang pisnge sa maputi nyang balat. Mag sasalita na sana ako pero bigla syang nag salita.
"Sige mauna na ako" sabi nya at dali daling umalis sa aking harapan
Iniwan nya ako sa classroom na mag-isa na hindi alam kung ano ang nangyare.
Inaayos ko yung mga gamit at ang sarili ko nung biglang may tumawag si Aeron.
"Nasaan ka?! Gutom na ako halika na dito sa canteen andito na rin si Mark" atat nyang sinabi
"Sige po andyan na, malapit na po, ikaw talaga pag pagkaen ang bilis mo" pa pilosopong kong sinabi
"Andami mong sinabi, ibaba kona, andito na yung pagkain"
"Sige malapit na ako" sinabi ko nong bigla nyang binababa
Tsk! ang attitude nito naman netong kaibigan ko pa bulong kong sinabi sa sarili ko habang papalakad sa canteen kung saan naroroon sina Mark at Aeron
Papasok na ako nong hinatak ni Paula ang aking Kamay at sinabing"Hoy ikaw!!! layuan mo nga si Rob. Huwag mong guluhin ang kanyang pag iisip!!!!" galit nyang sinabi
"Ano ba kase ang problema mo Paula ?!?!? Hindi naman kami close ni Rob"
"Anong hindi! alam mo bang hindi sya dumating sa date namin ni Rob dahil sa'yo?!!?!"
"Huh?"
Magsasalita na sana ako nong biglang lumabas si Aeron na inis na inis at gustong ilibing nang buhay si Paula
"Anong problema mong bruha ka na ginugulo mo si Marco ha?!?!?!" Inis na inis na sinabi ni Aeron
"Wala kang pake okay hindi ikaw kinakausap ko" mataray nyang sinabe at tumungin ulit sa aken
"Anong walang pake ha ?!?!?" Galit nyang sinabi at ramdam ko rin ang galit ni Aeron . Ngayon ko lang rin sya nakita na ganyan ka seryoso.
"Dahil sayong bruha ka hindi ako naka kain, at ang ayoko sa lahat ay ang awayin mo ang mga kaibigan ko, umalis ka na nga!!!! Bago ko masampal ko mukha na make up lang hindi naman pantay ang foundation at kilay tskkkk. Ang Cheap Mo!!!"
"Fine....whatever, ikaw Marco ha layuan mo siya
kung ayaw mong mapahiya"Umalis na si Paula pero ang kanyang mga sinabe ay andito parin sa utak ko na pa ulit na ulit para bang sirang plaka. Tinawag na ako ni Aeron para kumain.
"Salamat Aeron, kung di ko lumabas siguro ano ginawa non"
"Ano ka ba wala yun, that's what friends do" sabay kindat sa aken.
"Sige kain na tayo" sabi ni Mark sa tabi ko.
"Sige na nga" sabay naming sinabi ni Aeron
Nawala na saking isip yung mga sinabi ni Paula
pero yung imahe ni Rob nung magka lapit yung mga mukha namen. Yung mga mata nyang kumikinang na para may gustong sabihin. Sabihin ko na ba sa kanya ang aking nararamdaman. Huminga ako nang malalim at sinabi sa aking sarili
"Huwag na Marco masaksaktan ka lang, Straight sya at hindi kailanman mag kaka gusto sa isang katulad mo" naramdaman ko na naman ang sakit sa aking dib dib. Inilabas ko ang journal ko para makapagsulat nang tula para maibsan ang aking nararamdaman.
Pagbukas ko nang journal laking gulat kona hindi sa aken ang journal na iyon dahil walang nakasulat na pangalan ko sa labasNaalala ko kanina nong nahulog ito, baka kay Rob ito baka nagkapalitan kami. Binuksan ko ang libro para malaman kong kay Rob ba ito, at totoo nga sa kanya nga ito dahil may naka ukit na pangalan sa loob at isang Baybayin "ᜊᜒᜆᜓᜏᜒᜈ᜔" at merong naka sulat na maliit na salitang Butuin sa ibaba. Inilipat ko sa sa isang page na may sa isang liham na nakasulat, nong basahin ko ito biglang bumilis ang takbo nang puso ko, nong nakita ko yung pangalan ko sa liham.
To: Marco
Sana masabi ko sa yo kung ano talaga ang aking nararamdaman. Gusto kong sabihin na......
YOU ARE READING
The Stars are The Witnesses [SLOW UPDATE]
Romance"Ad Astra Abyssosque" anong ibig sabihin non ? tanong ni Robert kay Marco, " To The Stars and Abyss " sagot ni Marco, " Bakit naman ganun ang pinili mong quote ng yearbook mo? ", " Basta magets mo rin yun, di mo lang napansin basta tungkol sa iyo "...