Chapter 1: New Beginnings

9 5 3
                                    

   "Anak gising na first day mo pa naman ngayon sa new school mo" sabi ni NaYa o Nanay Yaya, yan kase ang gusto nyang sabihin ko sa kanya besides parang nanay narin ang turing ko sa kanya dahil sya lang lagi ang nandyan para sa aken dahil laging busy si mama sa Fashion Line nya.

"Sige po NaYa Bababa na po" dali kong tumayo sa higaan at ginawa na ang aking morning routine . Kinuha ko na ang official uniform nang school na may borda na STEM. Gusto ko tuparin ang pangarap kong maging Doktor.

"Hoy ! Anak Lalake o Babae na naman ba ang nasa isip mo?" Sabi ni NaYa sa aken, hindi sikreto dito sa bahay na Bi ako, umamin ako sa pamilya ko noong gumadruate ako sa  Junior High School

"Hala si NaYa kung meron naman po kayo po ang makakaalam non HAHAHAHAHA"

"A sige halika ready narin si Mark sa baba, at tsaka anak salamat ha kinuha mo si Mark sa paaralan mo" sabi ni nanay habang bumababa kami

"Walang anuman NaYa at tsaka kami ni mama ang may gusto, parang kapatid ko narin si Mark, sa kaytagal nyo pa naman dito di parang pamilya ko narin po kayo" sabi ko kay nanay

" Ay sus ang sweet naman nang anak ko, naku naku ang swerte nang lalake o babaeng iibig sayo" sabi ni NaYa habang sabay punas sa pekeng luha sa kanyang mga mata

" Palabiro ka talaga nay alam mong inuuna ko pa yung pag-aaral ko, alam mo namang gusto kong maging doktor sa lalong madaling panahon"

"O sige tuparin mo yang pangarap mo anak, para kung tumanda kami ni TayVer mo may libreng check up HAHAHAHAHA JUK" birong sinabi ni NaYA

" Oy! Pare Kain na !" Sabi ni Mark sa akin nung naka baba na kami ni NaYa. Nakita ko sya sa hapagkainan na nakab suot nang uniporme nang school na may borda namang HUMSS, pareho kaming pumasok sa iisang paaralan pero magkaiba ang aming strand, STEM sa akin kasi gusto kong maging Doktor si Mark naman HUMSS gusto nyang maging isang Lawyer well bagay naman nya at tsaka supportado naman namin si Mark sa anong gusto nya, may deal kasi sina mama at ni NaYa na pag aaralin nya si Mark hanggang sa makagraduate sa anong gusto nyang kurso bilang pambayad sa pag alaga ni NaYa sa aken, noong una ayaw ni NaYa kase sinuswelduhan daw naman sya ni mama. Pero sa ilang pag pupumilit, na papayag din naman si NaYa, wala namang magagawa dahil ang kulit ni mama.

"Sarap ng pag kain nay" sabi ko

"Aba ako pa ba ang sarap kaya nang signature Longsilog ko"  sabi ni NaYa

Tapos na kaming kumain ni Mark at naghahanda nang pumasok, pumasok na kami ni Mark sa kotse at sinuguradong mayroon na lahat.

"Okay na ba lahat?" Tanong ni TayVer

"Opo Tay" sabi namin ni Mark

Habang nasa byahe napatingin ako sa labas kung at napaisip na magbabago ba ang takbo nang buhay ko di naman sa nag re reklamo sa buhay ko ngayon perpekto na ito may dalawa akong nanay wala mang tatay pero may TayVer naman ako, wala akong kapatid ngunit meron si Mark na tinuturing kong kapatid. Nabali nalang ang mga iniisip kung sinabi ni TayVer na nakarating na kami sa eskwelahan.

" Marco tayo na hanapin pa natin yung classroom natin" sabi sa akin ni Mark

" Sige, tsaka mukhang orientation na " sabi ko habang lumalabas sa kotse

Habang naglalakad kami ni Mark napansin namin na pinagtitinginan kami nang mga estyudante.

"Ma issue tong mga nag-aaral dito, kapag nakakapatay lang ang pagtitig baka matagal na tayong patay" pabulong na sinabi ni Mark sa akin

" Pabayaan mona di ba first day lang natin dito ?" pabulong ko ring sinabi

" Ah sige natatakot nako dito ang sasama nang mga tingin nila sa atin" sabi ni Mark

tinignan na namin ang aming pangalan sa bulletin kung ano ang room namen. Ako sa Building 1 3rd Floor samantalang si Mark sa Building 3 2nd Floor. Nagpapasyahan namin na magkita nalang kami sa recess at lunch break, at humilay na sya sa aken at naglakad sa kanyang building.

The Stars are The Witnesses [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now