Kabanata 5: Hindi interesado

169 18 6
                                    

Camilla

"Aray!"

When Ara tapped me on the arm, I turned to look at her, Ara was my only true friend—the one who had stood by me through thick and thin. Unlike others who came and went, Ara remained a constant presence in my life. Many others were only around when they needed something from me. I viewed them as pests, fleeting and insincere in their friendship.

"Hindi ba tayo lalabas dito sa kwarto mo? Gosh! Halos tatlong oras na tayong nakakulong dito baka naman gusto mong lumanghap nang masarap na hangin." Halos parang nagdadabog nitong sabi sa akin.

Tinaasan ko siya nang kilay. Alam ko naman kasi ang hinihimutok nang pusod nitong si Ara. Nandito kasi ngayon sa bahay ang Alpahamaeta ang banda nila kuya Flin. It means, nandito sa bahay ang buong barkada at kasama doon si Storm. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong mga sinabi niya sa akin. Hindi naman ako galit sa kaniya pero kasi ang sakit sa dibdib nung mga binitawan niyang mga salita.

"Tigilan mo ako Arabella Faye Valencia, alam ko ang nasa isip mo." sabi ko while glaring at her.

Sumimangot siya sabay padabog na humiga sa may kama ko.

"Ang sama mo alam mo'yon."

"Excuse me paano naman ako naging masama?" I shot back.

Tumunghay siya mula sa pagkakahiga at tinaasan din ako nang kilay. "First of all, bakit mo ako tinawag sa buo kong pangalan. Alam mo namang ayaw ko na tinatawag ako nang ganon. At isa pa ayaw mo ba akong magka- love life?" Mahaba niyang litanya.

I rolled my eyes. "Dipa napag usapan na natin ito. Na dapat ako ang unang magkaroon ng love life at hindi ikaw." Sabi ko.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa pwesto ko si Ara, sabay hawak nang pareho niyang kamay sa aking balikat sabay yug-yug nito.

"Girl, baka mauna pang pumuti ang uwak kaysa magka love life ka? Kung ako sa'yo bilis-bilisan mo ang kilos mo. Baka maunahan ka pa kay papa Storm."

I took a deep breath and I looked sadly at Ara.

"Hindi naman ganun kadali 'yon. Hindi porke't umamin ako sa totoong nararamdaman ko kay Storm, ibig sabihin magugustuhan niya rin ako. Hindi pareho ang nararamdaman namin, mahal ko siya pero hindi niya siya ganoon. Napakatanga ko dahil sobra akong nagmadali. Lubos akong napaasa ng aking damdamin noon. Hindi ko man lang naisip kung ano ang mangyayari pagkatapos kong umamin sa kaniya." Mahaba kong litanya. Humarap ako sa aking salamin sabay simangot nang bongga. Kulang nalang ay pagsakluban ako nang langit at lupa dahil sa itsura ko.

Hinawakan ni Ara ang balikat ko kaya bahagya akong humarap sa kaniya. I saw evidence of pity in her face. Kaya agad akong nag iwas sa kaniya ng tingin. Ang ayako sa lahat ay 'yung kinaawaan ako.

"May point ka naman sa sinabi mo. Hindi naman kasi isang bagay si Storm na kapag sinabi mong sa'yo ay pagmamayari mo na agad."

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Ara. Tumingin ulit ako salamin sabay suklay sa mahaba kong buhok.

I shouldn't be in a hurry to admit to Storm. Sa isip ko.

***

Halos buong maghapon kaming nagkulong ni Ara dito sa kwarto ko. Hanggang sa umuwi na siya dahil hinahanap na siya sa kanila. I suggested na dito na siya matulog pero hindi siya pumayag dahil may gagawin daw siyang importante.

Humiga ako sa aking kama sabay tingin sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. It's already 6:30 in the evening. At hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang ingay na nagmumula sa may sala, kung saan nandoon sina kuya Flin.

Until I Make You Mine (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon